GAME 10

99 15 2
                                    

Tumunog na naman ang alarm na laging gumigising sa natutulog kong diwa. Pakiramdam ko nasa isa kaming hawla at hindi makalabas,nagpapakontrol na lang sa taong nasa likod ng lahat ng ito.

Napatigil ako sa pagmumuni-muni ng may kumatok sa pinto.Agad akong bumangon at nag-cr muna,alam nyo naman baka bad breath XD

Binuksan ko ang pinto at mukha ni Franco ang sumalubong sakin.

"Ohh.. b-bakit?"gulat na sabi ko sa kanya

"Kakain na, kanina ka pang hinihintay" masungit sagot nya. Nakakapanibago itong lalaki na toh.. tsk,ewan bahala sya hmpf!

Pumunta kami sa sala at nakita ko na may tila kausap sina Serenity.

"Naman! Hahaha, alam kong maganda talaga ako!"narinig kong sabi ni Seren. Hindi ko na lang pinansin at dumiretso sa kusina at umupi sa isang island dun

"Oh! Hi Autumn!Tara breakfast na tayo!"alok ni Andie habang hawak-hawak ang isang plato na may lamang pancakes.

"Hmm~ marunong ka pa lang magluto,pwede ka ng mag-asawa"asar ko at nakita kong namula ang kanyang pisngi

"Naman Autumn!"nahihiyang sabi nya sabay hampas sa balikat ko. Tinawanan ko na lang sya at sumunod sa kanya papuntang lamesa

Tinawag na rin ni Andie ang iba. Nabitawan ko ang hawak kong kutsara ng makita ko kung sino yung taong kanina'y kausap lang ni Seren.

"A-autumn!!!" sabi nya at agad niya akong niyakap. Hindi ako makapaniwala..

May biglang umubo sa likod ko kaya napabitaw sya yakap.

"Ayiee.. may nagseselos.. ehem"bulong ni Andie pero sa talad ng tenga ko narinig ko pa talaga. Hindi ko na lang ulet pinansin XD

"Bakit ka narito? Papaano?"sunod-sunod na tanong ko sa kanya pero tinawanan nya lang ako.

"Mamaya ko na ikukwento. Tara magbreakfast muna"sabi nya. Umupo na kami at kumain, pakiramdam ko may black aura na nakapaligid sa katabi ko sa kanan at walang iba kundi si Franco . Hindi tuloy ako komportable.

Sa wakas ay natapos din kaming kumain. Nagrprensenta si Andie at Seren na maghugas ng plato kaya naman iniwan na namin sila sa kusina. Kaming natitira ay pumunta muna sa swimming pool at tumambay.

"So, Ji.. pano ka napunta dito?"tanong ko.

"Hindi ko rin nga alam kung paano ako napunta dito. Ang alam ko lang ay nagising ako at inutusang sundan yung nakakatakot na teddy bear tapos ayun nakita ko na lang yung kambal mo" kwento nya. So ibig sabihin katulad ko rin ng sinapit si Ji.

"Uhm.. Autumn,sensya sa abala pero tanong ko lang, kaanu-ano mo si Minxiu?" tanong ni Gerby. Ay oo nga pala,hindi ko pa nga pala naikukwento sa kanila si Minxiu.

"Naging friend ko sya nung nasa Japan ako" sagot ko.

"So childhood friend mo sya?" tanong naman ni Franco.. eh? Kanina lang bad mood tapos ngayon kung makapagtanong.. hay naku.. man is complicated talaga

"Maybe.."sabi ko. Bigla akong nagtataka.. bakit.. bakit hindi ko masyadong maalala ang nakaraan??

"Hindi ka sure ganun"natatawang sabi ni Gerby.

Naisip ko tuloy.. sana ganito na lang kami lagi. Wala na sanang maganap na kahit anong masama..

Naputol ang pag-uusap namin ng dumating sina Andie at Seren na tila di maipaliwanag ang mukha.

"Anong nangyare sa inyo?" tanong ni Gerby. Nagkatinginan yung dalawa bago sumeryoso ang mukha

"Guys! I think you should see this!" seryosong sagot ni Serenity.

************************
Okay guys.. sorry kung masyadong boring ang chapter na toh, namemental block kasi si author T_____T walang pumapasok sa munti kong utak XD ...

Guess the Killer [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon