Takot... yan ang namumutawi ngayon,naulit na naman ang nangyare noong una. May nawala na namang buhay..
"Au,ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Serenity. Nagnod ako bilang tugon pero hindi pa rin naaalis ang pag-aalala sa mukha nya.
Andito kami ngayon sa 2nd floor at nagsimulang mag-imbestiga. Nagtataka lang ako... pero hay ewan.. isasantabi ko muna yun at kailangan kong ipokus ang sarili ko para sa kasong ito.
Una akong nagpunta sa swimming pool,ewan ko ba kung bakit dito ako dinala ng aking mga paa eh ang layo-layo naman ng pinagkitaan namin nung bagay na yun.
May napansin ako na mga tumpok ng bote sa isang tabi. Lumapit ako dito at tinitigan ito.Napansin kong may anim na taklob ng mga bote ngunit nung binilang ko ang mga bote ay lima lang ito,kung ganun.... asan ang nawawalang isa??
Tinignan ko ng mabuti yung mga bote,may isang bote na tila iba ang direksyon at nakaturo ito sa isang madilim na part ng swimming pool. Di na ako nagdalawang isip na pumasok dun. Naghanap ako ng switch kasi may nakita akong ilaw at nang nakakita ako ay agad ko itong pinindot at nagliwanag ang paligid. Tila isa tong hallway,napaisip tuloy ako,bakit hindi namin napansin na may ganito pa lang hallway sa swimming pool.
Naglakad ako ng naglakad hanggang sa napatigil ako sa paglalakad kasi nakita kong bukas ang isang pinto. Dahan-dahan ko itong binuksan,locker room pala toh. Sa pagmamasid ay hindi ko nagustuhan ang aking nakita ko. Isang sigaw ang pinakawalan ko ng makilala ko kung sino yun.
"Autumn!!! Anong nangyar- Kyaaaaaaahhh!!!!!" gulat na sigaw ni Andie ng makita nya rin kung ano yung nakita ko.
"Whatta hell" sabi ni Gerby na kasunod lang sina Franco at Serenity.
"S-sino y-yan?" tanong ni Andie. Hanggang ngayon ay pinaprocess ko pa rin ang nakita ko.
"S-si Spica...." sagot ko.
Namutla ako sa sinapit nya. Mas matindi pa ito sa unang namatay na si Aileen. Unang-una ay tadtad din ito ng saksak at putol-putol ang mga daliri nito.Pinako sya sa mga lockers at tanging pang-ibaba lang may saplot. Wala na itong puso marahil yung puso na nakita namin ay sa kanya pero ang mas nakapagtataka ay yung nakaukit sa kanyang tiyan, " I AM A SINNER" yun ang nakaukit.
"Ngayong nakita na naten ang bangkay,we need to start investigating" seryosong sabi ni Franco.
"I can't do this" sabi ni Andie habang umiiyak. May biglang nagflashback sa isip ko.
"Stop it!! Please Im begging you" pagmamakaawa ng isang babae na tila may edad 30. Nakita ko na may lumapit na isang lalaki dito at ngumisi
"Oh poor old woman, beg for your life hahahaha" sabi nya. Hiniwa nya ang kanang binti ng matanda at umagos ang mga dugo nito. Walang magawa ang matanda kundi ang sumigaw sa sakit at nagmamakaawa sa mga taong nasa harapan nito.
"Wag nyong saktan ang asawa ko!! Mga demonyo kayo!!" sigaw naman ng isang lalaki na mukhang asawa ng pinapahirapan ng mga taong yun.
"Don't worry tanda,mauuna ka naman sa kanya hahaha" sabi naman ng boses ng isang babae at nagtawanan sila.
"Hey,its your time to torture her" sabi ng lalaki sa isang babae na nakatayo lang sa iaang gilif
"I can't do this.. i can't do this" paulit-ulit na sabi ng isang babae na tila nanginginig pa at pinanuod na lang nya ang mga kasama nya habang pinagsisipa yung lalaki
"Tama na ako na lang ang saktan nyo,wag ang asawa ko!" umiiyak na sabi ng nanghihinang babae.
"Naman.. wag kang mag-alala susunod ka naman.You're our audience for now" sabi ng isang lalaki at sinabunutan yung babae. Walang magawa yung babae kundi ang panuodin ang pagpapahirap ng mga taong yun sa asawa nya hanggang sa bawian ng buhay ang lalaki.
"This is very entertaining" sabi ng isang babae. Hinawakan nito ang ulo ng lalaki na wala ng buhay at itinaas.
"And for the final touch" sabi nya at ginilitan ang leeg ng lalaki. Sumirit ang dugo nito sa mukha ng asawa nito na sya namang ikinasaya ng mga taong yun.
"And i think our only audience here needs to say goodbye" nakangising sabi ng isa pang lalaki habang hawak-hawak nito ang isang matalim na kutsilyo.
" Sige pre,kaw na bahala kahit na gusto kong ako ang gumawa" sagot ng lalaking may hawak sa babae. Lumapit dito ang lalaki at itinaas ang ulo ng babae.
"Any last word?" tanong nya dito.
"Someone will seek vengenance & you all will die" sabi ng matanda at tinawan lang sya ng mga taong nakapaligid sa kanya."Rest in peace" sabi nung lalaki at sinaksak nito ang babae sa ulo atsaka ginilitan.
"You're still innocent as always"
**********
"Autumn,ayos ka lang ba?" tila nagising ako sa realidad
"Ah.. eh.. oo ayos lang" sagot ko atsaka tumayo. Nagsimula na akong mag-imbestiga.
Sino yung mga taong yun? Bakit may alaala ako ng pagpatay na yun??
BINABASA MO ANG
Guess the Killer [Revising]
Mystery / ThrillerPlay my game and guess who's the killer