Halos masuka kami ng matagpuan namin si Andie na nakaupo malapit sa pool. Nangignginig ito at maputlang-maputla,sino ba naman ang hindi kung ang makikita mo ay ang kahindik-hindik na sinapit ng di namin kilalang tao. Inalalayan agadnung tatlong lalaki si Andie palayo sa pool at kahit na nasusuka kami ni Seren ay mas lalo pa kaming lumapit upang mag-imbestiga. Naglutang ang iba't ibang parte ng katawan ng tao sa pool kaya ang dating kulay nito ay napalitan ng kulay pula. Halos magtindigan ang mga balahibo ko ng malaman ko kung sino ang may-ari ng mga hiwa-hiwalay na parte ng katawan. Si Cleo,ang taong inakala namin ay wala na. Ang ulo lang nito ang hindi nakalutang sa pool sapagkat nakalagay lang ito sa lamesa katabi ng isang baso na may pulang likido na marahil ay dugo nito at isang plato na kung saan nakalagay ang tinadtad na lamang-loob na inuuod na. Nakita kong lumayo si Seren at tila napasuka ng makita nya iyon. Lumapit ako dito at napansin ko na napapaiyak na ito kaya naman hinagod ko na lang ang likod nya para mahimasmasan.
"What is this? a clue?"sabi ni Gerby at agad kaming lumapit dito.
THERE'S ALWAYS A WAY TO KEEP THE MOUSE MOUTH SHUT
"May ideya ba kayo sa sagot?" tanong ni Ji. Lumapit sa amin si Andie."But please guys,we should clean this mess first" sabi nya at tinuro yung nasa pool. Sumang-ayon naman kagmi at isinantabi muna ang pangatlong clue
CLEO POV [ BEFORE DYING/FLASHBACK ]
Mula nang magising ako sa isang kwarto kasama ang mga hindi ko kilalang tao na tila mahimbing na natutulog ay ang time din na bumalik lahat ang mga alaala ko. Isang diary ang nabasa ko at nakasulat lahat dun ang mga nangyare 10 years ago. Agad akong naghanap ng labasan upang ikuwento sa iba ang lahat ng natuklasan ko,kailangan nilang malaman ang tao sa likod ng lahat ng ito.
Nakalabas ako ng kwartong iyon.Nakita ko sila na nasa sala,lalapit na sana ako ng makita ko sya. Busy silang lahat at nakita ko yung nakasulat sa dingding. Kailangan kong kumilos para wala ng madamay at hindi matuloy ang plano nya.
'I will hunt you down,Skylar'
"Well well well.. You managed to get out huh" halos magtindigan ang balahibo ko ng marinig ko ang boses na yun. Hinarap ko sya at nakita ko si Skylar na nakangisi habang hawak-hawak ang paborito nyang teddy bear.
"S-skylar..."
"Long time no see,Cleo"Tatakas sana ako pero bago ko pa magawa iyon ay nanlalabo ang aking paningin at unti-unti ay nilalamon na ako ng dilim.
MASTERMIND POV [ STILL A FLASHBACK ]
"Demonbear,Deathbear.. Wanna play?" tanong ko sa kanila. Napangisi naman sila at agad lumapit sa akin.
" 'Tell the body part's name', yan ang pangalan ng laro naten." nakangising sabi ko at ipinaliwanag ang rules ng laro.
Ibinababa ko muna ang hawak ko bago lumapit sa nagigising na si Cleo."And the game will start now"sabi ko atsaka pinutol ang kanang paa nya at sumigaw ito sa sakit.
"Right foot!"masayang sagot ni Deathbear nung nagtanong ako. Napangisi ako atsaka ibingigay ang paa sa kanya at inihagis nya ito sa pool.
"M-maawa kayo sakin"pagmamakaawa nya pero hindi ko sya pinansin at ipinagpatuloy ang ginagawa namin.
Nasisiyahan ako sa paunti-unting pagputol sa iba't ibang parte ng katawan nya.
"P-please t-tama na" naghihingalong sabi nito at napatigil ako. Tinignan ko sya at lalo pa akong napangisi dito.
"Tama na? Sorry iniintay ka ni Kamatayan" sabi ko dito at sinaksak ito sa puso. Hinati ko ang kanyang tiyan at pinaglaruan ang mga lamang-loob nito.
"Kayo na ang bahala dito and the clue" sabi ko sa kanilang dalawa matapos kong gawin ang ginagawa ko. Umalis na ako para maligo at magpalit ng damit bago pa ako makita ng iba.
Malapit na.. makakamit ko na rin ang gusto ko...
BINABASA MO ANG
Guess the Killer [Revising]
Mystery / ThrillerPlay my game and guess who's the killer