Kim Alexandria's POV . . . .Nung nagbukas ako ng twitter kanina, Nakita ko yung tweet ni Evo. Yay! May inaanak na ko. Eh kami kaya kailan?? Haysss. Wait!! Kung saka-sakali kaya. Pwede kaya yun sa trabaho ko??
Biglang pumasok si Madame A dito sa loob ng Tent.
"Madame A, Buti naman at nakasunod kayo." sabi ni Ethan at nag-beso kay Madame A. Tumayo din ako at nag-beso kay Madame A.
"I-inform ko lang kayo na ang photoshoot niyo bukas ay 5:30 AM gawa ng sunrise sa Tagaytay kayo kukunan. So, Dapat mga 2AM. Aalis na kayo galing Manila." sabi ni Madame A.
"Aray ko! Ang saklaf nemen. Eng sheket se bengs. Kamusta naman ang aking ju-eyebags??" sabi ni Jelai.
"Okay po." sabi ni Ethan.
"Ethan, Scene mo na raw." sabi ni Mac.
"Wait, Bibili lang ako ng ju-water sa labas at ang inets! Di ko feel ang aircon." sabi ni Jelai at lumabas ng Tent.
Yung ibang staff at si Ethan lumabas na din kasi scene na ni Ethan yung i-te-take. Kami na lang ni Madame A yung natira.
"Madame A, May itatanong po ako." sabi ko kay Madame A.
"Ano yun, Lexie??"
"Kung saka-sakali po. Pwede po ba akong mag-buntis??" tanong ko.
"Lexie, Alam mo naman yung situation mo eh. Ang alam ng tao, Di kayo okay ng asawa mo tapos bigla kang mabubuntis. Di lang career mo ang masisira pati kay Ethan kasi loveteam kayo. At expected ng mga tao na may something sa inyo kasi nga loveteam. Kaya as your manager, Ina-advice kong gumamit ka ng pills." sabi ni Madame A.
"Pills?? Seryoso po?? Baka pag-awayan namin ni Enzo yun." sabi ko.
"Wag mo na lang ipakita. Kesa naman masira ang career mo. Lexie, Alam mo namang hindi lang ikaw ang mawawalan ng trabaho. Madami tayo." sabi ni Madame A.
"Okay po." ang tanging nasagot ko na lang.
"Lexie, Ang swerte mo nga eh. Kasi lahat ng loveteams ngayon dito sa Pilipinas, Pinapangarap ang narating niyo ni Ethan kaya kung ako sayo pangalagaan mo kung anong meron ka ngayon kasi lahat nang yan ay magiging pansamantala lang kung hindi mo iingatan." sabi ni Madame A.
I just nodded.
"Sige, Kumain ka na. Tapos mga 5PM umuwi na kayo hah. Para makapagpahinga kayo ng ayos." sabi ni Madame A.
"Opo. Sasabihin ko na lang po sakanila." sagot ko.
Jon Lorenzo's POV . . . .
Habang nanunuod ako ng NBA. Biglang bumukas yung pinto.
"Oh Babe. Ang aga mo 'ata ngayon ah." tumayo ako at hinalikan yung labi niya.
Ba't ang tamlay niya?? "Babe, Okay ka lang ba?? Bakit parang matamlay ka 'ata??" tanong ko.
"Pagod lang siguro ako, Babe." sagot niya at umupo siya sa couch.
"Babe, Nakita mo ba yung tweet ni Evo?? Haha. Babe, Magkaka-junior na ang gago." pagbibiro kong pahayag.
Ngumiti lang siya pero bakas ang katamlayan niya sa mukha niya. "Oo nga eh." tanging nasabi niya.
"Babe, Nakakainggit nga si Evo at Nicholle eh. Tayo kaya. Kailan noh?? Haha. Gusto ko na ding magka-Baby tayo eh. Kailan kaya dadating yung araw na yun??" tanong ko.
Nagulat siya at napatayo.
"Bakit?? May problema ba??" tanong ko.
"Ah eh. Ano. Wala naman. Mauna na ko sa kwarto ah! Maaga pa ko bukas eh." sabi niya at nagsimula ng maglakad papuntang kwarto.
BINABASA MO ANG
Husbands VS Wives [BOOK 2]
RomanceLOVE OR CAREER? Let's witness the another journey of Evo, Enzo as Husbands and Nicholle and Lexie as Wives. Evo and Enzo had successful businesses but a tragic happened that cause them financial problem. So that, Lexie and Nicholle decided to work...