GAME 16

90 13 1
                                    

Andito kami ngayon sa sala at nagpapahinga. Hanggang ngayon may mga naglalaro pa ring katanungan sa isip ko. Yung mga pictures na nakita namin? Totoo kaya yun? Yung drawing? At ang huli ay ang mga alaala namin. Naguguluhan na ako kung yung mga alaala namin ngayon ay totoo o gawa lang. Naalala ko tuloy yung sa sinabi sa first clue, 'I take away their precious treasure' baka nga ang tinutukoy nito ay ang aming mga alaala at pinalitan siguro iyon ng mastermind ng lahat.

"Anong nasa isip mo?" sabi ni Franco at inabutan ako ng coffee. Tinanggap ko naman ito at umupo sya sa katapat ko.

"Maraming gumugulo sa isip ko,maraming katanungan ang gustong mabigyan ng kasagutan"sagot ko at napabuntong-hininga.

"Tulad ng ano?" tanong nito at humalumbaba sa mesa. What the! Oo na gwapo na sya >_<.

"A-ano.. K-kalimutan mo na lang"nauutal kong sabi ko at tumayo. Lumayo ako sa kanya at lumapit kina Seren. Di ko maintindihan kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Argh! Naiinis na ako...

"Guys! Time to solve the third clue" sabi ni Andie at lumapit silang lahat. Inilabas ni Seren yung papel na nakita namin sa bangkay ni Cleo.

"Any idea?"sabi ni Ji. Natahimik kami at nag-isip. Maraming pwedeng magpatahimik sa isang daga pero baka ginamit lang na symbolism yung daga, maybe it symbolizes something..

"The mouse symbolizes something or..... someone" seryoso kong sabi.

"If that's your theory, anong naiisip mo na isinisimbolo nito?" Tanong ni Gerby at tinignan ko ito.

"Cleo" diretso kong sagot. Bakas sa kanila ang pagkagulat.

"Bakit naman si Cleo?" nagtatakang tanong ni Seren

"Maybe nalaman na ni Cleo kung sino ba talaga ang mastermind at bago pa nya masabi saten kung sino ay pinatay na agad sya" sabi ko.

"Maaari nga yung sinabi mo"sang-ayon ni Franco

"Tsk!! Naunahan tayo! Damn it!!" Inis na sabi ni Gerby at napasuntok sya sa pader. Agad namang lumapit si Andie at tinignan yung kamay ni Gerby. Dumudugo ito dahil nasyadong malakas ang suntok nito

Nakita kong umalis si Seren at nung bumalik ito ay iniabot nito yung dala-dala nyang first aid kit. May pag-aalaa na bakas sa mukha nito at may konting selos? Hmm... Siguro nagkamali lang ako..

"Nakakainis! Ang talino nya ah! Siguro pinagmamasdan nya tayo"ani ni Seren.

Light bulb!!

"Ang talino mo Seren! Bakit hindi ko naisip yun?"sabi ko. Nagtataka naman sila sa sinabi ko.

"Huh??" Nagtatakang tanong nya.

"Cctv camera! Maybe may mga hidden camera dito!"sagot ko.

"Eh? Ano naman ang kinalaman ng camera? "Tanong ni Ji at ngumisi ako.

"I have a plan!" sabi ko. Sinenyasan ko sila na lumapit at bago sila sumunod ay nagtinginan muna sila. Kung may CCTV nga dito dapat kaming mag-ingat.

"We need to find those hidden cameras. After that destroy it so that the mastermind would never know where and what are we doing" pabulong kong sabi at sumang-ayon sila.

"But first! We need to act normal" dagdag ko.

"But how about the other two?" tanong ni Andie.

"That would be our mission after we destroy the cameras"sagot ko dito at naghiwa-hiwalay na kami.

Hindi ka magtatagumpay Skylar.....

Guess the Killer [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon