Manhid 33:

155 25 3
                                    

Manhid 33:

Kaye Ann's POV

"Hindi pa rin talaga ako makapaniwala. Paano nagawa ni Keith sa'yo iyon?" Hindi makapaniwalang tanong ni Akira.

"Tanga ka ba? Nakadrugs nga daw diba?" Iritang sabi naman ni Sherwin.

Nandito kami ngayon sa school. Kakatapos lang ni Ivy at ni Kurk magrecording at humabol lang so Ivy sa klase.

"Kung makapagsalita ka naman Sherwin! Anong akala mo kay Keith? Sumisinghot ng droga? Aksidente lang naman na may nainom siyang alak na may kasamang drugs." Sabi ko naman.

Oo, hanoon nga ang nangyari. Ang sabi ng doctor, maari raw nakainom si Keith ng alak na may kasamang drugs. Hindi naman siya yung drugs talaga. 'Yun yung drogang nakapagpapalabas ng init ng katawan ng isang tao.

Viagra.

'Yun ang sinabing pangalan nung Doctor nila Ivy. 'Yun daw yung ginagamit kapag may gusto kang gahasaing babae. Lagay mo 'yun sa inumin niya, then BWALA! Magiging wild na yung babae.

"I wonder, saan niya naman nakuha ang alak na may kasamang ganung drugs?" Nagtatakang tanong pa ni Akira.

"Guys, hindi naman sa nagbibintang ako a? Pero ang sabi ni Keith, kasama niya daw si Thea sa bar diba?" Nangunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Sherwin.

"Ano naman ngayon?" Taas kilay na tanong ni Akira.

"Hindi naman kaya si Thea ang naglagay noon?" Agad kaming nagkatinginan ni Akira at maya maya pa ay sabay na tumawa.

"HAHAHAHAHA. Baliw ka ba?" Di makapaniwalang sabi ni Akira samantalang napairap nalang naman si Sherwin.

"Bakit naman gagawin 'yun ni Thea? Sa tingin mo balak niyang gahasain si Keith?" Natatawang sabi ko kaya naman natawa nalang ulit si Akira.

"Look. Hindi naman basta iinom ng alak si Keith mula sa baso ng ibang tao. Hindi siya yung tipong dadampot nalang ng baso ng kung kani-kanino. At magkasama sila ni Thea. Paanong may ibang taong makakapaglagay ng pills sa mismong iniinuman ni Keith?" Natahimik kami ni Akira dahil sa sinabi ni Sherwin.

He has a point.

"H-Hindi naman ga- ganoon ang pagkakakilala ko kay Thea." Nagaalinlangang sabi ni Akira.

"What do you think, Ivy?" Sabay sabay kaming lumingon kay Ivy na ngayon ay tulala pa rin.

Napabuntong hininga na lang ako.

Hindi ko nga alam kung paano o nagawa ba nila ng maayos ang pagrerecording dahil tulala na siya simula pa nang magising siya kagabi sa hospital.

Hindi pa sana namin siya ididischarge ngunit si Keith na nasa mismong hospital rin na kinaroroonan ni Ivy ay pilit na gustong makausap si Ivy.

Napatitig nalang ako kay Ivy na ngayon ay tila may nakikita na hindi namin nakikita. Nakatingin siya sa librong nasa harapan niya ngunit ang isipan niya ay nasa kawalan.

Hindi ka niya mapapansin unless, kausapin mo siya. Minsan nga kahit kausapin mo siya, hindi ka pa rin niya napapansin.

Kahapon, pagpasok ko sa recording studio nakita ko nalang siya na buhat buhat na ni Kurk. At si Keith naman ay bugbog sarado sa isang tabi.

Pareho namin silang dinala sa iisang hospital pero magkahiwalay ng kwarto.

Naunang nagising si Ivy at ayun, hindi na makausap ng matino.

At bago pa man magising si Keith, ipinaliwanag na samin ng doctor ang nangyari. Pero kahit ganoon, may sama ng loob pa rin ako kay Keith. Kahit na sabihing nakasinghot pa siya ng droga, hindi niya dapat iyon ginawa.

Love You Mr. Manhid (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon