Kabanata XVI : Viajes Astrales

47 5 0
                                    

NANG MAGKAMALAY SI Gretchen ay puting kisame ang una niyang nasilayan. Sa gawing kanan niya ay may nakasabit pa na suwero kaya bigla itong napabangon. Naalimpungatan naman ang kaibigan niyang si Aiza na nakasubsob sa kama niya at natutulog nang mga oras na iyon. Si Aiza ang nagbantay sa kaniya ng buong magdamag sa ospital.

“Oh?  Girl?!  Mabuti naman nagkamalay ka na!” gulat na tanong ni Aiza sa kaibigan. “Teka, tatawag ako ng nurse,” patuloy pa nito nang mapansing tulala at tila wala pa sa ulirat si Gretchen.

Tumakbo palabas ng kuwarto si Aiza at tumawag ng nurse. Pagbalik naman nito ay kasama niya na ang chief nurse at kinamusta ang kalagayan ni Gretchen.

“Oh, kumusta na ang pakiramdam mo Ma’am?” tanong ng nurse. “Parating na mayamaya si doc. Noong dinala kayo rito ay wala kayong malay, dala ng stress at pagod na nasabayan pa ng labis na takot at pagkakasikmura sa inyo,” paliwanag ng nurse.

“Oo nga, girl!  Ano ba talagang nangyari sa ‘yo? Nagulat na lang ako sa text nina Tita, na-rape ka ba?” tanong ni Aiza.

“Gaga, mukha ba ‘kong na-rape?  Ang huli kong naaalala, nasa jeep ako,” sagot naman ni Gretchen.

“Ayon sa lalaking nagdala sa’yo rito kagabi, may tatlong lalaki raw na inabutan niyang nangha-harass sa ‘yo sa isang madilim na kalye. Bago ka pa man daw tuluyang mabitbit ay napigilan niya ang mga ito,” paliwanag ng nurse.

“Ano?! Sinong lalaki ‘yon?!” naguguluhang tanong ni Gretchen.

“Hala, girl! Mukhang na-rape ka nga! Iba ‘yong kuwento mo sa kuwento no’ng lalaking naghatid sa ‘yo rito! Baka siya ‘yong rapist mo! Wala ka bang napi-feel sa anes mo?” wika ni Aiza.

“Loka-loka ka talaga Aiza, tumigil ka nga!” sagot dito ni Gretchen. “Nurse, hindi po ba nag-iwan ng pangalan o contact number ‘yong lalaki?” tanong ni Gretchen sa nurse.

“Ay, nag-iwan siya ng calling card.  Babalikan ka raw niya ngayong tanghali para kumustahin. Ito ‘yong calling card niya,” sabay abot ng card kay Gretchen.

Bonifacio Espiritu III
Newspaper Journalist/Columnist
#09469072657
email address:
bonifacioIII@gmail.com

“Bilin ni doc, pagdating niya susuriin niya raw muna kayo. Mga bandang hapon tingin ko makakalabas na kayo rito sa ospital,” paliwanag ng nurse kay Gretchen na tila natulala sa pangalang nabasa sa calling card. Nantala naman si Gretchen at napatuon ang pansin sa nurse.

“Ah, sige po. Salamat dito ha,”  wika ni Gretchen.

“You’re always welcome, Ma’am. Pa’no? Bababa muna ‘ko, ha? Maiwan ko muna kayo rito,” pasintabi ng nurse at saka ito umalis at lumabas ng silid.

“Girl, ayos ka lang? Bakit parang natulala ka r’yan sa hawak mong card?” tanong ni Aiza kay Gretchen.

‘Aiza, naniniwala ka ba sa astral travel o ‘yong Out-of-body experience?” tanong naman ni Gretchen.

Habang si Aiza ay napakunot na lamang ang noo dahil sa tanong ng kaibigan.

“A-astral travel?  Teka, ano ba ‘yon?” tanong ni Aiza.

“Astral travel, ito ‘yong karanasan kung saan ang espiritwal mong katawan ay humihiwalay sa iyong pisikal na katawan para maglakbay sa astral world. Marami kang puwedeng puntahan, puwedeng sa malalayong lugar, puwedeng sa nakaraan, puwede rin sa hinaharap, at puwede kang makakilala o makasalamuha ng iba pang espiritu. Hindi ito kamatayan o panaginip, ito ay isang out of the body experience na hindi lahat ay nakararanas,” paliwanag ni Gretchen.
Pansamantalang natahimik sa silid matapos matulala ni Aiza sa mga narinig niya.

Bayani sa Mundo ng mga Piping Saksi (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon