Jon Lorenzo's POV . . . .Tang*na. Sakit ng ulo ko!
Iminalat ko ang mga mata ko. Condo 'to ni Panget ah! Paano ako nakarating dito??
Hayyy!! Nadala na naman ako ng kalasingan ko kagabi.
Pinilit kong umupo. Takte! Ang sakit ng ulo ko!
"Gising ka na pala." sabi ni Kayne.
Napatingin ako sakanya. Nasa kusina siya, May niluluto habang si Gab, Naka-upo at nagkakape.
"Good Morning sa pinakagwapo kong pinsan." bati ni Gab.
Tumayo ako at naglakad papunta sa kanila. Kumuha ako ng yosi na nakalagay sa table at sumindi ako sa yosi ni Gab.
Tangena. Na-miss kong mag-yosi.
"Ano bang problema?? At napadpad ka dito kagabi??" tanong ni Gab. Teka! Tangena. Lalaking lalaki ah!
"Gab? Ansabi?? Nasan na ang iyong girlalou side??" tanong ni Kayne.
"Wala. Nag-away lang kami ni Kim." sagot ko. Kinuha ko yung kape ni Gab at ininom.
"Tangena. Sakit ng ulo ko!" reklamo ko at ininom yung kape.
"Payat, May naalala ka ba kagabi??" tanong ni Kayne.
"Hindi ko nga alam kung paano ako nakarating dito." sagot ko. Totoo naman eh! Ang hirap pala pag lasing. Tiningnan ko yung phone ko. Alam niyo yung inaasahan kong maraming missed call o text niya. Pero kahit isa, Wala.
Nag-puff ako at uminom ng kape.
"Ba't hindi ka pa umuuwi, Payat?? Baka hinahanap ka ng misis mo." sabi ni Kayne habang nilalagay yung almusal sa table.
"Text o tawag nga wala. Hanapin pa kaya ako??" sagot ko at kinuha yung pancake.
"Ay! Bastos!" reklamo ni Kayne.
"Pagbigyan mo na ko! Gutom ako eh!" sabi ko at sinimulang kainin yung pancake. Naubos ko agad yun at nagsindi ng panibagong yosi.
"Ano bang pinag-awayan niyo ng asawa mo??" tanong ni Gab.
"Yung tang*nang kontrata niya." sagot ko at nag-puff.
"Bakit??" sabay na tanong nung dalawa.
"Mahabang kwento eh." sagot ko at nag-puff.
Tumayo ako at "Maliligo lang ako sa bahay. Babalik din ako. Wag kayong aalis ah!" sabi ko sakanila.
"Go lang, Insan!" sabi ni Gab.
"Panget, Peram kotse! Nasa bahay yung kotse ko eh." sabi ko.
Hinagis saken ni Kayne ang susi ng kotse niya.
"Anong kotse mo??" tanong ko.
"BMW white." sagot niya.
"Ayos ah! Yaman na'ten ah!"
"Tanga. Naniwala naman. White Montero sport." sabi ni Kayne.
"Ge. Alis muna ako."
*fast foward..
Nandito ang kotse. Ibig sabihin, Nasa loob siya ng bahay. Pumasok ako at nakita ko siya nakaupo sa couch. Kung nakakapatay lang ang tingin, Malamang patay na ko.
"Saan ka galing??" tanong niya.
"Sa barkada ko." cool na sagot ko at lalakad na sana papasok ng kwarto nang hinawakan niya ko sa braso.
BINABASA MO ANG
Husbands VS Wives [BOOK 2]
RomanceLOVE OR CAREER? Let's witness the another journey of Evo, Enzo as Husbands and Nicholle and Lexie as Wives. Evo and Enzo had successful businesses but a tragic happened that cause them financial problem. So that, Lexie and Nicholle decided to work...