Manhid 48: The Baby
Ivy's POV
"Seriously, Keith?" Iritadong sabi ko.
Nandito ako ngayon sa isang 'di pamilyar na bar. Tinawagan ako ni Elmo at sinabing nandito nga daw si Keith. Hindi daw ito uuwi kung hindi ako ang kasama.
"Ano Ivy? Kailangan ko na talagang umalis e. Kanina pa ako hinahanap ni Akira." Kamot ang ulong sabi ni Elmo.
Napabuntong hininga nalang naman ako.
"Sige na. Ako ng bahala rito." Sinabihan niya pa ako na mag-ingat daw kami at tawagan agad siya kapag may nangyaring hindi maganda bago tuluyang umalis.
Nang makaalis na si Elmo ay nabaling na ang atensyon ko kay Keith na ngayon ay tulog na.
Umupo ako sa tabi niya at marahang tinapik-tapik siya.
"Keith." Tawag ko sa kanya ngunit hindi manlang siya natinag sa pwesto niya.
"Keith." Nakailang tawag pa ako sa pangalan niya ngunit wala paring nangyayari.
Nagsimula akong mainis.
P*tang*na lang talaga! Nagbakasyon ako para makapagpahinga hindi para mabwiset ng barkada!
Hanggang ngayon, nanggigigil parin ako.
T*ngna*ng Allen 'yan! F*ckboy ang p*ta.
Susugurin ko na nga sana siya ngunit pinigilan ako ni Kaye Ann.
Kasalanan rin naman kasi niya! Ang bata bata pa namin pero hinayaan niyang may mangyari sa kanilang dalawa.
Oh ngayon? Nasan na yung sinasabi niyang mahal nila ang isa't-isa?
Pagkatapos niya ring magkwento ay nakatulog siya sa kakaiyak. Para mapagaan din ang loob niya kahit papaano ay sinabi ko nalang sa kanya na baka nga kailangan lang ni Allen ng panahon.
Hanggang ngayon nasa bahay pa siya. Sinabi ko kasing samin nalang siya tumuloy dahil wala rin naman siyang kasama sa condo niya. Baka may mangyari pa sa kanyang hindi maganda kapag mag-isa siya.
Naging tuluyan na nga ata ng mga babaeng buntis ang bahay namin e.
--_____--"Hmmm." Napalingon ako kay Keith na ngayon ay nakayukyok sa mesa nang umungol ito.
Saglit akong napatigil nang matitigan ko and buong mukha niya.
*Lub Dub Lub Dub*
Magkamukhang-magkamukha nga talaga sila ng kapatid niya.
Kurk..
*Lub Dub Lub Dub*
Napahawak nalang ako sa dibdib ko nang muli kong marinig na naghuhumiyaw ito.
At tanging isang lalaki lang ang isinisigaw nito.
Napatingin akong muli sa mukha ng taong nasa harapan ko.
Hindi ko namalayang dahan-dahan ko ng itinataas ang kamay ko upang mahawakan ang kaliwang pisngi niya.
*Lub Dub Lub Dub*
Pakiramdam ko ay nakaramdam ako ng daan-daang boltahe ng kuryente sa katawan ko nang mailapat ko na ang palad ko sa malambot niyang pisngi.
Hindi napigilang tumulo nalang ang isang patak ng luha ko mula sa kanang mata ko.
"Miss na miss na kita, Kurk." Mahina ngunit puno ng emosyon na sabi ko.
BINABASA MO ANG
Love You Mr. Manhid (ON GOING)
RomanceSalawikain: Aanhin pa si kupido kung patay na patay na rin ako sayo. Sad Version: Aanhin pa si kupido kung ubos narin ang pana nya sa kamanhiran mo!