Author pov:
++++++++++
Tumahimik bigla ang mga taong nasa loob ng isang silid at napatingin ang lahat ng bigla nalang itong bumokas ng malakas at pumasok ang babaeng mahaba ang buhok na may pagkakulot. Seryoso ito at walang kahit na anong reaction sa mukha.
Nakasunod naman dito ang babaeng may kaliitan ang buhok seryoso din ito habang nakasunod lang sa babaeng mahaba ang buhok.
Lahat naman ng tao sa loob ng silid ay gulat na gulat maliban lang sa isa na mukhang galak na galak na makita ito, walang nag salita sa mga ito.
Good morning everyone, " malamig na boses ng babae ang bumasag sa katahimikan ng lahat.
S-ame with you miss S-antiago, utal na sabi ng lahat na mukhang nagulat sa lamig ng boses nito at lalo na ang isa na gulat parin hindi sa lamig kong hindi sa pag babalik nito, Hindi nito akalain na mag babalik ito ngayon kong saan nasa plano na niya ang lahat at ang pag upo nalang ang kailangan nito. Nang gagalaite na ito ngayon sa galit dahil kong saan abot kamay na niya doon pa ito dumating pero pinilit parin nitong ngumite kahit sa loob nito ay gusto na nitong patayin ang babaeng nasa harapan ngayon.
Hellisha ija welcome back... nakangite nitong sabi na hindi mo mahahalatang peke ang pinapakitang kagalakan.
Napatingin naman si hellisha sa kanya ang seryosong mukha nito kanina ay may nag lalaro ngite na ngayon.
Mr. Roger I'm glad to see you. Sabi ni hellisha na may mapag larong ngite.
Ngumite naman ang matanda dito," me to hellisha I'm glad na nakatakas ka sa mga taong pumatay ng iyong mga magulang, and for your parents hellisha nalongkot ako noong nabalitaan ko ang nangyari sa kanila. Malungkot nitong sabi na nag pawala ng mapag larong ngite nito.
Past is past Mr. Roger pero kahit lumipas ang panahon hindi parin natin iyon nakakalimotan dahil naka tatakna iyon sa isip at puso natin but it's okay Mr. Roger nangyari na ang nangyari. Malamig na sagot naman ni hellisha na naka tingin sa mata ng matanda na siyang hindi matagalan nito.
Ladies and gentlemen can I talk Mr. Roger privately, and this meeting will be continue next time . I'm very sorry everyone and I hope you understand. Pag uumanhin ni hellisha sa lahat nag taka naman ang iba pero sinunod nalang din nila ito bago sila lumabas binati mo na nila ito bago lumabas.
Ng sila nalang ang natira at ang babaeng kasama ni hellisha. Kinakabahan naman ang matanda sa hindi nito alam na dahilan.
So Mr. Roger kumosta naman kayo at ang companya nabalitaan ko kayo ang namahala nito. Pambasag katahimikan naman ni hellisha.
O-kay naman ang companya ija wala kang dapat ipag alala, napapatakbo ko naman ito ng maayos kahit wala ka. Sagot naman ng matanda dito. Tango lang ang sinagot ni hellisha.
Hmm, Mr. Roger ilang taon kana nag sisilbi sa pamilya ko? Kinabahan naman ang matanda sa tanong ng babae.
19 years ija, bakit? Tanong nito na nag tataka.
Nothing naisip ko lang itanong, by the way Mr. Roger I have to go may importante pa akong gagawin hindi mo na ako makakabalik sa company kaya ikaw mo na ang mag hahandel nito. Na kina ngise naman ng matanda sa kanyang sarili dahil magagawa pa nito ang kanyang plano. Pero ang hindi nito alam may mas matinding pinaplano pala si hellisha.
Got to go Mr. Roger be careful baka matuklaw ka ng inaahas mo.... makahulogang sabi ni hellisha sa matanda na kinagulat naman nito. Hindi nakagalaw ang matanda at napahawak ito sa kanyang dibdib na parang hirap huminga hanggang sa dahan dahan ito natumba at ang pag bokas naman ng pinto.