"KYAAAAAAAHH!!!S-sino y-yan??"gimbal na gimbal na sabi ni Andie. Lahat kami ay napatingin sa kanya.
"San ka galing Andie?" tanong ni Cleo na mukhang pinaghihinalaan si Andie
"Kakagising ko lang ngayon. Asa kwarto kasi ako kanina at nagpapahinga"sagot nito
Agad namang nagkatinginan ang iba sa isa't isa na tila nagpapahiwatig na alam na nila kung sino ang killer.
Mali sila ng hula.. hindi ko hahayaang may inosenteng buhay ang mawawala para lang mapagtakpan ang kasalanan ng totoong killer..
Maya- maya ay may biglang pumasok sa loob at walang iba kundi yung teddy bear na nagsundo sakin kanina.
"Your time is up hihihi"sabi nito. Halos lahat kami ay nangilabot sa boses nya dahil ngayon lang namin narinig ang boses nya.
Sumunod kami sa kanya hanggang sa makarating kami sa isang pinto na kulay itim. Napakadilim ng paligid ng makapasok kami sa loob at mga torch lang ang nagbibigay liwanag dito.
Isa-isa kaming pumunta sa kung saan nakalagay yung mga larawan namin at umakyat sa kanya-kanya tila maliit na stage.
Kahit na madilim ay nakita ko ang larawan ni Aileen na may ekis. Siguro it indicates na sya yung victim at patay na ito.
"Kamusta kayo?hihi"sabi ng isang boses at hinanap namin kung saan ito nagmumula hanggang sa may lumabas na isang teddy bear din ngunit iba ito sa una sapagkat may kulay pula itong mata at matatalas na mga ngipin. May sungay ito na katulad nga sa isang demonyo at nakangisi pa ito na nagpatindig ng aking balahibo.
"Hi sa lahat hihi.. I want to introduce myself here. Im Demonbear and Im Deathbear's elder sister hihi"sabi nito.
"Ano bang nangyayare dito?"tanong ni Andie na walang kaide-ideya sa mga nangyayare.
"Andito kayo upang magpulong at sabihin sakin ang sahot sa tanong na Who kill who,at ngayon ang unang who ay walang iba kundi si Aileen Salsalid. Umpisahan na ang paghuhukom hihihi"sabi nito at nagsimulang magsalita si Franco
"Labas ako sa listahan ng pwedeng maging killer dahil kasama ko si Gerby na naglalaro sa sala"sabi nya.
"Ako, nagpahinga lang ako saglit at nakatulog at kanina ko lang din nalaman na may namatay pala" malungkot na sabi ni Andie
"Ako ang unang nakakita sa biktima. Asa sala ako nun hanggang sa makasalubong ko si Cleo"sabi naman ni Spica
"Ako,asa banyo at kakatapos ko lang maligo nun ng makasalubong ko si Spica" sabi naman ni Cleo
"Magkasama kami ng kapatid ko sa kwarto ng mga oras na yun" sabi naman ni Seren
"Sinong huling kasama ng biktima?" tanong naman ni Gerby
"Ako ang huling kasama nya. Bago kasi ako magpahinga ay kumatok sya sa pintuan ko at nakipagkwentuhan sakin pero nag-away kami dahil aksidente nyang napunit ang larawan ng yumao kong ina kaya naman nasigawan ko sya sa galit at tumakbo sya palabas ng kwarto ko" kwento ni Andie
"Alam na natin kung sino ang killer"matapang na sabi ni Franco. Lahat ay napatingin sa kanya maging si Demonbear
"Sino?"tanong nila
"Walang iba kundi si Berdandie"walang alinlangan nyang sabi sabay turo kay Andie. Walang nagulat sa kanila sapagkat sya din ang pinagsususpetsahan ng iba
"H-hindi a-ako ang p-pumatay sa kanya" umiiyak na sabi ni Andie.
"Mukhang may suspect na kayo na napupusuan hihi"sabi ni Demonbear. Hindi ko na kaya toh. They need to know the real killer.
"Hindi sya ang killer"sabi ko at lahat ay napatingin sakin.
"Pano mo naman nasabi? Lahat ng anggulo ay nagtuturo kay Andie"inis na sabi ni Spica
Huminga ako ng malalim bago magsalita.
"Hayaan nyong ikwento ko, pumunta si Aileen sa kwarto ni Andie at nakipagkwentuhan dito hanggang sa nagalit si Andie dahil aksidenteng napunit ni Aileen ang picture ng yumaong ina ni Andie kaya naman lumabas ng kwarto ang biktima. Siguro nakita ito ng killer at pinukpok ito sa ulo dahil base sa nakita ko sa bangkay ay may sugat ito sa ulo na tanda na pinokpok nga ito. Dinala ng killer ang biktima sa gym at doon sinimulan ang pagpatay at pagkatapos nitong gawin ang krimen ay nilinis nya ang pwedeng maging ebidensya ngunit habang itinatago nya siguro ang murder weapon at dun din mismo sya nagpalit ng suot nya maging ang sapatos nya at yun ang pagkakamali nya" sabi ko at mukhang naiimagine nila ang sinabi ko.
"kaya mo ba tinanong ang size ng mga paa namin?"tanong ni Seren at tumango ako.
"Dahil sa dugo mula sa biktima na tumulo sa sahig at napunta sa sapatos ng killer kaya naman kasama din ito sa pinalitan ng killer. Ngunit sabi ko nga kanina yun ang pagkakamali ng killer dahil may naiwang footprints sa sahig dahil napakintab nito. At lahat halos ay size 6-7 ang size ng paa maliban sa iyo Cleo" sabi ko at nagulat sila. Tumingin silang lahat sa kanya at napangiti naman itong si Cleo.
"Yun lang ba? Hindi nyo man lang itatanong ang size ng paa ni Andie? Hahaha.. wala ka ngang ebidensya na ako ang pumatay sa nerd na yun kaya wala kang karapa~" pinutol ko ang pagsasalita nya
"Ebidensya ba kamo?" sabi ko sabay pakita sa kanya ang isang piraso ng beads
"P-pa..paano?"gulat na sabi nya
"Paano? Hmm~ sabihin na lang natin na nakita ko ito sa mismong bangkay. At alam kong ikaw lang meron at may suot nito"sabi ko. Napatakip na lang sya ng mukha na tila umiiyak
"B-bakit... Cleo?"malungkot na tanong ni Spica
Nagulat kami ng bigla na lang syang tumawa.
"Bakit? Nagpapatawa ka ba,Spica? Gusto kong lumabas sa lugar na toh! Gusto kong makasama ang pamilya ko sa labas"sigaw nya at umiyak.
"Mukhang umamin na ang killer sa kanyang kasalanan hihi.. So now,magaganap na ang final judgement."sabi nito.
"I, Demonbear judge Cleo Suarez as GUILTY!!" dagdag pa nito at pinindot yung isang kulay pulang botton at nahulog bigla si Cleo sa isang butas.
"TULOOOOONG!!!" yun ang huling sigaw nya na narinig namin. Nag-iyakan ang ibang babae sa sinapit ni Cleo
"And now the meeting is done for now hihi. You can go back to your rooms. Goodnight hihihi" sabi ni Demonbear at may pinindot syang yellow botton. Lahat kami ay nahulog sa isang butas at bago ko pa nalaman na kung nasaan ako ay nilamon na ako ng dilim.
BINABASA MO ANG
Guess the Killer [Revising]
Misteri / ThrillerPlay my game and guess who's the killer