#4

1.7K 44 1
                                    

#DiaryNiMrL

ENTRY # 4

DD...

Tall, Dark and handsome... Clean cut ang gupit ng buhok na kulay black, Napakaganda ng mga mata niya na may pagkabrown ang kulay at may pagkachinito na natatakpan ng kanyang clear eye glasses na suot. May kahabaan ang pilik-mata at medyo makapal ang magkabilang kilay. Pointed nose na pwede ng gawing padulasan. May kaliitan at natural na mapula na labi na parang kay sarap halikan. Morenong kulay at makinis na balat na talagang bumagay sa kanyang kaanyuan. 'Yung mukha niya, kakikitaan mo ng pagkamaamo na may pagkasuplado. Basta. Matipunong katawan na hubog sa suot nitong polo shirt at black pants. Ang mga biceps nito na napakaganda ng hubog at feeling ko kapag niyakap ako, sigradong safe ako.

Hay DD! 'Yan ang itsura ng lalaking hindi na maalis sa isipan at panaginip ko simula ng mag-umpisa ang klase. Grabe! Napakagwapo niya talaga at hindi siya nakakasawang titigan ng mga mata ko. Maswerte nga ako at katabi ko lamang siya sa kahit saan mang klase. Feeling ko, araw-araw akong good vibes dahil lamang sa pagtitig sa kanya. Siya ang isa pa sa nagiging dahilan para pumasok at mag-aral ako sa school araw-araw. Kumbaga, siya ang araw ko kasi sa tuwing gigising ako, napapangiti niya ako katulad ng sunrise na kapag tiningnan mo kapag gigising ka, napapangiti ka.

Hindi ko nga alam DD kung bakit ganito na lamang lagi ang nararamdaman ko sa tuwing tititigan ko siya. Feeling ko, kumikinang ang mga mata ko kapag nakatitig sa kanya. Kasabay ng pagkinang ng mga mata ko ay ang puso kong mistulang kasali yata sa karera. Ang bilis ng tibok. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong klase ng paghanga sa isang gwapong lalaki. Hindi pa naman kasi ako nagkaka-bf since birth kaya hindi ko rin alam 'yung pakiramdam ng isang pagiging inlove kaya hindi ko rin masasabi ngayon na inlove na ako. Maybe crush ko lamang siya kaya ganito ang nararamdaman ko? Hindi rin eh... Sa kanya kasi, iba. Nagka-crush naman ako sa ibang gwapo pero ni minsan hindi ako nakaramdam ng gaya ng nararamdaman ko sa kanya. Basta, iba siya eh. Feeling ko nga, siya na ang pinakagwapong lalaki na nakita ng mga mata ko sa buong buhay ko.

Grabe, Pilipinong-pilipino naman siya sa itsura pero bakit sobrang gwapo niya? Ibig sabihin, may mga Pilipino pala talagang ubod ng gwapo.

Alam mo DD... Sa ilang araw na pagtitig ko lamang sa kanya, ni minsan hindi man lang siya nagsalita or tumingin sa ibang kaklase namin lalo na sa akin. Hindi ba niya nararamdaman na tinitigan ko siya? Manhid ba siya? Basta ang tahimik niya sobra. Hindi siya nakikipag-usap sa kahit sino at sa buong klase ay nakaupo lamang siya upuan niya. Kapag wala pa ang prof, ang ginagawa lamang niya ay ang makinig ng music mula sa headset na nasa leeg niya o di kaya ay nagbabasa ng libro. Nakita ko nga iyong pabalat ng librong binabasa niya eh. Nakalimutan ko lang iyong title pero sa tingin ko, English novel siya.

Anyway highway, kahit na ganun siya, tahimik at parang walang pakielam sa mundo, I admit na kahit 1 percent yata hindi nabawasan ang kagwapuhan niya para sa akin. Ewan, nababaliw na yata ako.

Pansin na nga rin nila Patrick at Dale ang pagkaattract ko sa kaklase naming iyon eh. Inamin rin nila sa akin na crush din daw nila si gwapo. Nagalit nga ako at sinabi ko na ako lang ang pwedeng magka-crush sa kanya pero alam mo ba ang sinagot nila? Hindi lang kami ang may crush kay gwapo, kundi marami kami, halos daw lahat ng babae at binabae sa classroom at buong campus na rin yata, may crush sa kanya. Lalo tuloy akong nainis.

Pero alam mo DD, may isang tagpo sa pagitan naming dalawa ni gwapo ang hindi ko makalimutan. Iyon ay ang mapansin na niya sa wakas na nakatitig ako sa kanya. Tinanong niya kasi ako ng Why are you staring at me? At anong naisagot ko sa tanong niyang iyon? Wala. Paano ba naman kasi, 'yung tingin niya, nakakalusaw ng dila to the point, hindi ka na makakapagsalita pa. 'Yung tingin niya na parang abot hanggang kaluluwa mo. Isa pa, kahit na may pagkasuplado at masungit ang tono ng pagkakatanong niya, natulala pa rin ako at kinilig na rin, Nabighani kasi ako sa ganda ng boses niya kapag nagsasalita. Husky na bilog ang boses niya. Malamig. Feeling ko tuloy, maganda rin sa pandinig iyong pag-ungol niya kapag nasasarapan noh... Hay!

Ano ka ba naman Law! Pati ba naman 'yun? Naisip mo pa? Well, ganun talaga ang taong may taglay na kalib*gan sa katawan.

Pero atleast di ba DD kahit na may pagkasuplado at masungit ang tono ng pananalita niya... KINAUSAP PA RIN NIYA AKO KAHIT SIX WORDS LANG! ACHIEVE!

At alam mo ba DD, alam ko na ang pangalan ng gwapong lalaking iyon na seatmate ko... Well hindi niya sinabi sa akin ang pangalan niya, tinanong ko lang sa iba pa naming classmate.

At wag ka... pati ang pangalan niya... Kasing hot niya at hindi kasing lamig ng boses niya... Alam mo ba kung anong pangalan niya? It's Red Ranger! Hahahahahahahaha! Joke lang... Red lang. Grabe di ba! At nalaman ko rin na kasing edad ko lamang siya. He's 17 years old pero mukhang hindi dahil siguro sa tangkad na rin niya. Sa tingin ko kasi, nasa 5'9 siya. Mahaba kasi ang mga binti niya. Ganun rin kaya kahaba ang nasa loob ng pants niya? Hahahahahaha! Joke!

Hay! Tama na nga ang kalandian... Oh siya DD, maliligo muna ako at marami pa akong gagawin ok...

-Law Adrian Mendoza

PS: ANG GWAPO TALAGA NI RED!!!!! SIYA NA ANG BAGO KONG ULTIMATE CRUSH (INSERT KILIG HERE)


DIARY NI MR. L [BOYXBOY DIARY FORMAT SERIES]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon