HVW ONE

5.3K 145 11
                                    


Nicholle Angela's POV . . . .

Nandito kami ni Lexie ngayon sa Triple F. We're having our lunch.

This is our first lunch together as wives.

Kinasal kahapon si Lexie at Enzo at syempre best man si Austin at maid of honor ako. Last week, kami ni Austin ang kinasal at yung dalawa yung best man at maid of honor. Gusto naming mag-double wedding kaso masama daw yun sabi ni Manang.

"Best, how's your honeymoon??" tanong ko kay Lexie.

"Hindi pa nga. Kayo ba??" tanong niya.

"Hindi pa din." sagot ko.

"Grabe, best!! Isang linggo na kayong kasal pero wala pa din."

"Nakaka-ilang pa kasi."

"Baliw."

Dumating si Enzo at tumabi kay Lexie.

"Ba't ka andito??" tanong ni Lexie.

"Namimiss na nga kita." sagot ni Enzo.

"Parang kailan lang, Kim Sungit at Airheaded eh." sabi ko dun sa dalawa.

They both laughed.

Nagulat ako kasi may nag-takip sa mga mata ko.

"Guess who i am??"

"Parang di ko naman mahuhulaan kung sino ka."

"Sino nga ko??"

"My stupid and ugly husband."

Inalis niya yung kamay niya at tumabi sa akin.

"Dude, Pangit raw ako pero inlove na inlove naman sa akin." sabi ni Austin kay Enzo na tinutukoy ako.

"Ako?? Inlove na inlove?? Tsss. Asa." sabi ko.

"Pre, Ang hirap pag pogi noh!! Patay na patay sa atin yung mga asawa natin." sabi ni Enzo kay Austin.

"Best, May kilala akong magaling na lawyer sa pagpapa-annul. Gusto mo kontakin na natin??" tanong ni Lexie sa akin.

"Sige, Best. Kahit magkano babayaran natin." sagot ko.

Naging seryoso yung mukha nung dalawa. Kaya hindi namin napigilang tumawa ni Lexie.

"Whahahahaha!!"

"Grabe, Pre. Napag-tripan na naman tayo." sabi ni Enzo kay Austin.

Tumayo kami ni Lexie. "Kahit kailan, Di kayo mananalo sa'men." sabi ni Lexie.

Hinigit ako ni Lexie palabas ng Resto.

"Wait, Where are you going??" narinig kong tanong ni Austin.

"Magbo-Boy hunt lang. Babalik kami, Promise!!" sagot ni Lexie.

Tanga-tanga nito. Nagbago na raw pero mean pa din naman. Hindi ko na nilingon yung dalawa at ganun din si Lexie. Alam kasi naming magalit yung dalawa. Pumara si Lexie ng taxi at sumakay kami.

"Tanga-tanga nito. First day niyo pa lang mag-asawa ni Enzo nagluluka ka agad." sabi ko sakanya.

"Gaga. Hindi naman tayo magbo-boy hunt. Bibili lang ako ng Charger sa Mall. Nawawala kasi charger ko."

"Paano kung magalit yung dalawa?? Best, Hindi na natin sila Boyfriend. Asawa na natin sila." sabi ko.

"Kaya nga ang sarap galitin nung dalawa eh. Kasi hindi na sila mawawala sa atin."

"Tsss. Mean girl pa nga din talaga."

"Hindi naman, Best. Ang cute kaya pag-nagalit yung mga 'yun." sabi ni Lexie at nag-cellphone.

Husbands VS Wives [BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon