GAME 12

82 14 1
                                    

"Guys! I think nakuha ko na ang answer "sabi ko at tumingin silang lahat sakin

"What do you mean?" Tanong sakin ni Ji.

"What i mean is, yung tula na nasa dingding, I think it was a story na nangyare dati sa mastermind" Seryosong sagot ko at lahat sila ay napaisip.

"Siguro nga. Pero ang nakapagtataka, ayun sa tula 'I took away their cherished treasure' anong sinasabi nya dito?"tanong ni Andie

"Ano nga ba ang mahalagang kayamanan ng tao?" tanong ni Franco.

"Memories" bulong ni Serenity at napatingin kami dito. Oo nga, isa iyong kayamanan na walang kapantay na pera.

"Ibig sabihin binura ng mastermind ang mga alaala ng labing-isang batang iyon at ikinulong kasama sya."sabi ni Franco

"Parang ganun na nga pero hindi nya ba napapansin na na parang katulad din ng nakasulat ang nangyayare saten ngayon?" sabi naman ni Ji na pinagtataka namin

"Pano mo nasabing katulad?" Tanong ni Gerby,ganun ang din ang tanong ko sana.

"Diba sinabi dun na 'I sealed them in a box along with me and offer freedom',naalala nyo pa nung unang araw na napunta at nakulong tayo dito diba inalok tayo ng taong nasa speaker na makakalaya lang tayo kung may mamamatay at may papatay"seryosong sagot nito at nagulat kami. Tila konektado ang lahat ng nakasulat sa dingding.

Marami ang bumabagabag sakin ngayon. Una, yung kwenyo behind that poem. Pangalawa, yung mga nagf-flashback sa utak ko na mga pangyayare na hindi ko matandaan. At ang huli,ang babae na kamukha ko sa salamin.. Maaari kayang guni-guni ko lang sya?

"Argh!! Sasabog na ang utak ko! Tara na nga lang kumain!!"pagmamaktol ni Andie. Tumayo sya at pumunta sa kusina.

"Oo nga, nagugutom na rin ako" sabi naman ni Ji at sumunod kay Andie. Nagsunudan na din sina Gerby at Seren kaya naiwan kami ni Franco.

"Eleven....." mahinang sabi nya kaya naman napatingin ako dito.

"Anong sabi mo??" tanong ko dito at tinignan nya ako.

"Ilan tayo lahat? Kasama yung tatlo na nawala sa grupo"sabi nito. Naku naman! Ang ganda din nitong kausap,sagutin ba naman ako ng tanong din ....

"Hmm~ 3 ang nawala, 4 ang natira tapos nadagdag si Ji kaya naman 8 lahat. Bakit mo ba tinatanong?" sabi ko

"Yung tula.. Ang sabi dun eleven children, ang ibig lang sabihin nito ay~" Nagkatinginan kami na tila pareho ang iniisip namin

"May iba pa na naririto" sabay naming sabi.

"Kailangan nating sabihin sa iba ang natuklasan natin" suwestiyon ko kaya tumayo kami sa pagkakaupo at nagpunta kung saan naroroon ang iba.

MASTERMIND's POV

Nasisiyahan ako sa nakikita ko. Saludo ako sa taong yun,mukhang bumalik na ang alaala nya pero dahil dun mukhang mapapadali ang katapusan nya....

"Master, nakatakas po sya" sumbong sakin ni Deathbear.

"I know. Let her meet the others and wake them . The show is about to start" napangisi ako.

"Okay master" sagot nito at lumabas ng kwarto. Tinawag ko si Demonbear para ihanda ang pangalawang clue. Nakakatuwa naman dahil mukhang umaayon ang lahat sa plano ko hahaha..

I will have my revenge soon...

******************************

Sorry sa late update dapat kasi kagabi pa ito kaso knock out agad si author XD

Guess the Killer [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon