GAME 3

135 12 0
                                    

"KYAAAAAAAHHH!!!!!!"

Isang sigaw ang narinig namin mula kay Spica. Lahat kami ay dali-daling nagpunta sa gym. Doon nagtataka kami kung bakit nanginginig ito sa takot.

"Spica? A-anong nangyare?"tanong ni Serenity ngunit tila nawalan ito ng dila para sagutin ang katanungan ni Serenity. Bagkus itinuro niya ang loob ng kwarto.

Dali-dali itong pinasok ng iba at naiwan kami ni Serenity sa labas para alalayan si Spica.

"KYAAAHHH!!"isang sigaw muli ang narinig namin at nakita naming tila nasusuka si Cleo sa kanyang nakita. Agad lumapit dito si Seren at hinakod ang likod nito. Nakita ko ring lumabas si Gerby na nasusuka.

"Anong nasa loob?"tanong ko ngunit wala akong nakuhang sagot. Gusto ko talagang malaman kung ano kaya naman pumasok na rin ako sa loob.

Laking gulat ko ng nakita ko roon ang wala ng buhay na si Aileen. Kalunos-lunos ang sinapit nito sapagkat wala ang dalawa nyang mata at gayat-gayat ang mga lamang loob nito. At walang awa talaga ang gumawa nito sa kanya,binalatan pa nya ang mukha at halos lahat ng parte ng kanyang katawan ay may saksak.

"S-sinong may kagagawan nito?" umiiyak na tanong ng napaupog si Seren. Agad ko itong nilingon at inalalayan palabas ng kwarto.

Umiyak lang ito ng umiyak hanggang sa tumahan.

"HELLO?HELLO? MAYDAY MAYDAY?"narinig naming sabi nung nasa speaker.

"WOW!! Nakakasabik naman kayo!! Okay nawawala na ako sa topic hahahaha" sabi nya at tumawa ng malademonyo

"Sinong pumatay sa kanya!!"matapang na sigaw ko.

"Well well well... Kayo na ang bahalang sumagot nyan,im only your audience here"sagot nya

"Napakasama mo!! Demonyo ka!!"sabi ko at narinig ko na naman ayang tumawa..

"Yes friend,you got it right! I am a demon."lahat kami ay nangilabot sa tono ng boses nya

"Oh sya off topic na! I want to explain something to you guys. Since kakasabi ko lang nung una at ngayon,the only way to get out of my place is to kill and hindi ganun kadali yun,para sa killers they need to pray to their gods na wag silang makilala or they will experience hell pero kung nagkamali ang iba sa hula nila the killer can be set free and boom!! welcome to the outside world. For you to know the killer,bahala na kayong gumawa ng paraan. I will only give you three hours and then Deathbear will accompany you to the confession room. Seeyah!" dagdag pa nya at bigla na muli syang nawala. Nakita namin sa isang screen na nakatimer na agad ng 3 hours.

Kahit diring-diri kami ay pumasok muli kami sa loob ng gym.Nilibot namin ang buong gym at naghanap ng magiging ebidensya na magtuturi kung sino talaga ang killer.

"Sinong mga humawak sa bangkay?"tanong ni Franco. Wala namang nagtaas ng kanilang kamay,sabagay sino ba namang tao ang hahawak ng patay na tao na halos masuka ka na sa itsura nya.

Wait..sino nga ba ang hindi sumuka sa amin?

alam ko naman na hindi ako ang pumatay kaya labas na ako sa listahan,si Seren naman kasama ko sya buong magdamag. Maaaring ang killer ay maalin sa dalawa yun.

Naglibot libot muli ako sa loob ng kwarto hanggang sa may napansin akong bakas ng paa. Sinukat ko ito gamit ang aking paa at mukhang mas malaki ito kesa sa akin na size 7 ang paa.

"Guys!! anong size ng paa nyo?"tanong ko sa kanila. Lahat sila ay nagtaka pero sinagot nila ang tanong ko.

Lalong lumakas ang kutob ko na sya ang killer.Hindi,wag muna dapat akong pakabahala baka mali ang hula ko at mapahamak pa ang isang inosenteng buhay.

Nalibot ko na ang lahat ng sulok ng kwarto at isa na lang hindi pa. Sa mismong kinalalagyan ng bangkay.

Lumapit ako dito at di ko maiwasang masuka lalo na't nangangamoy na ito. Habang tinitignan ko ang bangkay ay may napansin akong isang piraso ng black bead at mukhang galing ito sa bracelet at isang tao lang ang nakita kong meron nun.

Sya...

Guess the Killer [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon