Manhid 8: Elmo's Birthday (Part 2)

468 60 6
                                    

Manhid 8: Elmo's Birthday (Part 2)

Ivy's Pov  

"Are you sure Ivy? Ayaw mo pang umuwi?" Nginitian ko nalang si Kaye Ann sa pangsampung tanong niya sa akin.

 "Good evening everyone." Napalingon kaming lahat kay Akira na ngayon ay nakatayo sa stage at nagsasalita.

"Shall we play a ten seconds game? Can I ask all of you to stand up?" Katulad ng sinabi ni Akira ay nagsitayuan silang lahat.

"Ano na naman kaya 'tong kinakana ni Akira?" Kagagaling lang namin ni Kaye Ann sa banyo at ito, nananatili parin kaming nakatayo.

"It's called kiss in the darkness."  Tss. Pangalan pa lang 'di na magandang pakinggan.

"Bakit ba siya ang nagbibigay ng laro? Mukhang bang kaibigan 'yan ni Elmo?" Tanong ko.

"Si Kurk dapat 'yan. Kaso ayaw ata ni Kurk kaya siya nalang ang kapalit." Sagot ni Kaye Ann.

"Wag kang lalayo sakin, Ivy a?" Dagdag niya pa. Takot kasi sa dilim ang bruha.

"Simply kiss the person of your dreams in the dark. Lets begin." Agad kumapit sa braso ko si Kaye Ann nang mamatay ang ilaw.

1.

"Aww. What was that?"

2.

"Hey, who pushed me?"

"Turn on the lights!"

3.

"Where's Kurk?"

4.

"Wait, Keith! Si Keith! Andito lang siya kanina e!"

"Where the hell is Crayon?"

5.

"What's going on?"

6.

"Turn on the lights!"

"Mark Allen! Where are you?"

7.

Sari-saring salita ang naririnig ko pero wala akong nakikita.

Wala na sana akong balak umalis sa kinatatayuan ko nang..

8.

*Booogsh*

9.

"Ivy? Ivy! Where are you? Ivy!"

Kasabay ng huling segundo ay ang paglapat ng labi ko sa hindi ko malamang kung sino.

Keith's POV 

"It's called kiss in the darkness." Pangalan pa lang hindi ko na gusto.

Nasaan na ba si Ivy? Mamaya kung ano pang mangyari sa kanya!

"Simply kiss the person of your dreams in the dark. Lets begin." Agad namatay ang ilaw kaya nataranta na ako. Nangangapa-ngapa akong naglakad. 

"Ivy?" Tawag ko pero hindi ko naman siya maramdaman. Ang ingay pa dito. Badtrip!

"Wait, Keith! Si Keith! Nandito lang siya kanina e!"

"Nasan si Keith? Keith!"

*Booogsh*

Shit. May tumulak pa sakin.

"Turn on the lights!" Sigaw ko pero wala rin namang nangyari. Aalis na sana ako nang may tumulak ulit sa akin at..

*Booogsh*

"Ivy? Ivy! Where are you? Ivy!"

Third Person's POV 

Napatigil ang lahat nang bumukas ang ilaw.

"Kyaaaaaah!" Tilian ng ilan sa mga babaeng may nahalikang inakala ay isa sa grupo nila Kurk.

"Badtrip! Hindi ko nakita si Kurk!"

"Hindi ko nakita si Crayon."

"Shet naman si Mark Allen e. Saan 'yun nagpunta?"

"Yung kiss ko sana kay Elmo, naging bato pa."

"Umalis si Keith sa pwesto niya!"  Ilan lamang iyon sa mga reklamo ng ilan sa kababaihang naroon.

"Dude, nakita mo ba si Ivy? Sayang!" Sinamaan naman ng tingin ni Crayon ang lalaking pumantasya sa pinsan niya.

"MARK ALLEN?!" Takang tanong ni Kaye Ann sa ngayon ay kahawak niya ng kamay. Agad niya itong binitawan at hinanap si Ivy.

"Akala ko ikaw si Ivy. Nasan si Iv-- AHHHHH!" Hindi napigilang tumili ni Kaye Ann nang makita ang kaibigan na nakahiga sa sahig at pinapatungan ni..

"Oh My Gosh!" Sunurang tilian ng iba pang kababaihan nang makita rin ang nakita ni Kaye Ann.

Ivy's POV

Dahan dahan kong idinilat ang mata ko at how I wish na hindi ko na lang sana pala ito idinilat.

Agad niyang inilayo ang mukha niya sa mukha ko.

Or should I say--

ang labi niya sa labi ko

Oh My Gosh!

Nahalikan ko si Keith!

Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhh! 

Tumayo siya at alanganin akong tinulungang tumayo.

"I dont know who pushed me. I'm sorry." Iniwas ko lang ang tingin ko dahil sa sinabi niya.

"Ivy!" Napatingin ako kay Kaye Ann.

"Y- You and Keith ki--"

"Shut up!" Sabi ko at nagsimulang tumakbo paalis.

Waaaaaah! Nakakahiya.

Sobrang nakakahiya!

Love You Mr. Manhid (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon