#8

1K 33 0
                                    

#DiaryNiMrL

ENTRY # 8

Hay DD!

Nababaliw na yata talaga ako... Nababaliw na talaga ako ng dahil kay Red.

Paano ba naman kasi, naisipan ko siyang sundan ng lihim hanggang sa makarating siya sa bahay nila. Oo, lihim ko siyang sinundan simula sa school hanggang sa makarating siya sa bahay nila. Nagmukha na nga akong stalker slash private investigator slash SOCO at talagang hindi siya nawala sa mga mata ko.

Sayang nga lang at hindi naging lubus-lubusan ang pagiging stalker salsh private investigator slash SOCO ko kasi nung maghahanap pa sana ako ng ibang info tungkol sa buhay ni Red sa internet, nalaman ko na mukhang wala yata siyang facebook, twitter, instagram at kung ano-ano pang acoount. In short, walang online life. Hmmp!

Anyway highway, Hayaan na natin iyon, ang mahalaga, nasundan ko siya at kahit papaano'y nalaman ko kung saan siya nakatira.

Medyo malapit lang rin naman pala ang bahay niya mula sa school. Siguro mga 15 minutes ang gugugulin mo para makarating dito sa bahay nila. Mabuti na nga lang at mukhang wala siyang kaalam-alam na may sumusunod na maganda sa kanya! Hahahahaha! Siyempre, magaling kaya ako. Magaling akong magtago.

Nalaman kong may kaya sa buhay si Red. Maganda naman kasi 'yung bahay nila. It's a two storey house na modern ang style. Nakatirik ang kanilang bahay sa isang medyo class na subdivision. Mabuti na nga lang at napapayag ko 'yung guard sa gate ng subdivision na papasukin ako. Naniwala naman kasi siya sa sinabi ko na dito nakatira ang kaibigan ko. Medyo mukha naman kasing uto-uto 'yung guard kaya naniwala sa kasinungalingan ko.

Nakatago ako nun sa gate ng bahay nila ng makita ko mula sa loob, sa labas ng pintuan ng bahay nila ang mother niya na sumalubong rito. Infairnes naman, maganda ang kanyang madir. Mukhang dito siya nagmana. Bahagya pa nga akong natawa dahil pasalubungan ba naman nito si Red ng isang halik sa pisngi at niyakap pa habang ang mukha naman ni Red ay nakabusangot pa rin. May dala pa itong bimpo kung saan pinunasan ng madir ang likod ni Red. Wow! Alagang-alaga ng kanyang madir.

Pero sa totoo lang, na-touched ako sa ginawa nung madir niya. Kitang-kita naman kasi dito kung gaano kamahal ang anak na si Red. Ngayon alam ko na galing si Red sa isang pamilyang puno ng pagmamahal.

Kaagad nga lang akong nagtago nun sa pinakasulok dahil nakita kong may umi-stop na kulay asul na kotse sa tapat ng gate nila at pumasok roon. Nung makapasok 'yung kotse ay kaagad rin akong bumalik sa dating pwesto ko at nakita kong padir niya pala ang nagmamaneho at nagmamay-ari ng kotse. Paano ko nasabing padir iyon ni Red? Eh hinalikan rin ng madir niya kasi ang padir na iyon at inakbayan si Red so I guess, padir niya nga iyon. Saka isa pa, pareho sila Red at ng padir niya ng mata at magkasingwapo rin at halos magkasingtangkad na rin so I guess ulit na dito siya nagmana ng tangkad. Taray ng pamilya ng Future ko! Nabibilang sa lahi ng mga endangered species ng mga gwapo at maganda. Ah... Oo nga pala, kabilang rin pala ako doon! Hahahahaha!

Anyway highway, ngayon alam ko na ang bahay ng future boyfriend ko... Hay ang landi ko talaga...

-Law Adrian Mendoza

PS: Kailan ko kaya makikilala ang future mother-in-law at father-in-law ko?


DIARY NI MR. L [BOYXBOY DIARY FORMAT SERIES]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon