CHAPTER 19

89 8 0
                                    

"Autumn! Autumn!"

Nagising ako sa tawag nina Franco,Ji at Seren. Puro kandila ang unang sumalubong sa aking pagmulat. Halos magulat ako ng mapansin ko na nasa confession room na kami. Hindi kami nakatali bagkus ay nasa amin kaming mini stage. Agad kong hinanap si Andie at nakita ko na nakatali ang kanyang mga kamay at nasa kanya din syang mini stage.

"Oh well... Gising na pala kayo hahahaha" sabi ni Demonbear at kasabay nito si Deathbear.

"Anong ginagawa namin dito?" tanong ni Ji.

"She's going to kill us" sabat ni Andie habang nakangiti.

"Hihihi.. Kelan ka pa naging fortune teller, Andie? Btw.. Sya na ang sasagot sa tanong nyo" sabi ni Deathbear at may biglang dumating halos lahat kami ay tila napatigil sa aming nakita.

"Hello friends, miss me?" sabi nya ng may mala-anghel na ngiti.

"L-larra??"

Sa pagbanggit namin ng pangalang iyon ay tila may nagbukas na ilaw sa aking utak. Biglang sumakit ang ulo ko,maraming mga pangyayare ang nagflashback sa utak ko.

"Now, you have your precious memories back" nakangiting sabi ni Larra at tinignannamin sya..

"Kamusta ka na,Allison Ray Miracle??" taning nito na halos nagpatindig ng balahibo ko.

"At ikaw din Serenity, alam ko naman na hindi tumalab sayo yung gamot na itinurok ko. Nerd nga naman,magaling gumawa ng paraan " dagdag pa nito. Napatingin ako kay Seren. Kaya pala kakaiba ang pakikitungo nya sakin pero bakit nakisakay sya sa plano ni Larra?

"You know me,Ate Larra. You can't control me cause I am better than you" inis na sagot nito

"And ohh.. Nakikiramay ako sa pagkamatay ng iyong pinakamamahal na Gerby" sabi ni Larra atsaka humalakhak. Nakita kong napayuko si Seren at may tumulong luha sa mata nya.

"Bakit..... Bakit mo ito ginagawa sa amin?" Matapang kong tanong kay Larra. Napatingin sya sa akin na may pagtataka.

"So kinalimutan mo na yung nakaraan, Ray... Naaalala mo ba ang TUNAY mong kakambal?" tanong nito sa akin. May kakambal talaga ako??

"Oh.. Kinalimutan mo na ang pinakamamahal mong kakambal na lalaki or should I say Allison Jay Miracle aka Xiu Han mo." Sagot nito at may biglang tumulo na mga luha sa aking mga mata ng makita ko si Kuya Xiu Han sa isang malaking screen na natutulog.

"Anong nangyare sa kanya? Anong ginawa mo sa kanya!?" Galit kong tanong sa kanya. Nag-iba bigla ang kanyang mukhang na sabihin ko iyon.

"Ako pa talaga!!! HINDI BA IKAW ANG MAY KASALAN NITO!! IKAW AT ANG MGA MAGAGALING MONG KAIBIGAN!!" Sigaw nya.

"Huh? Paano?" naguguluhang tanong ko

"Let me tell you a story....." sabi nya at nagsimula syang kwento

**Larra POV ( The Past )

Matalik na magkaibigan ang pamilya namin maging ang kapatid kong si Serenity. Nagkasundo ang mga magulang namin na ikakasal kami ng kakambal ni Ray na si Jay kapag sumapit na kami pareho ng labingwalo. Ang pamilyang Miracle ay may-ari ng isang orphanage sa Batangas, kaya madalas ay kasama ako nung kambal kapag binibisita namin ang mga magulang nila. Sa bahay- ampunang iyon nakilala namin ang sampung mga ulila na at naging mga kaibigan namin sila. Sa grupo namin syempre hindi mawawala ang mga asaran, mga crush atbp. Ang kapatid kong si Seren ay umamin sakin na gusto nya raw si Gerby at ako naman ay suportado sa kanila. Si Ray naman ay walang kaalam-alam na dalawa ang nagkakagusto sa kanya, si Ji at si Franco.

"Xiu!! Xiu!! Halika laro tayo" tawag ni Ray sa kakambal nya

"Ikaw na lang Han.. Alam mo namang bawal ako diba" malungkot na sagot naman nito. Tumakbo si Ray sa kambal nya at umupo sa tabi nito.

"Oh! bakit di ka pumunta dun para maglaro?" Tanong nito

"Ayoko na.. Sasamahan na lang kita, kambal kita eh"nakangiting sabi nito

Maayos na ang lahat hanggang sa dumating ang araw na nagpabago ng lahat.

Nalaman ni Ray na lahat ng ari-arian ng magulang nya ay mapupunta sa kakambal nya at ang tanging pamana lang nila sa kanya ay ang kanilang hacienda at 5 milyon sa bangko. Nagalit ito at tinipon ang barkada, humingi ito ng tulong sa kanila na kumbinsihin ang magulang nya na palitan ang Last Will of Testament. Nung araw ding iyon ay isinakatuparan namin yung plano. Oo,kasama kaming magkapatid sa pumunta sa loob ng opisina ng magulang nina Ray at Jay. Kinausap namin sila at mukhang nagalit ang mga ito ng sabihin namin iyon

Umalis ako saglit dahil tumatawag ang aking ina at matapos iyon ay bumalik muli ako sa opisina pero laking gulat ko na wala ng buhay ang mag-asawa. Labing-isang tao ang nakita ko at ang mga ito ay mga barkada ko kasama na roon ang duguan at tulalang si Ray.

Nilibot ko ang aking paningin at nakita ko ang nagtatagong si Jay sa kabinet. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at nagtago na rin.

Kaming lahat sa loob ng opisina ang saksi sa lahat ng nangyari ng gabing iyon. Tumakas kami ni Jay at lumayo.

Lumipas ang mga araw at wala pa rin kaming balita kina Ray. Yumaman kami dahil na rin sa tulong ng mga magulang ko. Simula nang nangyare ang trahedyang iyon ay nagbago si Jay. Laging tulala at hindi kumakain kaya hinfi nagtagal ay namatay sya dahil bumigay na ang kamyang puso. Sa labis na galit at lungkot ay nagpaturo ako sa lola ng kaibigan ko kung paano bumuhay ng patay.

Sinunod ko ang utos nito at dahil na rin sa pera ay pinaayos namin ang dating bahay-ampunan at doon ay ikinulong at pinaglaruan namin ang buhay ng mga dati kong kaibigan na syang kumitil kay Jay.

****---End of Flashback ---****

"So ayun ang buong pangyayare. Ano Ray,naalala mo na ba ang kasalanan mo?"tanong nito sa akin. Napaupo ako at napaluha ng hindi ko namamalayan.

"Isa akong killer.... Ako ang may kasalanan mg lahat" paulit-ulit na sabi ko at tila nababaliw ako.

"Ray!! Ray!! Wag kang magpapaluko sa kanya!!" Sigaw ni Seren pero hindi ko sya pinansin at paulit-ulit ko pa ring binibigkas ang salitang "killer" at tila doon na umikot ang mundo ko. Wala na akong naririnig sa paligid ko. Ayoko na....

"Ate!! Tigilan mo na sya!! Tayo ang may kasalanan ng lahat!"

******************************

Guess the Killer [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon