#DiaryNiMrL
EPILOGUE
"Nasaan ka na ba DD?..." natatarantang tanong ni Law sa kanyang sarili habang patingin-tingin at hinahalughog ang paligid ng kanyang kwarto. Hinahanap niya si DD na kanina pa niya hindi mahanap. Hindi kasi niya napansin na nawawala na pala ito at ngayon lang niya nalaman na wala na ito sa loob ng kanyang bag.
Kung saan-saan na niya ito hinanap. Halos mahalughog na nga niya ang buong bahay nila para lang mahanap ito pero wala, hindi niya makita.
Hindi niya maiwasang hindi kabahan. Kabahan na baka kung nasaan na ito, baka mamaya, may nakapulot na nito at nabasa pa. Patay siya kapag nagkataon. Sinulat pa naman niya roon ang lahat ng nangyayari sa araw-araw niya at ang mga kalandian niya sa buhay. Sila nga lang ni DD ang nakakaalam ng mga nilalaman nun tapos baka may makaalam pang iba.
"DD..." halos nawawalan na ng pag-asa na sambit ni Law. Naupo ito sa edge ng kanyang kama at napahilamos ang dalawang palad nito sa mukha. Itinuturing na rin kasi niyang bestfriend si DD na kanyang diary at hindi niya kaya na mawala ito sa kanya. Kumbaga, ito kasi iyong kaisa-isang bagay na pwede niyang paglabasan ng mga saloobin niya na hindi niya masabi-sabi sa ibang tao kahit na sa mga kaibigan niya.
Napabuntong-hininga si Law at biglang inihiga ang katawan sa kanyang kama. Napatitig siya sa kisame.
(((((((((((((((
"Ano ba kasing hinahanap mo huh Law? Kanina ka pa libot ng libot at yuko ng yuko sa ilalim ng mga upuan eh..." pagtatakang tanong ni Dale sa kaibigang si Law. Kasama rin nila si Patrick. Nasa loob sila ngayon ng classroom. Silang tatlo na lamang ngayon ang naroon dahil ang iba nilang classmate ay nasa cafeteria dahil break time na.
Napatigil sa paghahanap at napatingin si Law kay Dale. "Si DD..." sagot ni Law at nagpatuloy sa paghahanap kay DD.
"DD?" pagtatakang tanong naman ni Patrick.
Muling napatigil sa paghahanap si Law at napatingin kay Patrick.
"Si DD... 'Yung Diary ko remember..." sabi ni Law.
"Ah... akala ko naman Law kung ano ang hinahanap mo..." sabi ni Patrick.
"Akala ko nga kayamanan niya ang hinahanap eh..." sabi naman ni Dale.
Napabuntong-hininga na lamang si Law. "Pwede ba... Imbes na puro kayo daldal diyan... Tulungan niyo na lang kaya ako..." may halong inis na sabi ni Law at nagpatuloy sa paghahanap kay DD.
"Ok..." Patrick and Dale said in chorus at tinulungan na nga nila ang kaibigan sa paghahanap kay DD. Hindi na lang pinansin ang kasungitan nito.
)))))))))))))))))
Mag-isang nakarating ngayon si Law sa garden ng school. Hinahanap pa rin niya si DD... Halata sa mukha nito ang pagod sa kanina pang paghahanap. Ang mga kaibigan naman niya ay sa ibang lugar ng school naghanap.
Nagpunta lamang siya rito dahil sa pagbabakasakaling napapadpad rito si DD... Hindi naman siya masyadong nagpupunta sa lugar na ito pero malay lang ba niya na narito nga si DD at hinihintay rin siya.
Payuko-yuko at patingin-tingin sa buong paligid ng garden si Law...
"DD... Where are you na ba..."
"Ito ba ang hinahanap mo?"
Napatigil sa paghahanap si Law ng marinig ang boses ng lalaki na nagsalita. Parang kilala niya ang boses na iyon. Kaagad siyang umayos ng tayo at napatingin sa lalaking nagsalita at halos manlaki ang mga mata niya ng makita kung sino iyon...
Nakita niya si ZEUS... Nakatayo sa bukana ng garden, hawak-hawak sa nakataas nitong kamay si DD...
"Zeus?... B-Bakit?... Ba-ba-bakit nasa iyo 'yan?... Pa-pa-paano mo nakuha 'yan?... Bi-Bi-Binasa mo?" nauutal sa gulat na sunod-sunod na tanong ni Law. Hindi niya inaasahan na kay Zeus lang pala ang Diary niya. Paano rito napunta ang diary niya?
Nakangiti lang si Zeus na nakatingin kay Law. Hindi maintindihan ni Law ang nakikita niya sa mga mata nito. Kumikinang ang mga mata nito at hindi niya maintindihan ang expression na makikita rin doon.
Dahan-dahang naglakad si Zeus palapit kay Law. Hawak pa rin ang diary.
"Zeus... Tinatanong kita..."
Hindi na naituloy pa ni Law ang iba pa niyang sasabihin dahil bigla na lamang siyang nagulat sa ginawa nito pagkalapit sa kanya. Halos manlaki pa nga ang mga mata niya dahil biglang hinawakan ni Zeus ang kanyang ulo at kinabig palapit sa mukha nito at... HINALIKAN SIYA SA KANYANG LABI...
Todo ang panlalaki ng mga mata ni Law habang nakadampi ang labi ni Zeus sa labi niya. Nakapikit naman ang huli. Halos magkadikit na rin ang kanilang mga katawan kaya ramdam na ramdam ng bawat isa ang init na nanggagaling sa mga ito. Pati na rin ang malakas na pagpintig ng kanilang mga puso ay rinig na rinig nila.
Saksi ang mga puno't halaman, ang mga bulaklak, ang palubog na araw at ang mahinang simoy ng hangin.
Pamaya-maya ay humiwalay ang labi ni Zeus sa labi ni Law. Nakatitigan ang dalawa sa mata habang magkaharap at magkadikit pa rin ang kanilang mga katawan.
Nanigas sa kinatatayuan si Law. Gulat na gulat. Kabadong-kabado. Mas lalo pang nanigas ang katawan niya ng maramdaman niyang iniyakap ni Zeus ang magkabilang braso nito sa kanyang baywang.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin kaagad? Bakit hindi mo sinabi kaagad sa akin na mahal mo na pala ako? Kung hindi ko pa nabasa ang diary mo... hindi ko malalaman at patuloy ka pa ring maglilihim... Kung sinabi mo lang kaagad... Eh di sana... Masaya na tayong magkasintahan ngayon... Kung sinabi mo lang kaagad... Sasabihin ko na rin kaagad sayo ang matagal ko ng nararamdaman... Matagal ko nang itinatago sa puso ko... Sana nasabi ko na rin kaagad sayo na... Mahal na rin kita... Ngayon ko lang ito naramdaman... at sayo pa... at hindi ko pagsisihan na sayo ko naramdaman ang pagmamahal na ito..." madamdaming sabi ni Zeus habang nakatitig sa mga mata ng gulat na gulat na si Law. Hindi niya inaasahan na maririnig niya mula sa labi ng taong mahal niya ang mga katagang iyon. "Hay! Bagay na bagay talaga tayong dalawa... Parehong torpe..." natatawang sabi nito.
Tulala pa rin si Law. Hindi makapagsalita. Gulat at hindi makapaniwala sa mga narinig. Napangiti na lang si Zeus sa reaksyon ng UNANG lalaking kanyang minamahal. Ang lalaking hindi na naalis sa isipan niya simula ng una niya itong makita. Ang lalaking hindi niya inaasahang magpapatibok ng puso niya. This is the first time na nainlove siya... at hindi niya inaasahan na sa lalaki pa. Alam naman niya na may kakaiba na sa kanya simula pa lang pero pilit niya lang itong nilalabanan at pinipigilang lumabas at pinipilit pa rin na sinasabi sa sarili na babae ang para sa kanya. Pero nang makita niya si Law. Alam niyang wala na siyang magagawa pa para labanan at mapigilan pa ang sarili.
Hanggang sa halikan muli ni Zeus ang labi ni Law. Halik na puno ng pagmamahal na ginantihan na ngayon ni Law. Lubos ang ligaya na nararamdaman ngayon ng dalawa.
-THE END-
OCTOBER 24, 2015 (SATURDAY)
BINABASA MO ANG
DIARY NI MR. L [BOYXBOY DIARY FORMAT SERIES]
HumorTARA NA'T BASAHIN NATIN ANG NILALAMAN NG DIARY NI MR. L... "DIARY NI MR.L" BOYXBOY DIARY FORMAT SERIES DATE STARTED: SEPTEMBER 26,2015 (SATURDAY) DATE FINISHED: OCTOBER 24,2015 (SATURDAY) A FRANCIS ALFARO'S ORIGINAL SERIES ALL RIGHTS RESERVE, 2015 C...