"Hay.. Kelan kaya matatapos ang ito? Ilan na lang ba tayong natitira?"tanong ni Gerby at napabunrong-hininga.
"Wait guys, natatandaan nyo pa ba yung unang clue?" tanong ni Ji.
"Yung nasa dingding? Oo natatandaan pa namin" sagot naman ni Franco.
"Di ba sabi dun 11 children ang ikinulong sa isang box at kasama din dun ang killer,so it means 12" sabi pa nito.
" Anong ibig mong sabihin?"naguguluhan kong tanong.
"Ang ibig kong sabihin ay 12 tayong lahat dito tapos 2 na ang namatay,sa pagkaaalam ko"sabi nya
"3 na ang namatay sa grupo"pagtatama ni Franco
"Ibig mong sabihin ay 9 lahat tayong buhay kasama ang killer tapos 6 tayo dito na magkakasama. May 2 pang nawawala at ang isa ay ang killer mismo" sabi naman ni Andie.
"San naten makikita ang 2 pa?"tanong ni Seren at bigla kaming nakarinig ng mga bakal na tila itinataas. Agad namin itong hinanap at nakita namin na nawala na ang harang sa hagdan papuntang 3rd floor.
"Maybe this would answer our question" sabi ko.
"Yeah.. But guys! You forget something" sabi naman ni Andie at naalala namin yung kalat sa pool.
Nilinis muna namin ang crime scene at itinambak sa isang kwarto ang mga parte ng katawan ni Cleo. Pinalitan na rin namin ang tubig sa pool at kahit na malinis na ang tubig sa pool ay mukhang wala ng mangangahas na maligo pa dito.
Bumalik muna kami sa kanya-kanyang kwarto para maglinis ng katawan. Matapos iyon ay napagdesisyunan namin na kumain muna bago libutin ang bagong bukas na palapag.
Inayos na namin ang lahat ng kailangan namin since masyadong madilim dun ay nagdala kami ng kanya-kanyang flashlight.
"I think we should split into two groups para mapadali ang paglilibot naten" suggest ni Ji. Sabagay may point sya dun
"Seren magkagroup tayo"sabi ko kay Seren pero nginisian nya lang ako,nakaramdam tuloy ako ng kaba
"Sorry but kina Andie na ako"sabi nito sabay hawak sa braso ni Andie. Sabi na eh! May binabalak tong babaeng toh! Tsk..
"Then should i say your stuck with us" nakangising sabi ni Franco. Ohmen!!
"Don't worry Autumn! I am here to protect you" pang-aasure ni Ji. Hindi ko alam kung kikiligan ba ako oh anu,basta naramdaman ko na lang na tila namula ang mukha ko.
"Tsk..corny" narinig kong bulong ni Franco pero hindi ko na lang pinansin. Nagpaalam na kami sa isa't isa bago maghiwa-hiwalay.
Isa lang ang masasabi ko sa palapag na ito CREEPY.. Nakakatakot sya dahil mukhang isa itong abandoned classrooms.
"Mukhang matagal na ang mga ito" ani ni Ji habang tinitigan ang mga maalikabok na lamesa at silya.
Nilibot ko ang buong room na ito,mukhang pamilyar sakin ang lugar na ito.
"Guys! Look!"sabi ko. Nakakita kasi ako ng isang pamphlet,yung sinusulatan ng isang kinder. Lumapit silang dalawa at tinignan ito.
Inalis ko ang mga alikabok nito at binuklat ang laman. Puro drawing lang ang nakasulat. Binuklat ko ng binuklat yung pamphlet hanggang sa may kumuha ng pansin namin.
"J.S? Sino naman kaya yun?" sabi ni Ji. Tinignan ko ang last page nito at doon nakita namin ang ibig sabihin ng JS at isang pamilyar na symbol.
"Jimin Sy...Pamilyar sakin ang name na yun"sabi naman ni Franco
"Baka kaibigan mo?"sabi naman ni Ji pero hindi na sumagot si Franco
"Maghanap pa tayo" sabi ko at sumunod naman sila. Isinantabi ko muna yung tungkol sa symbol dahil mukhang ayaw gumana ng utak ko.
Naghanap na muli kami pero wala na kaming nakita. Lumabas na kami sa room na iyon at pumasok sa katabi nitong kwarto.
Puno naman ito ng mga drawing ng mga bata. Nakapost lahat ng mga drawing sa bawat dingding.
"Ang cute ng mga drawing oh!" Masayang komento ni Ji
"Tsk.. Di pagpupuri sa mga drawing ang pinunta naten dito"inis na sabi ni Franco.
"Walang masama kung purihin ko ito which is obviously true na cute talaga yung nakadrawing" sagot naman ni Ji.
"Both of you shut up okay! Nakakabingi kayo" sabi ko sa kanila. Nag-iwasan sila ng tingin at nagtingin-tingin na rin.
May tila nakakuha muli ng aking atensyon. Isang malaking larawan ng isang magkakaibigan na drawing ng mga bata. Nakapaskil ito sa gitna at may gold na ribbon.
Nilapitan ko ito at tinanggal sa dingding. Ipinatong ko ito sa isang table at tinignan ito. May iba't ibang pangalan ang nakalagay sa bawat ulo nito at mukhang di lang isa ang nagdrawing dahil napansin ko na iba-iba ang sulat kamay ng mga ito.
"Tignan nyo oh! Pangalan ko yun ah!" Sabi ni Ji at itinuro yung isang drawing. Sa taas ng ulo nito nakasulat ang pangalan nya
"At ayun ang pangalan ni Franco"dagdag pa nya at itinuro yung nasa dulong drawing. Lumapit na din si Franco para tignan yung drawing.
"Is that the name of the killer?" napatingin ako sa itinuro ni Franco at nakita ko yung drawing ng isang babae na may hawak na teddy bear. Nakasulat sa taas ng ulo nito ang salitang SKYLAR.
"Wow Autumn! Mahilig ka pala sa teddy bear" sabi ni Ji at napatingin ako sa drawing. Tama nga sya! May hawak akong teddy bear at katabi ko pa yung Skylar.
Nakita rin namin ang pangalan ng iba pero laking pagtataka ko kung bakit katabi ko yung killer at may hawak din akong teddy bear? Umalis na kami ng sa kwartong iyon dahil narinig namin ang sigaw ni Andie at hinahanap na kami. Dinali ko yung drawing na nakita namin. May kung ano kase na nagtutulak sakin na may kwento sa likod ng larawan na iyon.
*****************************
BINABASA MO ANG
Guess the Killer [Revising]
Mystery / ThrillerPlay my game and guess who's the killer