Manhid 21: The Force Date (Part Two)
Ivy's POV
"So, where do you want to go next?" Kunot noo akong tumingin kay Nathan.
"Are you serious?"
The hell's with him! Kakaupo pa nga lang namin dito sa isa sa mga bench dahil ako ay kanina pa napapagod kakalakad.
"Mukha ba akong nagbibiro?" Ganting tanong niya dahilan para nanliliit ang matang tinitigan ko ang namumutla nyang mukha.
"FYI Mr. -- " Napatigil ako.
'Gosh! Nakalimutan ko. Nakakahiya. Hindi ko pala alam ang surname niya!'
"Bernardo. Nathan Bernardo." Nakangiting sabi niya dahilan para mapatango-tango ako at pinagpatuloy ang sinasabi ko.
"FYI Mr. Bernardo, kanina pa tayo paulit-ulit na sumasakay sa mga rides na matataas. Namumutla ka na o." Sabi ko at dinuro-duro pa ang mukha niya.
Sa sobrang dami na nga ng nasakyan namin ay hindi ko na alam kung ilang oras na ang nakalipas simula nung sumakay kami sa ferris wheel.
Sumunod naming sinakyan kanina ay ang 'Roller Coaster'. Kumpara sa Ferris Wheel, hamak ang ginanda noon. Boring kasi ang ferris wheel samantalang walang tigil akong naghihiyaw sa Roller Coaster. Kasi naman! Tumatalon-talon ang pwet ko sa upuan at piling ko humihiwalay sa akin ang tiyan ko. Grabe, ang bilis kasi magpatakbo at pataas pa. Ibang klase! Nag-enjoy ako pero pagkababa namin ay nagsuka si Nathan. Ang sabi ko nga umuwi na lang kami pero ang sabi niya magccr lang daw siya ay okay na.
Pagkatapos naman noon ay Scrable ang sunod naming sinakyan. Para sa akin ay kamukha lang siya ng Roller Coaster dahil pareho lang nilang inilalayo ang tiyan ko sa akin. Ang pinagkaiba lang nila ay malaoctupos at paikot ang andar ng scrmble samantalang parang tren naman ang roller coaster.
After that, sa kagustuhan ni Nathan ay sumakay kami sa flying fiesta. Paikot siya na pataas ang andar. Sumunod ay ang cable car na para sa akin ay boring dahil nakaupo ka lang habang umaandar ito. Matatanaw mo ang mga nasa ibaba pero dahil wala namang magandang view ay hindi ako nag-enjoy.
Sabi pa niya ay sumakay daw kami sa carousel dahilan para ayawan ko. Baliw ba siya? Kahit first time ko dito ay halata namang pang bata lang iyon. Namilit pa siya pero sa huli ay ako ang nanalo na maupo na lang kami dito sa bench.
"Hey. You're spacing out."
"Aww." Napahawak ako sa noo ko dahil sa pamimitik niya. Papaluin ko na sana syia nang mapaling ang atensyon ko sa mukha niya.
Agad napalitan ng pag-aalala ang ekspresyon ng mukha ko.
Hinawakan ko ang noo niya sumunod ay ang pisngi niya.
"Okay ka lang ba talaga?" Nag-aalalang tanong ko. Kasabay ng pagngiti niya sa akin ay nakarinig ako ng malalakas na hiyawan at napapikit na lang ako dahil sa sunod sunod na flash ng camera.
"Kyaaaah. Ang sweet nila!"
"Look oh. Nakahawak si Shanaia sa pisngi ni Nathan."
"Oh my gosh! I'm gonna die!"
"That killer smile of Nathan. Kyaaaah!"
Inilibot ko ang paningin ko at dun naalalang napakarami nga palang taong nanunuod sa amin. Actually, kanina pa nila kami sinusundan. Sa tuwing sasakay kami sa isang ride ay sasakay din sila at mag-uunahan pa sa pagsakay sa likod namin. Mabuti na nga lang talaga at sanay na ako sa flash ng camera dahil sa tingin ko ay libo libo na ang litrato namin sa camera nila.
BINABASA MO ANG
Love You Mr. Manhid (ON GOING)
Roman d'amourSalawikain: Aanhin pa si kupido kung patay na patay na rin ako sayo. Sad Version: Aanhin pa si kupido kung ubos narin ang pana nya sa kamanhiran mo!