Sinimulan ko ang pagsusulat ng nobelang ito noong kalagitnaan ng Oktubre 2013. Una ko 'tong pinamagatan noon bilang "Monumento: Ang Mga Piping Saksi". Ito ay inspirado ng mga awitin ng batikang rapper na si Aristotle Pollisco na mas kilala bilang Gloc9, at ng isang myusikal na pagtatanghal na napanood ko noong ako'y nasa unang taon ng aking kolehiyo. Nang una ko itong ilabas sa Wattpad noon gamit ang orihinal nitong pamagat ay hindi ito natapos at umabot lamang ng sampung kabanata. Kinailangan kong repasuhin ang ilang mga bahagi nito upang mas mapaganda at maisaayos ang mga typographical errors. Natapos ko ito noong Pebrero 2015, kung saan ang huling dalawang kabanata nito ay tinapos ko habang isang linggo akong nanatili at nanahan sa museo na aking pinagtatrabahuhan. Doon ay binago ko ang pamagat nito at ginawang "Bayani sa Mundo ng mga Piping Saksi".
Gaya ng pangarap ng maraming manunulat ay hinangad ko rin itong mailathala bilang isang libro at makita sa mga istante ng mga sikat na Bookstore. Kaya naman nang magkaroon ng pagkakataon ay hindi ko ito pinalagpas. Subalit tila hindi pa yata panahon ng nobela na ito at hindi ko pa rin panahon. Ganoon pa man ay mas matindi ang pagnanais ko na ipabasa ito sa ating mga kababayan sapagkat sinikap kong gawin itong isang bintana sa kasalukuyang kalagayan ng ating bansa.
Nang una ko itong isapubliko noon sa Wattpad ay umani ito ng magagandang komento na nagpataba sa aking puso. Sa ikalawang pagkakataon, ngayong kumpleto at buo na ito, sana ay paglaanan ng ating mga kabataan na ito ay basahin. Wala akong ibang pinangarap kundi ang ipaabot sa lahat ang mensahe at aral ng nobelang ito na buong puso kong pinag-alayan ng aking damdamin para sa bayan.
Maraming salamat.
Jan Ariel Ungab
BINABASA MO ANG
Bayani sa Mundo ng mga Piping Saksi (Self-Published)
Ficción históricaNatatala sa kasaysayan ng Pilipinas ang madilim nitong kabanata na sa mahabang panahon ay tinakpan ng mapanlinlang na kabayanihan. Ang yugto kung saan ang rebolusyon laban sa kolonyalismo ay pinilay ng mismong mga kakampi na dapat sana'y kasamang l...