Manhid 4 : Jail Booth

544 65 3
                                    

Manhid 4 : Jail Booth

Ivy's Pov 

"Ivy!" Napalingon ako sa likod ko nang may marinig na tumawag sa akin.

Wala naman a?

Nandito ako ngayon sa hallway, nag iisang naglalakad. Nasa canteen kasi sila Kaye Ann e. Pero sabi naman nila susunod sila sa akin.

Nga pala, second day na ngayon ng foundation day namin. Kahapon? Ayun! Umuwi na lang ako pagkatapos ng nangyari. 

"Ivy!" Lumingon ulit ako at tanging nakita ko lang ay yung classmate kong babae na hindi ko alam ang name.

Siya kaya yung tumawag sakin?

Lumingon lingon pa ako at baka sakaling nasa tabi tabi lang yung tumawag sakin.

"Ivy, eto ako." Naglanding ang tingin ko sa classmate kong babae.

Ah, siya pala yung tumawag sakin.

Teka, bat niya naman kaya ako tinatawag?

"Bakit?" 

"May nagpapabigay sayo." Sabi niya at iniabot ang isang anklet? 

"Kanino galing?"

"'Wag ko daw sabihin sayo eh."

"Ganun? Sige. Salamat na rin." 

Sa dami-rami naman ng pwedeng ibigay, anklet pa. Hindi pa naman ako mahilig sa anklet. Sa totoo lang ayoko talaga nun.

"Sabi nga pala nung nagbigay niyan isuot mo daw 'yan kung hindi, magtatampo daw siya sayo. " 

"Ahh, ahhh.. Lalaki ba siya o babae?"

"Lalaki." Napatango-tango nalang naman ako.

"Pasabi nalang salamat. Anyway, ano nga pala name mo? "

"Marj Casimsim."

"Ahh. Okay. Salamat." Sabi ko at tumalikod na.

Isosoot ko ba 'to?

Haaayst. Sige na nga. Kahit ayaw ko nito natuwa naman ako dahil may nakaalala sa akin.

Sinoot ko na yung anklet at nagsimula ng maglakad ulit. Ang tagal naman nila Kaye Ann. Ang usapan namin dito sila pupunta kapag tapos na silang kumain sa canteen.

Sa huli, napagdesisyonan ko na lang na sila nalang ang puntahan sa canteen.

"Kaye Ann, ang tagal niyo naman. " Sabi ko nang makita sila.

"Pasensya na. Gutom e." Naupo naman na ako sa tabi niya.

"Ivy, san galing 'yan?" Napatingin naman ako kay Sherwin at sa tinuro nya.

"Ah 'yan ba? Ewan. Hindi ko alam. Basta binigay 'yan sakin nung classmate natin na Marj Casimsim ang name at ang sabi may nagpapabigay daw." Mahabang paliwanag ko.

"Bat mo sinoot? Diba ayaw mo niyan?" Dagdag na tanong pa ni Kaye Ann.

"Oo nga. Kaso ang sabi ni Marj ang sabi daw nung nagbigay, isoot ko daw at 'pag hindi ko daw isinoot magtatampo daw yung nagbigay."

"Ay, ang arte a." Irap ang matang sabi naman ni Sherwin.

"Pero inpernes, mukhang mamahali--"

"Class, gusto kong sabihin na mag kaisa kayo upang dalhin sa jail booth.."  Hindi natapos ni Sherwin ang sasabihin pa niya nang may magsalita gamit ang speaker na nakalagay sa bawat itaas ng pader ng mga rooms, comfort rooms, guidance office o kung saan pang gilid ng school.

Love You Mr. Manhid (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon