Nicholle Angela's POV . . . .
Inilagay niya ang kahon sa harap ko.
"Sabi ni Evo, nandito ka daw. Anyways, nandito ako para isuli yang sapatos na hiniram ko 2 years ago." malamig na sabi niya.
Kinuha ko yung kahon. "Yun lang ba?" tanong ko.
"Oo. Salamat. Sige, alis na ko." malamig na sabi niya at nagsimula ng maglakad palayo sa akin.
"Bakit mo pa binalik yung sapatos na 'to? Sa totoo lang di ko na kailangan nito eh. Kaya kong bumili kung ilan pa ang gusto ko. Alam mo kung ano ang gusto kong ibalik mo sa akin? Bestfriend ko. Kasi kahit kailan, di mabibili ang bestfriend lalong lalo na yung mga pinagsamahan." sabi ko at pumasok na.
***
"Really? Hindi magagawa ni Lexie yun." sabi ni Austin.
"Tingnan mo? Kaya ayokong mag-kwento sayo e." sabi ko sakanya.
"Seryoso talaga?" di makapaniwalang tanong ni Austin.
"Oo nga. Letse ka. Akala ko nga magkaka-ayos na kami kagabi eh." sabi ko at ininom yung juice ko.
"Akala ko nga din eh. Di mo ba alam na halos mapa-talon ako nung tinanong ka sa akin ni Lexie kung nasaan ka daw." sabi niya.
"Ang bakla mo talaga!" sabi ko sakanya.
"Sa gwapo kong 'to. Tsk. Imposible yan ah!"
"Lahat ng gwapo, gwapo na din ang hanap." sabi ko sa kanya.
"Eh bakit ako? Gwapo ako. Pero ikaw yung hanap hanap ko." sabi niya sabay kindat.
"Ashton, yang mga padali mo. Tigil-tigilan mo nga ko. Nasan nga pala si Enzo ngayon?" tanong ko.
"Nasa puso ko." sagot niya.
"BAKLAA!"
"Hahaha. Joke lang. Nasa condo ni Kayne."
"Sinong Kayne yun aber?" tanong ko.
"Best friend niya pero siguro naka-uwi na yun sa kanila." sabi niya.
"Kilala ba yun ni Lexie?" tanong ko.
"Oo 'ata." sagot niya.
Kinain ko na yung pancake ko. Bakit ko ba tinanong kung kilala yun ni Lexie? Eh pake ko ba kung lokohin siya ni Enzo? Tsk.
Ethan's POV . . . .
Katulad kahapon, tahimik pa din siya. Kinausap siya ni Jelai pero puro tango at iling lang siya.
"Ethan, may problema ba yang si Lexie?" tanong ni Mac.
Napansin din pala ni Mac. "Hindi ko alam eh." sagot ko na lang. Baka kasi pag sinabi ko yung problema, magalit si Lexie.
Okay naman siya tuwing nagsho-shoot kami. Naibibigay niya yung emotion na hinihingi ni Direk. Pero pag off cam, ganyan lang siya. Nasa sulok, naka-earphone, nagce-cellphone tapos tahimik.
"Ethan, tawag ka ni Direk." sabi nung isa sa mga staff.
Tumayo ako at naglakad papunta kay Direk.
"Direk?""Ethan, Okay lang ba si Lexie?" tanong ni Direk.
Bakit sa akin lahat nagtatanong kung okay lang si Lexie? Tss.
"Hindi ko po alam." sagot ko.
"Mamayang 4PM pupunta kaming Sta. Rosa, Laguna. Ang scene na ite-take namin ay kay Ryu at Agnes. Wala kayong scene ni Lexie dun. So, kung ako sayo. Ipasyal mo si Lexie. Mag-relax kayo kasi feeling ko pagod lang yan." sabi ni Direk.
BINABASA MO ANG
Husbands VS Wives [BOOK 2]
RomanceLOVE OR CAREER? Let's witness the another journey of Evo, Enzo as Husbands and Nicholle and Lexie as Wives. Evo and Enzo had successful businesses but a tragic happened that cause them financial problem. So that, Lexie and Nicholle decided to work...