HBW FORTY EIGHT

1.2K 37 0
                                    


Kim Alexandria’s POV . . . .

Hanggang ngayon, hindi pa din ako maka-get over. Bukod sa sinabi ko kay Nicholle na may nafe-feel na kong konti kay Ethan, idinagdag pa niya yung sinabi niya sa interview kahapon. Nainis ako but a little (as in a little) part of me ay na-flattered na ewan.

Pero most of his answers was scripted. Kaya ako nainis kasi una, ayokong maniwala ang mga fans ng mga fallacy lang at pangalawa, pag napanood yun ni Enzo tiyak magkakaroon ng world war III.

Ethan are already apologized for what he did in the interview. Napilitan lang din kasi yung tao, kahit ako napilitan lang din akong um-agree ng um-agree sa kanya kahit hindi naman talaga.

**Flashback

"Maari niyo bang ipaliwanag kung anong meron sa viral photo na yan na in-upload nang isa sa mga fans niyo?" Tito Boy asked.

Our picture in Enchanted Kingdom flashed in the big screen. Buti na lang hindi kasama si Charise dun, kasi ayoko din namang pagkaguluhan siya.
"It was let say uhmmm... A date? A friendly date." sagot ni Ethan.

"Friendly date lang ba talaga?" tanong ni Tito Boy.

Nagsigawan yung mga fans. Friendly date nga po!

"We're not in the level of friendship but not yet in the level of relationship." sabi ni Ethan na ikinagulat ko.

So, ayun pala yung pinag-usapan nila ni Madame A. Kaya pala pinalabas na agad ako kasi hindi ako sasang-ayon sa kanila.

"You mean that parang MU?" tanong ni Tito Boy.

Ethan was just nodded.

*End of Flashback

I don't know kung paano ako na-flattered ng konti. Maybe, because of that fvcking feelings. Nadadala lang siguro ako ng mga lintik na sweet scenes at kissing scene.

I swear, mahirap ang may ka-loveteam. Madadala't madadala ka. Kaya dun sa mga loveteam na sasabihing walang something sa kanila. Wow hah! Salute to you! Gagaling niyo. Gagaling niyo mag-pretend. Char lang.

Nicholle Angela’s POV .  . . .

Pagpasok na pagpasok ko pa lang, pansin na pansin kong busy sila. Hindi naman sila ganito dati eh. Lumapit ako kay Pachy na nakangalung-baba sa harap ng computer.

"What's the problem?" tanong ko.

"Mam, nalito po kasi ako sa paggagawa ng income statement. Lumalabas po kasi na nalugi ang kompanya pero hindi naman po, Mam diba?" tanong niya.

"Sa tingin ko, hindi naman. Teka! Diba anim na buwan ka ng naggagawa ng income statement bakit ngayon ka pa nalito?" tanong ko.

"Mam, tinutulungan po kasi ako ni Sir Samuel eh." sabi niya.

"Akin na yung details at ako na yung gagawa." sabi ko.

Binigay niya sa akin yung folder at naglakad na ko papuntang office.

"Mam, may nagreklamo pong customer sa main branch. At hindi na daw po kinaya ng manager." sabi ni Fiona.

"Sige, pupuntahan natin mamaya." sabi ko.

"Mam, paano po ay may meeting kayo with Mrs. Gutierrez mamaya." sabi ni Fiona.

"Sabihin mo kay Zabiel, siya na muna yung bahala dun." sabi ko.

"Day off po ngayon ni Sir Zabiel. Mam, sabi naman po ni Sir Samuel kung kailangan daw po ng tulong tawagan lang siya. Mam, tawagan ko na po kaya." sabi ni Fiona.

Husbands VS Wives [BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon