Naghiwa-hiwalay kami at naghanap ng mga lugar Kung saan maaaring ilagay yung mga camera.
Naka-assign ako sa lahat ng kwarto. Una kong pinasukan ay ang kwarto ni Andie.
Malinis ito at katulad ng kwarto ko.Nilibot ko Ang buong kwarto nya at matapos yun ay nag-isip.
San nga ba Ang magandang pwesto para makita Ang lahat ng sulok?
Light bulb!!
Agad akong lumapit sa lalagyan ng mga libro na bandang dulo malapit sa cr na nakaharap sa pintuan. Kinapa ko ang bawat tabi ng mga libro hanggang sa may makapa ako na maliit na parisukat. At tama nga ang hinala ko,isang iyong maliit na camera. Agad ko itong kinuha at ipinatak sa sahig atsaka pinagtatapakan hanggang sa magkapira-piraso ito.
Matapos ang kwarto ni Andie ay pinuntahan ko naman yung sa iba. May nadiskubre ako, lahat ng kwarto namin ay tila magkakapareho. Hindi na ako nahirapan pa sa paghahanap ng mga camera dahil kung saan nakalagay yung unang camera ay ganun din ang sa iba. Ang huli kong pinasok ay ang kwarto ko. Agad akong lumapit sa libruhan at kinapa ito ngunit laking pagtataka ko dahil wala akong nakapa na camera. Inalis ko lahat ng libro at pinaghahagis kung saan-saan hanggang sa maubos pero wala talaga. Naghanap ako sa ibang parte ng kwarto ngunit wala talaga. Ang huli kong hinalughog ay ang cr para kasing may kung ano dun sa cr na napakamisteryoso kasi sa isang sulok nito ay may tuklap na part tapos yung pagkakatuklap ay tila isang keyhole.Ngayon ko lang napansin,kwarto ko lang yung may ganun. Natapos ako sa paghahalughog sa kwarto ngunit sa huli wala talaga akong nakita.
Pumunta na ako sa sala kung saan naabutan ko na nagpapahinga yung iba.
Lumapit ako sa kanila at humiga sa sofa. Mukhang mga pagod sila dahil mahimbing silang natutulog. Uminom ako ng juice na nakalagay sa mesa dahil na rin sa pagod kaya nauhaw ako. Matapos kong mainom iyon ay tila nahihilo ako kaya napahawak ako sa mesa ngunit napabagsak ako sa sahig. Unti-unting lumalabo ang paningin ko ng makita ang dalawang tao sa harap ko at ramdam ko na mga nakangisi sila.
"Hello Sky...." Sky? Sino?... Sino sila? Bago ko makita ang mga mukha nila ay nilamon na ako ng dilim..
** ** ** ** ** ** ** ** ** ** **
Hi guys sorry kung ngayon lang ako nagkapag-UD masyado lang kasing busy. Argh!! Malapit na naman ang exam namin tapos may thesis pa.. Hay bigti na LOL XD
BINABASA MO ANG
Guess the Killer [Revising]
Mystery / ThrillerPlay my game and guess who's the killer