_______
Palabas na ako ng bahay ng makasalobong ko si manang," oh, ija mag isa kalang ata asan si alex? Hindi mo ata kasama. Tanong niya sa akin ng makita niyang hindi ko kasama si xander.
Naka tulog po kasi manang sa pag hihintay sakin kaya hinayaan ko nalang, mahimbing po kasi ang tulog kaya hindi ko nalang ginising. " sagot ko naman sa kanya, tumango tango naman siya. Ganon ba! Saan ka naman pupunta? Tanong naman niya sa akin. Diyan lang po mag libot-libot lang. Sagot ko naman sa kanya.
Ganon ba, sige mag ingat ka ija wag ka masyadong lalayo, dito at baka may mangyari sayo wag kading lalayo masyado kong papasok ka sa gubat baka mawala ka. Paalala niya sa akin," ahh, sige po manang maraming salamat po sa paalala. Ngiteng sabi ko naman sa kanya, " ohh, sige maiwan na kita mag ingat ko?
Opo manang, " sabi ko sa kanya at nag lakad na papumtang baybay dagat, nilibot ko ang paningin ko, napa ka ganda dito napapalibutan ang lugar ng matatayog na mga puno, maputi din ang buhangin at kulay blue ang dagat napaka tahimik dito at malakas din ang hanging humahampas sa aking balat.
Nakatitig lang ako sa napaka lawak na karagatan tanging alon lang ng dagat ang maririnig mo dito, nanatili lang akong naka tanaw sa malawak na dagat. At ninamnam ang katahimikan dahil pag balik namin sa manila gugulo na ang buhay namin. Sisimulan ko narin ang plano ko sa taong sumira ng buhay ko. Alam kong hinahanap pa niya ako hanggang ngayon, kong hindi niya ako makita ako mismo ang mag papakita sa kanya. May plano narin ako napa ngise nalang ako sa aking sarili, kailangan ko lang mapapayag si xander.
Napasinghap ako ng bigla nalang may yumakap sa akin galing sa likod, " bakit hindi mo ako ginising? Tanong agad niya sa akin habang nakapatong sa balikat ko ang mukha niya," hmmm, mahimbing kasi ang tulog mo kaya hindi nalang kita ginising. Sabi ko naman sa kanya hindi naman siya sumagot kaya hinayaan ko nalang siya.
Hmmm, mukhang ang lalim ng iniisip mo kanina may problema ka ba? Tanong niya sa akin.
Wala naman, bakit mo naman natanong? Sabi ko sa kanya habang naka tingin lang sa karagatan. Hmm, nothing. Maikling sagot niya sa akin.
Nanatili lang kaming naka tanaw sa malawak na karagatan habang maka yakap siya sa akin, ilang sandali bumitaw siya sa pagkayakap sa akin napatingin naman ako sa kanya. Maaliwalas ang mukha niya ngayon hindi katulad noong nasa manila kami.Halika may ipapakita ako sayo, " nakangiteng sani niya sa akin.
At hinigit ako patakbo papasok sa loob ng kakahoyan nag taka naman pero hindi nalang ako nag tanong pa.______
Comment and vote guys...