#22

879 29 0
                                    

#DiaryNiMrL

ENTRY # 22

Sa wakas DD!

Natapos na namin ni Zeus ang research paper namin at naipasa na namin ito sa aming professor. Natapos na ang ilang araw naming paghihirap para magawa iyon. Actually, ako lang pala ang naghirap at hindi si Zeus dahil puro pang-aasar at pangungulit lamang ang ginawa ni Zeus sa akin.

'Yun na nga, natapos na namin ang research paper, meaning, tapos na rin ang araw-araw kong pagpunta sa bahay nila Zeus at tapos na rin ang lagi naming pagsasama.

Hindi ko nga alam DD kung bakit ako nakaramdam ng lungkot nung araw na iyon. Ewan ko ba... Kunsabagay, naging malapit na rin naman kami ni Zeus sa isa't-isa kaya hindi rin maiiwasan iyon.

Ngayong tapos na nga iyon, hindi ko na rin masyadong nakakasama si Zeus. Madalas ay kasama na ngayon ni Zeus ang mga dati pa niyang kaibigan dito sa school at ako naman ay sila Patrick at Dale ang laging nakakasama ko.

Minsan ay nagkakausap pa rin naman kami ni Zeus at nagbibiro at nangungulit pa rin ito sa akin hindi na nga lang kagaya ng dati na madalas niyang gawin iyon. Siguro ay napapansin na rin naman niya kasing bumalik na ako sa dati na masayahin at laging nakikipag-usap kung kani-kanino hindi kagaya nung aura ko nung una niya akong lapitan at kausapin. Napansin niya siguro na kahit papaano'y nakarecover na ako kay Red. Kung may alam man siya tungkol sa pinagdaanan ko nun.

Speaking of Red... May nag-iba sa pagtingin ko na ngayon sa kanya. Pakiramdam ko, iba na talaga eh. Parang naging ordinaryong lalaki na lamang siya sa akin sa tuwing titingnan ko. Kagaya ng ibang lalaki na nakikita ng mga mata ko, aminado ako na nagwagwapuhan pa rin ako sa kanya pero hindi na katulad ng dati na kasabay ng pagkamangha ko sa kagwapuhan niya ay ang pagsaya ng pakiramdam ko, pagkinang ng mga mata ko at pagbilis ng tibok ng puso ko. Ngayon, hindi na. Nagwagwapuhan na lamang ako sa kanya na may kasamang pagnanasa na rin. Hindi ko naman kasi maiiwasan talaga na pagnasaan ang lalaking iyon. Bukod sa gwapo, biniyayaan pa ng nakakatuksong hubog ng maganda nitong katawan. Pero hanggang doon na lang talaga at hindi ko maintindihan kung bakit. Wala pa rin namang nagbabago rito. Hindi pa rin ito namamansin at tumitingin sa iba. Kunsabagay, kung napakaganda ba naman kasi ng girlfriend mo at mukhang may pagka-witty rin, titingin at kakausap ka pa ba ng iba?

Anyway highway DD... Hindi ko maintindihan sa sarili ko kung bakit malungkot ako. Ok lang naman na hindi ko na nakakausap at nagkakasama ni Zeus dahil dati pa naman ay hindi ko na siya nakakausap at nakakasama. Wala nga akong pakielam sa kanya pero bakit ngayon... Parang nasanay na ako na lagi siyang nandyan sa tabi ko? Parang nasanay na ako na sa araw-araw ay dapat magkausap kami? Gusto kong marinig lagi ang boses niya at ang mga jokes niyang ubod man ng corny pero nakakapagpatawa sa akin? Hay! Nababaliw na yata ako.

Aminin ko man DD sa sarili ko o hindi, alam kong pagkatapos ng project naming iyon ni Zeus, may nagbago. Pakiramdam ko nga, bigla na lamang nag-expire na parang pagkain ang pagkakaibigan namin. Oo, magkaibigan na kami ni Zeus pero bakit pakiramdam ko ngayon, natapos na iyon? Ayaw na kaya akong maiging kaibigan ni Zeus kaya parang lumalayo na siya sa akin? Ok... ako na ang OA... Hindi naman sa lumalayo na sa akin si Zeus, kinakausap pa nga niya ako eh pero kasi, Iba na ang pakiramdam ko eh... sa school ko na nga lang siya lagi nakikita at nakakausap tapos hindi pa kami nakakapag-usap ng madalas. Minsan na lang. Mas lagi niya pang kasama iyong mga dati pa niyang friends. Nakakadisappoint lang.

Hay DD! Ewan ko pero parang nababaliw na yata ako. Nababaliw ng walang dahilan... Wala nga bang dahilan?

-Law Adrian Mendoza

PS: Sana pala... Hindi na natapos 'yung project namin para may dahilan pa para magkasama at magkausap kaming dalawa ng madalas... Inside and outside the school... Hay! Ewan!


DIARY NI MR. L [BOYXBOY DIARY FORMAT SERIES]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon