HBW FIFTY

1.2K 48 6
                                    


Nicholle Angela’s POV . . . .

Sinamahan ako ni Austin magpa-check up pero hindi niya pa din ako iniimikan. Yung para bang may kasama akong hangin.

"Still mad at me?" tanong ko sa kanya habang nagda-drive siya. Papunta na kasi kami ngayon sa office eh.

Whoah! Ayos ah! Parang kinausap ko lang yung hangin.

"Ouch!" I lied.

Agad naman siyang napahinto at tumingin sa akin.

"Are you okay?" tanong niya.

Mygawd! Hindi pa pala ako invisible.

"Finally, umimik ka na din." sabi ko sakanya.

"Geez! Wag ka ngang magbiro. Paano kung mabangga tayo!" sabi niya at ipinagpatuloy ulit pagda-drive.

"Bakit ba ang sungit mo? Meron ka ba? Imposible namang naglilihi ka pa din!"

"Just shut your mouth, okay?"

"Austin, sorry na kasi kagabi." sabi ko.

Pero hindi ulit ako pinansin.

"Baby, ang sungit ni Daddy oh! Di ako pinapansin." sabi ko habang nakatingin sa tyan ko.

Aba! Hindi man lang sumipa. Pshhh! Magsama kayong dalawa!

"I will start working at Ashton Corp today." sabi niya nang hindi man lang tumitingin sa akin.

"Hubby, kung dahil yan sa sinabi ko kagabi. Sorry na nga! Alam mo naman ako pag-pagod, kung ano-ano ang nasasabi."

"Kung ayaw mong tumigil sa pagtra-trabaho hindi na kita pipilitin kasi sa ating dalawa ikaw naman yung laging nasusunod. But please just let me do my part." sabi niya.

"Sige na. Anong position mo dun?" tanong ko.

"Hindi agad ako CEO katulad mo kasi gusto ko muna mag-start sa pagiging CIO bago ako maging CEO." sabi niya at tinigil niya ang kotse.

Inilahad ko ang kamay ko. "Congrats and goodluck to your first day." sabi ko.

He quickly smiled.

Hindi man lang ako kinamayan. Pshhh. -.-

Bumaba na ko ng kotse at umalis na siya.

I love you too! Psh -,-
Wala man lang I love you. Hayss!

"Nicholle"

"Ay! I love you."

"Huh?"

Holy shoot! Si Luke. Nakakahiya!

"Ah wala! Bakit ka kasi nanggu-gulat?" tanong ko.

Wow! Close na pala ulit kami. Bakit di ako na-inform?

"Hahaha. Na-gulat ba kita? Sorry na." sabi niya.

Shemaayy! Bakit kasi ang ganda ngumiti?

Awww.

Sipain ba naman ako, baby? Sorry na, magtitino na si Mommy promise! Kay Daddy lang si Mommy kaya wag mo na kong sipain, okay?

Bumalik ako sa pagka-seryoso at "Hindi, okay lang. By the way, bakit?" tanong ko.

"Gusto ko lang sabihin na hindi ako makakapasok ngayon kasi may aasikasuhin lang ako sa company." sabi niya.

"Yun lang ba? Sige." sagot ko at nagsimula ng maglakad palayo sakanya.

Hinawakan niya ko sa braso at "Bakit? Meron pa ba? *smiles*" tanong niya.

"Meron pa, Luke."

Husbands VS Wives [BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon