Manhid 42: The Reality
Ivy's POV
Nakangiting naghintay ako sa isasagot niya ngunit tila nabuhusan ako nalang ako ng isang baldeng napakalamig na tubig nang naramdaman kong nanigas lang ang katawan niya.
"Lyreen." Tanging ang pangalan ko nalang ang nagawa niyang banggitin dahilan para mabalik ako sa sarili ko.
Napatigil ako.
Nanginig ang buong katawan ko.
Dahan-dahang natanggal ang ngiti sa labi ko ng marealize ang sinabi ko kasabay ng dahan-dahan ring pagbitaw ko sa pagkakayakap sa kanya.
Nagsimulang mablanko ang isipan ko kasabay nang pagtulo ng mga luha ko.
Third Person's POV
Dahan-dahang inangat ng binata ang katawan niya pataas para lamang makita ang babaing kasama.
Napaiwas nalang ito ng tingin nang makitang tulalang tumutulo na ang ilang patak ng luha mula sa mata nito.
Saglit na namuno ang katahimikan. Pati na ang director na dapat ay kanina pa sumigaw ng 'Cut' ay hindi natinag. Si Sherwin naman ay naiwang nakabukas ang cellphone habang nagvi- video sa sobrang pagkabigla. At ang iba pang tao roon ay nakangangang nanonood at naghihintay sa sunod na mangyayari.Dahan-dahang gumalaw paupo si Kurk at inalalayang maupo rin ang nananatiling tulalang si Ivy.
"I'm sorry Lyreen." Tanging nasabi na lamang ng binata at sinubukan pang yakapin ang kasama ngunit umiiling-iling na mas lumakas lang ang pag-iyak nito at pilit kumawala sa yakap niya.
Ginamit nito ang dalawang kamay upang ipangtakip sa mukhang punong-puno na ng luha.
"Oh God." Hindi napigilang sabi ng dalaga sa sarili niya gamit ang mahinang boses na tila hindi makapaniwala sa nabitawang salita kanina.
Maya-maya pa ay hindi na nito kinaya at mabilisang itinulak ang lalaking nasa harap at nagtatakbo pababa ng tree house.
"Lyreen!" Tawag sa kanya ng binata ngunit hindi niya lang ito pinansin at nagpatuloy sa pagtakabo.
Halos magkandadapa-dapa ang dalaga sa hagdan na dinaanan sa sobrang pagmamadali at idagdag mo na rin ang nanlalabong mga mata nito dahil sa luha nitong walang tigil sa pagtulo.
Lalapitan na sana ito ng ilang staff at taong naroon pero umiiling-iling na pinatigil niya lang ang mga ito.
Samantalang sinundan naman siya ng binata at nang maabutan ay hinawakan siya nito sa kaliwang braso. Ngunit masama ang tinging tinignan lang siya ng dalaga.
"Don't you dare touch me!" Pigil ang hininga at halata ang galit sa boses nito kaya't walang nagawa ang binata kundi ang bitawan siya.
Nagpatuloy ito sa pagtakbo at haharangan sana ng kaibigang si Sherwin ngunit luhaang itinaboy lamang siya nito.
"Ivy!" Narinig niya pa ang pagtawag ng kaibigan ngunit hindi na siya nagdalawang isip pa para lamang lumingon.
Ivy's POV
"WAAAAAAAAAAH!" Walang sawang ipinagbabaligbag ko ang mga babasaging gamit na mahakawan ko.
"P*TANG *NA LANG TALAGA! ANG TANGA MO! ANG TANGA TANGA MO!" Malakas na sigaw ko pa.
"BAKIT? BAKIT HA?" Walang nagawang napaupo nalang ako sa sahig habang sinasabunutan ang sarili.
"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!" Sa huli ay napaiyak nalang akong muli at parang batang nagpapadyak.
![](https://img.wattpad.com/cover/14468271-288-k622738.jpg)
BINABASA MO ANG
Love You Mr. Manhid (ON GOING)
RomanceSalawikain: Aanhin pa si kupido kung patay na patay na rin ako sayo. Sad Version: Aanhin pa si kupido kung ubos narin ang pana nya sa kamanhiran mo!