HBW TWO

3.7K 117 6
                                    


Kim Alexandria's POV . . .

Dahil natalo ako sa Dare namin ni Nicholle. Siya padin ang nagbayad ng pamasahe namin.

Paano??

"Best, 590." sabi ni Nicholle.

Kunwari kong hinanap yung wallet ko sa bag ko.

"Best, Nawawala ang wallet ko." I lied.

"Ano?? Nilagay mo sa bag mo kanina ah!!"

"Oo nga eh, Di kaya nalaglag. Shit. Best, Yung credit card ko nandun."

"Mam, Yung bayad po." sabi ni Kuyang Driver.

"Luh. Best, Yung bayad raw." sabi ni Nicholle.

"Best, Nang-aasar?? Eh nawawala nga yung wallet ko eh. Tss. Namomoblema ako sa Credit Card ko."

"Mam, Yung Bayad po." pangungulit ni Kuyang Driver.

No choice si Nicholle. Kumuha siya ng pera at binayaran yung taxi. Bumaba kami.

"Burara mo kasi." sabi ni Nicholle.

Natawa na lang ako ng palihim. Seryosong seryoso kasi si Nicholle. Pagkarating namin ng Triple F, Nakasalubong namin si Evo.

"Kayong dalawa huh, May kasalanan pa kayo sa akin." sabi ni Nicholle sa aming dalawa ni Evo.

"Evo, May kasalanan daw pero kinilig din naman kanina." pang-aasar ko.

"Kinilig ba?? Hahaha. Kinilig ka pala, Wifey eh!!" Evo said in a sweetest way to Nicholle.

"Heh! Tigilan niyo nga ko." reklamo niya at umalis.

"Saan ka pupunta, Best??" tanong ko.

"Magsi-CR." sabi niya.

"Magtatago ng feelings." sabi ni Evo at tumawa.

Natawa ako. Naalala ko tuloy si Clark.

"Just smile for me and let the day begin." I sang.

Evo laughed.

Wait... Tumingin ako sa relos ko. 9:30 na pala?? Ganun na kami katagal ni Nicholle sa Mall?? Teka, Bakit wala pa si Enzo?? Eh, 8 ang closing ng shop.

Tinext ko si Enzo para sunduin ako.

Jon Lorenzo's POV . . . .

Nag-overtime ako kasi may kailangang akong tapusin.

**bzzttt **bzzzt

Tumigil ako at tiningnan kung sino ang nagtext.

From : Mrs. Fredricko

Babe, Nandito na ko sa Triple F. Late na kaya umuwi na tayo.

**
Okay, Babe.

Pinatay ko yung Laptop at inilagay sa bag ko. Tumayo ako at ni-lock ko yung shop. Sasakay na sana ako ng kotse nang biglang may dumating na taxi.

Nagulat ako nung may bumaba at si Stef yun.

"Lorenz??"

"Stef??"

Husbands VS Wives [BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon