HBW THIRTY SEVEN

1.7K 47 6
                                    


Nicholle Angela's POV . . . .

"Huh? Kakilala mo si Clea? Paano?" tanong ni Patrick kay Austin.

"Hayy naku, Patrick. Parang himala 'ata. Diba close na close kayo ni Clea? Bakit hindi niya man lang pinapakilala sayo ang Boyfriend niya." tanong nung Ninong ni Patrick sakanya.

"Naks! Ayos ah. May asawa na, may girlfriend pa. Husay!" sarkastikong sabi ko kay Austin.

"Ahm, hindi ko po siya girlfriend." sabi ni Austin sa Boss niya.

"Ahm, Ninong. I just want to clear po. Hindi ko po girlfriend si Nicholle. We're just here for a business meeting and gusto ko pong makita yung Kitchen niyo. Pwede niyo po ba kong samahan?" tanong ni Patrick sa Ninong niya.

"Good idea! Tara!" sabi ng Ninong niya sakanya.

Lumabas si Austin ng Resto at sinundan ko. Pumasok siya sa kotse niya at pumasok din ako.

"Ang galing noh! May trabaho ka na pala. Hindi mo man lang ako in-inform. Grabe! Tapos girlfriend mo na pala siya. Ganun na ba talaga ako ka-outdated sayo?" sarkastikong tanong ko.

Nicholle, Inhale Exhale. Buntis ka! Wag kang masyadong ano dyan.

"Kasalanan ko bang masyado kang busy? Kahapon, may dinner date dapat tayo pero hindi natuloy diba? May narinig ka ba sa akin? Diba wala. Kagabi sabi ko susunduin kita pero nagtext ka ba sa akin? Diba hindi. Nung umuwi kana, sasabihin ko na dapat sayo na may bago na kong trabaho, pero anong ginawa mo? tinulugan mo ko. Kasalan ko ba yun lahat? Na wala ka ng time sa akin? Hah? Angela?" tanong niya.

"Wow! Grabe! Ang sama ko palang asawa sayo noh! Ka-guilty naman. Ang tagal ng pahinga ko, Austin at nandyan si Daddy. Kahapon na lang ulit ako nakapag-trabaho, late akong umuwi kasi kailangan kong paghandaan ang presentation ko sa Daddy ni Patrick. Grabe naman! Nakakahiya. Ang sama ko palang asawa." sarkastiko kong sabi sakanya.

"Daddy ni Patrick? Pero anong nangyari? Sinong kasama mo ngayon? Bawal na bang mag-meeting sa office. Eh, ang laki-laki ng office niyo? Kailangan sa labas pa?" tanong ni Austin.

"Nagka-meron ng emergency meeting ang Daddy ni Patrick. And tapos na kaming mag-meeting. Sabi niya, kailangan ko siyang i-treat para mag-Yes siya sa offer ng kompanya." sabi ko sakanya.

"What if he ask one night stand with you? Will you do it just for your fvcking company?" tanong niya.

***slapped.

"Akala ko nagbago ka na. Yun pala, hindi pa. You know what! Mas gusto ko pang lumaki ang anak ko na walang kinikilalang ama kesa lumaki siya na may amang katulad mo."

Kim Alexandria's POV . . . .

Shit! Sakit ng ulo ko.

Sinubukan kong bumangon pero ayaw talaga ng katawan ko.

Huehue. Wrong timing naman 'to oh!

"Yaya!" sigaw ko.

Haysss. Sunday nga pala ngayon. Day-off ni Yaya. Wrong timing talaga, letse!!

Pinilit kong bumangon kahit feeling ko naikot yung kwarto ko habang tumitibok ang ulo ko.

Habang bumaba ako ng hagdan,

"WAAAAAHHHHHHHH"

"Masyado mo na kasing pinapabayaan ang sarili mo. Yan tuloy." sabi niya.

Iminulat ko ang mga mata ko. "Enzo??"

"Hayysss. Kamukha ko ba si Enzo?? Mas gwapo kaya ako dun." Pagmamayabang niya.

Pilit kong ibinangon ang sarili ko. "Oh, Drei. Kailan ka pa dumating?" tanong ko.

Husbands VS Wives [BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon