Manhid 16: After 6 Years

457 55 6
                                    

Manhid 16: After 6 Years

Kaye Ann's POV

"Just stay here, okay?" Tinanguan ko na lang naman si Mark Allen.

Goshness! Pang sampung ulit niya ng sinasabi 'yan e!

"Promise? 'Wag kang a--" Pinutol ko na lang naman ang sasabihin niya.

"Oo nga. Hindi ako aalis! Gosh! For the nth time! Kanina mo pa 'yan sinasabi e!" Naiiritang sabi ko.

Nandito kami ngayon sa P.R. nila. I mean 'Practice Room'. Dito silang magbabarkada nagprapraktis kapag may concert sila. At ito ako, magdamag na namamg tatanga kasama ng mga 'fans' nila.

"Galit ka na naman. Sorry na po." Pasweet pa na sabi niya. Napairap nalang naman ako.

Ganito naman araw araw e. Naging routine ko na 'to. Na kapag tapos na ang klase, hihintayin kong matapos ang practice nila. Swerte ko na lang kung wala silang concert, o kaya naman ay may gagawin pa akong school works. Kapag ganon, hindi ko na siya kailangang hintayin.

Malay ko ba sa lalaking 'to, gusto palagi kaming sabay umuwi.

"Don't worry, bibilisan lang namin." At dahil sa sinabi niya, mas sumama pa ang timpla ko. Tarages! E 'yan naman ang palagi nyang sinasabi, but in the end, madilim parin kami nakakauwi.

"E kung umaalis ka na at nagsisimula na kayo?" Paasik na sabi ko dahilan para sumimangot siya. Nagpaalam na siya 'ulit' at hinalikan ako sa noo bago umalis.

Napabuntong hininga na lang ako.

Kasi naman, badtrip talaga ako ngayong araw! Una, dahil kay Sherwin, simula first year collage ay routine na namin ang tumambay dito at hintaying matapos ang barakada nila Mark Allen sa practice nila. Pero ayun, wala siya.

May biglaang event kasi na sa kanya ipinaubaya ang pag-aayos sa mga mukha ng mga hipon na kasali sa event. Nagtake siya ng nursing pero sa pagme- make up at pag-aayos ng mukha siya magaling. Malay ko kung bat nursing ang kinuha nyang course ngayong college. Minsan, kinukuha din siya ng mga director. Gaganap as gay sa isang palabas.

Si Akira naman, kasama rin namin siya-- I mean, dapat lang na kasama siya sa paghihintay sa barkada nila Mark Allen pero ayun, wala rin siya ngayon. May taping kasi sila ngayon ng 'My twin sister's boyfriend' na binibidahan niya. HRM ang kinuha nyang course ngayong college. Ang alam ko, gustong gusto niya talagang matutong magluto kaya siguro iyon ang kinuha niya.

At dahil nga wala silang dalawa, ito ako ngayon, nganga. Naiwang mag-isa. Kung bakit ba naman kasi T,Th,S ang sched ko sa pagmomodel. At stuck ang acting skills ko ngayon. Kakatapos lang kasi ng palabas na 'Lie to Me' na binidahan ko. Ayoko namang humanap ng ibang mapagkaka abalahan ko. Ayoko ngang maging busy.

"Kyaaaaah!"

"Ang galing mo talaga Elmo!"

"Waaah! You're the best Keith!"

"No! Dont listen to them! Mas magaling ka Fafa Kurk!"

"Waaah! Crayon, you're so galing!"

"Mark Allen, please be mine!"

"Go H.M!"

Napairap na lang ako sa iba't ibang sinisigaw ng mga nandito sa loob.

Kung bakit ba naman kasi yung practice room nila ay akala mo araneta na sa laki kaya ayan, napakaraming tao rito.

Mabuti na nga lang at hindi ko kailangang makipagsiksikan dahil may V.I.P treatment kami nila Sherwin dito.

Love You Mr. Manhid (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon