#17

854 29 0
                                    

#DiaryNiMrL

ENTRY # 17

Naiinis ako kayla Patrick at Dale... Paano ba naman kasi, todo asar sila sa akin na kami na raw ni Zeus. Like hello! Hindi noh! Porket medyo close na kami ngayon dahil sa halos araw-araw na kaming magkasama dahil sa project eh kami na agad? Pati tuloy 'yung iba naming classmate, 'yun na rin ang tingin nila. Na kami na nga ni Zeus. Hello... kaibigan ko lang siya... nothing more and nothing less... Weh?

Anyway, highway, Eto namang si Zeus, isa pang nakakainis... Hindi man lang niya ako magawang ipagtanggol at sabihin sa lahat na wala kaming relasyon sa halip ay para pa itong tuwang-tuwa sa pang-aasar ng mga classmate namin sa aming dalawa. Hindi man lang ito nagsasalita at itinatanggi sa iba na wala nga talaga kaming relasyon. Hindi man lang ba siya nahihiya na ang isang katulad niyang lalaking-lalaki ay ipinapartner sa isang katulad ko na... alam niyo na. Hay! Ewan ko ba dun.

Pero alam mo DD... Nahuli ko si Red na nakatingin sa akin. Talagang nakatingin sa akin at seryoso ang mukha nito. Hindi man lang natinag sa pagkakatingin sa akin kahit na nakatingin na rin ako sa kanya. Hindi ko nga maintindihan ang itsura niya. Bakit kaya siya nakatingin sa akin? Nandidiri ba siya sa akin kasi may lalaking pilit na sinasabi ng iba na boyfriend ko? Nandidiri ba siya kasi may isang katulad ko rito sa classroom at kaklase at seatmate pa niya? Hindi ba niya nahalata na iba ako sa kanya? Na siya tunay at ako'y pekeng lalaki? Kung ganun man ang tingin niya... ouch naman men! Parang sinabi na rin niya na kailanman, hindi niya talaga ako magugustuhan. Eh ang tanong, nahalata rin ba kaya niya na may gusto ako sa kanya? Ewan...

Hay DD! O siya, maiwan na muna kita kasi pupunta pa ako ngayon sa bahay nila Zeus para gumawa ng project at matapos na iyon kaagad. Hindi na rin kasi ako masyadong comfortable ngayon kapag kasama araw-araw si Zeus kaya kailangan ng matapos ang project namin baka kasi... hay Ewan DD... Habang tumatagal kasi na nakakasama ko si Zeus... may nararamdaman akong kakaiba sa loob-loob ko.

-Law Adrian Mendoza


DIARY NI MR. L [BOYXBOY DIARY FORMAT SERIES]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon