Nagising ako sa tunog ng isang alarm at nakita ko na lang na nasa kwarto na ako. Pumunta muna ako sa banyo at naghilamos. Lumabas ako at nakita kong bagong gising lang din sila.
"Good morning!"bati ni Serenity habang kinukusot ang kanyang mata
"Good morning"sagot ko. Nagpunta kami sa kusina at nagluto ng pagkain.
Tahimik lang kaming kumakain,wala kahit isa ang nagsasalita. Sabagay hanggang ngayon kasi tila sariwa pa yung nangyare kahapon.
"Ohayo guzaimas!!How's your first day hihi" sabi ng bagong dating na si Deathbear. Lahat kami ay nagulat at natakot.
"Ano na namang kailangan mo?" galit na tanong ni Gerby.
"Why so angry,Gerby hihihi?" nakangising sabi nito at lalong nagalit si Gerby kaya akmang susuntukin nya si Deathbear pero pinigilan sya nina Franco at Spica.
"Wag nyo akong pigilan! Bitaw!!!" utos nya pero hindi sya pinakinggan ng mga ito.
"Wag kang padalos-dalos,Gerby!"saway ni Spica ngunit hindi pa rin papigil si Gerby.
"Stop it Gerby!"sabi ni Serenity at tila sumunod naman ito. Ngumisi naman si Deathbear.
"I just want to say good morning,that's all hihihi.. Bye" sabi nito at naglakad palabas ng kusina.
Tahimik lang kami buong magdamag. Mukhang bakas pa rin sa amin ang nangyare kahapon.
"Hay naku! Wag na nga tayong magmukmok dito. Tara magparty!!"biglang sabi ni Andie na bumasag sa katahimikan. Nagkatinginan ang lahat sa isa't isa at sumang-ayon sa sinabi ni Andie. Siguro nga we need to have fun kahit papaano para makalimot sa nangyare kahapon.
Natapos ang pangalawang araw namin at sa kabutihang palad ay walang nangyare na patayan.
Ngayon ay nasa kwarto ako. Tinitignan ko ang bawat sulok nito,nagbabaka-sakaling may makita akong clue kung sino ba talaga ang mastermind. May isang bagay na nakakuha sakin ng atensyon. Ito ay isang lumang larawan ng tila isang bahay ampunan. Parang pamilyar sakin ang lugar na yun pero hindi ko talaga maiisip kung saan at kelan.
May biglang kumatok sa pinto at agad kong itinago ang larawan sa ilalim ng kama. Binuksan ko ang pinto at nakita ko si Serenity na hindi ko mabasa ang mukha
"Bakit,Seren?"tanong ko at niyakap nya lang ako.
"Wala lang! Gusto lang kitang yakapin"sabi nya. Agad naman syang kumalas at nginitian ako.
"Goodnight sister"dagdag pa nya at umalis. Hindi ko alam pero kinutuban ako sa kanya,di ko maipaliwanag kong ano.
May itinatago ka ba sakin,Serenity??
SOMEONE's POV
"Anong plano mo? Mukhang nadala ata sila sa ginawa mo sa unang killer hihi. Ang boring na tuloy hihi" sabi ni Demonbear. Nginisian ko lang sya at nagsalita
"Don't worry the fun is only starting. So,how are they huh?" tanong ko
"They still in their dreamland hihi. Can I wake them up?"
"Not yet... I think we should play with the first batch and watch every move of Drew"
"Yes master"sagot nito at lumabas na ng kwarto
Still the old Autumn Drew huh..
***********************
Hi guys!!Gusto ko lang pong magpasalamat sa lahat ng mga nagbabasa at bumuto sa story ko. I hope na hindi kayo magsawa sa pagbabasa at kahihintay ng update..
Kamsahamnida *90° bow*
BINABASA MO ANG
Guess the Killer [Revising]
Mystery / ThrillerPlay my game and guess who's the killer