GAME 9

100 15 1
                                    

Nakatayo lang ako at tinitignan ang bawat anggulo ng bangkay. Mukhang matangkad ang killer pero nakapagtataka,paano naipako ng killer ang mga kamay nito kung mag-isa lang sya? Hindi kaya......

"Sinong walang puso ang gagawa ng ganitong karumal-dumal na bagay?" malungkot na sabi ni Andie na ikinagulat ko.

"Ghad! Ano ba yan,Andie ginulat mo naman ako"sabi ko. Nagpeace sign lang sya at biglang naging seryoso ang mukha.

"Oo wala ngang puso ang gumawa nito pero hindi ba kayo nagtataka sa nakasulat sa katawan nya?" sabi naman ni Serenity. Bakit kaya ngayon parang nagiging kabute na ang mga tao dito,kung saan-saan sumusulpot.

"Oo nakapagtataka nga,bakit maglalagay ang killer ng ganung kataga? At sino ang tinutukoy nya?"tanong ko.

"Huh?hindi ba halata na si Spica yung sinner" sagot ni Andie

"Maari.. pero pwede ding iba"sabi naman ni Serenity

"Pwede nga.. pero sino?"sabi ko naman

"Hay ewan ko sa inyong dalawang kambal, napakomplikado ng mga ideya nyo di keri ng brain cells ko"natatawang sabi ni Andie at napatawa na kami sa kanya.

"May ideya ka na ba kung sino ang killer?"tanong sakin ni Serenity.

"Naisip ko lang hindi naman kayang ipako ng killer si Spica ng mag-isa,maybe may kasabwat sya sa pagpatay" sabi ko. Napanod na lang sya.

"Yun din ang naisip ko,kambal nga tayo"masayang sabi nya at inakbayan ako. Napangiti ako sa sinabi nya.

"Guys! Come here!Look at this!" sigaw ni Gerby at lumapit kami sa kanya.

May nakita kaming parang symbol. Pamilyar ito sakin parang.....

"Yan yung crest symbol sa kwintas ni Deathbear!"sabi ko sa kanila,kaya pala pamilyar sakin yun

"Bakit naman magkakaroon ng ganitong symbol?"pagtataka ni Franco

"Look guys! May picture oh"sabi naman ni Andie at kinuha yung larawan. Ipinakita nya ito sa amin at lahat kami ay nagulat. It was the class picture when we were kids. Pero ang nakapagtataka wala akong maalala na kahit ano na naging part nga ng past ko ang mga taong kasama ko

"What the hell" sabi ni Gerby

"Paano nagkaroon tayo ng class pic nung mga bata? Wala akong natatandaan na naging kaklase ko kayo"sabi naman ni Andie

"Neither do I,ang alam ko pinag-aral ako ng parents namin ni Au sa Korea on that age" sabi naman ni Serenity

"I was on Japan on that age as far as i remember"sabi ko naman.

"Magkaiba kayo ng school ni Serenity?"gulat na tanong ni Gerby

"Yup,diba sinabi ko na! We have different mother"sagot ko.

"Maybe that picture was fake"seryosong sabi ni Franco.

"Oops times up!"sabi ni Deathbear sabay kuha nung picture na hawak hawak ni Andie.

Wala kaming nagawa nung kunin nya yung picture. Sumunod kami sa kanya papunta muling confession room. Napansin ko lang ang height ni Deathbear,ang tangkad nya pala kahit na Teddy bear lang sya.

Nagulat kami sa pagpasok namin. It was not the old confession room kung saan isinagawa ang naunang paglilitis. Hindi na ito madilim na tanging torch lang ang nagbibigay liwanag dito dahil ngayon ay chandelier na at napakaliwanag ng loob. Ang dating 7 na mini stage ay naging labing-dalawa na. Ang hindi lang nagbago ay yung mga larawan na may ekis. Yung ibang mini stage ay walang larawan kundi question mark lang.

"Welcome to the new confession room hihihi" bati ni Demonbear.

"Shall we start?"dagdag pa nya.

"The first who was Spica. She was found dead in the locker room"pasimula ni Gerby

"Ang unang nakakita sa bangkay ay si Autumn at sumunod ay ako"sabi naman ni Andie

"Based on our theory,hindi lang isa ang killer may mga kasabwat ito. Au,please continue" sabi naman ni Serenity. Sinunod ko ang sinabi nya

"Nasabi namin yun kasi walang tao ang may kayang mag-isa na ipako ang isang katawan sa locker ng walang taga-hawak dito. Matangkad ang katulong ng killer. Ngayon ko lang naisip ang gustong ipahiwatig ng mga katagang nasa katawan ng biktima"sabi ko

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Franco at nagpatuloy muli ako sa pagsasalita.

"The victim is the killer and the killer is the victim. Ang sinner na sinasabi ay walang iba kundi si Spica mismo. Isinulat ito ng totoong biktima upang bigyan tayo ng clue na hindi sya ang killer"sabi ko

"Pero bakit naman ganun ang ginawa ng biktima kay Spica?Grabe naman ata yun"sabi ni Andie

"Then why should we ask the victim... Demonbear"sabi ko at tinignan si Demonbear.

"Well,good job Autumn! Now you know the second who I will tell you the story hihihi"sabi nya at may isang screen ang lumabas at doon nagplay ang isang video. Doon namin nakita ang totoong nangyare. It was self-defense pero napasobra nga lang.

"Fun facts about Spica Incarnation, she was a genocider hihihi" sabi pa ni Demonbear. Lahat kami ay nagulat sa nalaman namin.

"So these this case is closed. Goodbye and goodnight everyone hihihi"dagdag pa nya at pinindot ang yellow button ulet at nahulog na naman kami sa walang hanggang kadiliman..

***************************

Hi guys!!! Sorry kung hindi agad ako nakapag-update naging busy kase ako these past days. Nagpa-enroll pa kasi ako tapos nawalan pa ng signal ang wifi dito sa bahay. Sorry talaga babawe na lang ako :)

Guess the Killer [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon