#9

1.1K 31 0
                                    

#DiaryNiMrL

ENTRY # 9

DD...

Paano nga ba masasabi kung inlove ka na sa isang tao? May mga signs ba DD para malaman mo kung inlove ka na sa isang tao or iba ang nararamdaman mo?

Hay! 'Yan ang mga tanong ko sa sarili ko DD this past few days na hindi ko lubusang masagot sa aking sarili.

Ewan ko ba... Kahit kailan kasi, never sumagi sa isipan ko ang salitang inlove na 'yan dahil hindi ko pa naman 'yan nararamdaman. Pero ngayon, nalilito na ako sa sarili ko sa mga kakaibang nararamdaman ko.

Sa totoo nga lang DD... Naghanap ako ng mga sagot diyan sa mga tanong kong 'yan.

Ayon sa aking pananaliksik... Wow! Ang lalim huh... Anyway highway... 'yun nga, ayon sa aking mga nabasang libro tungkol sa pag-ibig ek ek na 'yan... Malalaman mo raw na inlove ka na sa isang tao kung mararamdaman mo ang mga ito: 1. Bumibilis ang tibok ng puso mo sa tuwing makikita at malapit siya sayo. 2. Hindi siya maalis sa isipan mo at tanging ito lang ang nagiging laman ng isipan at minsan ay mga panaginip mo. Iyong tipong napapaginipan mo siya sa mga sweet na eksena kasama ka. 3. Hindi makukumpleto ang araw mo ng hindi mo siya makikita kahit isang minute lang. 4. Sumasaya ang pakiramdam mo sa tuwing makikita mo siya. 5. Kinikilig at humahanga ka sa simpleng kilos niya. 6. Siya ang pinakamaganda o pinakagwapong tao na nakikita ng mga mata mo. At marami pang iba na hindi ko na babanggitin pa.

May nabasa pa ako na may kinalaman raw ang science para mainlove ang isang tao. Hindi ko na lang 'yun masyadong inintindi pa dahil sa ang lalalim ng terms na nagpapaliwanag sa kinalaman ng science sa love. Nakakadugo ng ilong at nakakadurog ng brain cells. Hindi naman kasi ako ganun katalino noh.

Anyway highway... Sa tingin mo ba DD... I'm inlove na? Kasi sa mga signs na 'yan na nabasa ko, sinabi ko sayo dati na nararamdaman ko lahat 'yan towards kay Red. Sa tingin mo ba talaga DD... Inlove na talaga ako sa kanya?

Pero... Hindi kasi iyon maaari eh... Kasi... First time ko lang ito... At saka... Kasi ang bilis naman. Ibig sabihin, ang bilis ko palang mainlove sa isang tao? Ganun pala ako kabilis ma-fall?

Hindi ko maitatanggi na kahit papaano'y masaya ako na masasabi kong inlove na nga ako kay Red. He's the man of my dreams at gusto kong mahalin rin siya. Pero at the same time, nakakaramdam ako ng takot... Takot na masaktan. Mahilig kasi akong magbasa ng mga love stories at ramdam na ramdam ko ang sakit sa mga nababasa ko kapag 'yung scene eh 'yung tipong heavy na...Makabagbag damdamin... 'Yung may hiwalayang magaganap etc. Ayokong makaramdam ng ganung klase ng pain na kung saan, para raw dinudurog ang puso mo at sinasaksak ng kutsilyo! Wow! Heavy!. Mas nanaisin ko pang madapa at magkasugat at masaktan ng dahil doon kaysa masaktan ng dahil sa pag-ibig.

Kilala mo naman ako di ba DD? Ako iyong tipo ng tao na hindi takot masaktan ng pisikal pero takot masaktan emotionally? Paano kung mahal ko na nga siya pero siya naman itong hindi ako magagawang mahalin pabalik? Eh di nagmukha naman akong tanga roon. Ayokong magmukhang tanga kahit na pansin ko na rin naman nitong mga nakaraang araw na nagiging tanga na nga ako. Ayokong lumubog lalo sa katangahan ko.

Isa pa... Mukha namang wala sa tipo ni Red na maiinlove sa isang tulad ko. So ibig bang sabihin nun, dapat ko ng itigil ang kung ano man itong mga nararamdaman ko para sa kanya? Dapat ko na nga bang kalimutan at mag-focus na lang sa iba para mawala na rin itong nararamdaman ko para sa kanya... Kung pag-ibig nga ba talaga itong nararamdaman ko?

Alam ko naman DD... Mahirap sa mga katulad ko na makahanap ng tinatawag nilang true love. Ang sabi kasi ng iba, ang pagmamahal raw ay para lang sa babae at lalaki. At kapag sa kaparehong kasarian mo raw iyon naramdaman, mahihirapan ka na ipakita o ipagsigawan iyon dahil sa ang pagmamahal na iyon ay itinuturing na isang kasalanan. Kumbaga, ka-level lang ng pagmamahal ng parehong kasarian ang pagmamahal ng isang taong may asawa na. Makalasalan.

Opinyon nila iyon pero para sa akin... Hindi iyon makasalanan dahil ang lahat ng tao rito sa mundo, may karapatan magmahal at mahalin... Magkatulad man ng kasarian o kung ano pa man. At kahit papaano'y naniniwala pa rin naman ako sa same sex relationship pero hindi ito lubusan. Hay Ewan ko ba DD... Sa pagkakaalam ko kasi, ang relasyong gaya ng ganun ay napaka-kumplikado at mahirap. Kung sakali mang magkakaroon ako ng boyfriend, siguradong pareho kaming mahihirapan. Nagmamahalan man kayo pero hindi natin matitiyak kung mapapatibay ba ng pagmamahal na iyon ang loob ninyong dalawa laban sa hamon ng mundo at tadhana. Minsan kasi, may isang patuloy na lumalaban at ang isa nama'y sumusuko na lang.

Wow! Hugot!

Hay DD! Nalilito na talaga ako... Ngayon pa lang, parang ayoko ng mainlove pa... Pero paano kung inlove na nga ako? Anong gagawin ko para mawala ito sa akin?

Hay! Sige na DD... Masyado na akong nagiging seryoso. Itutulog ko muna ito para panandaliang makalimutan ito ng isipan ko.

-Law Adrian Mendoza

PS: Red! Red! Red! Ngayon ko lang ito naramdaman at sayo pa na walang kasiguraduhan... Anong gagawin ko?


DIARY NI MR. L [BOYXBOY DIARY FORMAT SERIES]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon