#28

857 25 0
                                    

#DiaryNiMrL

ENTRY # 28

Hay salamat DD at natapos na rin ang dalawang araw na pananatili ng demonyita sa bahay namin!!!

Bwisit talaga ang baklang Dominic na iyon sa buhay ko. Biruin mo, hindi pa rin nagbabago ang talipandas na iyon. Ganun pa rin ang ugali.

Kung makairap sa akin, kulang na lang umikot hanggang likod iyong mga mata niya. At kung makalait sa akin na kesyo pangit pa rin daw ako hanggang ngayon, Edi wow! Siya na! Siya na ang maganda. Gandang-ganda sa sarili. Porket babaeng-babae na siya ngayon. Porket may dede na siya ngayon na kasing laki yata ng mga melon. Porket babaeng-babae na ang hubog ng kanyang mukha at katawan, Porket mestisang hilaw na lumaklak ng isang libong tableta ng glutathione eh akala mo kung sino ng maganda. If I know, babae man siya sa panlabas niyang anyo ngayon, nagtatago pa rin sa pagitan ng mga hita niya ang ahas niya. In short, bakla pa rin siyang may lawit!

Napakaplastik pa! Kapag kaharap at kausap ang mga magulang ko, akala mo kung sinong anghel na sobrang bait. Pangiti-ngiti pang akala mo eh... Hay nakakabwisit talaga ang kaplastikan niya! Kung alam lang nila... Hindi iyon anghel at hindi halo ang nasa tuktok ng ulo nun kundi dalawang sungay ang nasa tuktok nun na ako lang ang nakakakita.

Nakakabwisit talaga ang baklang iyon. Simula pagkabata ay itinuturing ko na siyang tinik sa dibdib ko. Magmula ng ipanganak ako sa mundo hanggang sa ngayon, siya na yata ang dakilang kontrabida na nilikha ng Diyos para masira ang bawat araw ko. Hindi nga alam sa pamilya namin na magkaaway kaming magpinsan at ang alam nila ay magkasundo kami kasi nga, pareho kami ng gender at tanggap nilang lahat iyon. Inaaway lang naman niya kasi ako kapag walang taong nakapaligid sa aming dalawa. In short, inaaway niya ako kapag kaming dalawa lang ang magkasama.

Sa pamilya kasi namin, kaming dalawa lang ang ganito. If you know what I mean. Eh ang gusto niya yata, siya lang ang dapat ganun at wala siya dapat kalaban, Hello! Matagal ko na kayang tanggap na sa buhay natin, laging may karibal sa lahat mang aspeto ng buhay tapos siya, hindi niya matanggap? Edi wow!

Akala ko nga, ngayong malalaki na kami, magiging magkaibigan na kaming magpinsan pero nagkamali ako kasi kung ano ang pakikitungo niya sa akin simula nung mga bata pa kami, ganun pa rin hanggang ngayon.

Mabuti na nga lang at nakakuha na kaagad siya ng NBI clearance na talagang sadya niya sa pagluwas rito at nakauwi na siya sa Davao kung saan doon talaga siya ngayon nakatira kasama sila Tito at Tita at nagtatrabaho naku kung hindi, ilang araw ko pang pagtitiisan ang ugali niya. Hindi ko naman kasi siya masyadong pinapatulan kasi hindi naman ako pumapatol sa mga hayop na kagaya niya. Hahahahaha! Ewan ko ba doon, sa pagkakaalam ko may kuhaan naman ng NBI clearance sa lugar nila pero talagang lumuwas pa rito para lang doon. O baka talaga lang na gusto lang niyang lumuwas rito para sirain ulit ang mga araw ko.

Ewan ko ba doon kung bakit inis na inis siya sa akin at trip niya talagang sirain ang araw ko. Marahil siguro dahil hindi niya matanggap na bukod sa kanya, may isa pang maganda na si ako sa lahi namin. Eh bakit siya maiinis sa akin... anong magagawa ko kung lumalabas naman kasi talaga ang katotohanan na kahit babaeng-babae na siya, maganda pa rin ako sa kanya. Hahahahaha! Ok ako na ang mahangin. Pero DD... Tama naman ako di ba? Nagsasabi ako ng totoo at hindi lang palipad hangin. Mas maganda pa ako sa kanya lalo na kung magiging babae rin ako.

Pasalamat na nga lang siya at hindi ko pinangarap na magsuot ng mga pambabaeng damit at makapal na make up sa mukha gaya niya naku kung nagkataon na gusto ko rin ang ganun, I'm sure na matatalo ko siya lalo sa larangan ng pagandahan.

Insecure kaya siya sa akin kaya ganun siya ng pakikitungo sa akin since bata pa kami? Bakit naman siya maiinsecure sa akin? Dahil sa mas lamang ako sa kanya sa ganda? Hahahaha! Kunsabagay, dapat nga lang siyang mainsecure kasi ako, Hindi ako insecure sa kanya kasi alam ko sa sarili ko na talagang lamang nga ako sa kanya. Hahahahaha! Ang yabang ko talaga! Hay! Bahala na nga siya kung insecure man siya sa akin basta ako... tuloy lang ang ganda at ang life! Hahahahaha!

Anyway highway DD... Ngayong wala na siya at natapos na rin ang pananalasa niya sa bahay namin, back to my real problem here, si Zeus, ayun, gwapo pa rin siya at lalong lumalalim ang aking nararamdaman para sa kanya. Pilit ko pa rin siyang iniiwasan kahit na alam kong nakakahalata na siya. Hay bahala na siyang makahalata. Siguro, hihintayin ko na lang ang tamang panahon... Tamang panahon para malaman niya ang tunay na dahilan kung bakit ko siya iniiwasan. Alam ko naman kasi na lalabas at lalabas rin sa bibig ko at maririnig niya mula sa akin ang lahat ng nasasaloob ko para sa kanya.

Hihintayin ko ang tamang panahon at tamang pagkakataon para sumabog na ang kung anong nasa loob ng dibdib ko... 'Yun ay ang gatas ko... de joke! Hahahahahaha!

-Law Adrian Mendoza


DIARY NI MR. L [BOYXBOY DIARY FORMAT SERIES]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon