CHAPTER 18

77 11 0
                                    

"Mukhang kailangan nang magbago ng plano" ani ni DB

"Hayaan muna mukha namang magsasaya ako sa panunuod" sagot ko. Napangisi ako habang pinapanuod yung dalawa na itinatali yung apat. Mukhang mapapadali ang kamatayan nila hahahaha.....

*****************************

Nagising ako na nakatali ang mga kamay at paa sa isang upuan at malapit kami sa pool na sa sobrang lapit ay maaari kaming mahulog. Tinignan ko ang iba at mukhang mga tulog pa sila. Tinawag ko sila at nagising,halata sa mga mukha nila ang gulat at kaba na maging ako ay nakakaramdam din.

"bakit tayo nakatali?" tanong ni Seren habang sinusubukang matanggal yung tali.

"ewan sa pagkakatanda ko ay nagpapahinga lang tayo sa salas habang umiinom ng juice" sagot ni Ji

Inilibot ko ang aking paningin napansing nawawala sina~

"Nasaan sina ----" naputol ang sasabihin ni Franco ng lumabas yung dalawa na nakangisi ng nakakatakot.

"Looking for me?" sabi ni Andie habang dinidilaan yung kutsilyo na may dugo.

"A-andie? PAKAWALAN MO NGA KAMI!!" galit na sigaw ko. Tinignan nya ako at nginitian ng nakakaluko.

"And why would i do that?" sabi nito. Lumapit ito sa akin at sinabunutan ako.

"BITAWAN MO SYA!!!" galit na sabi naman ni Ji at Franco habang pilit na kinakalag yung nakatali sa kanila.

"Oh my! I forgot! You have two knights hahahaha" masayang sabi nito

"Anong ginawa mo kay Gerby?" mahinang tanong ni Seren. Inulit nya muli ito at sa pasigaw at may halong galit na tono naman.

"Oh? Si Gerby? Yung manlulukong yun?? Hahaha.. Nasa kabilang buhay na yun. Akala nya ata makakatakas sya sa pang-gagago nya sakin"

FLASHBACK

"Argh! Bakit ba kasi ang bigat ng isang ito!" reklamo ko habang hinihila ang natutulog na si Seren.

"Ako na nga dyan" sabi ni Gerby at binuhat ang katawan nito sa paraan ng pagkakabuhat nya kay Seren ay tila nakaramdam ako ng konting selos.

"Kailangan talaga naka-bridal style pa ang pagbubuhat" mataray kong sabi dito. Tinignan nya lang ako at iniupo yung katawan na buhat-buhat nya at tinalian. Matapos nyang gawin yun ay humarap sya sakin.

"Pati ba naman pagbubuhat ko binibigyan mo pa ng kahulugan" sabi nito at umalis sa harap ko.

Since birth ay nakaplano na ang kasal namin at nagpapasalamat ako dun kasi lahat ng gusto ko ay nasa kanya na. Close kami simula pa nung una at hindi sya tutol sa kasalan,napaka-sweet nya sakin pero natapos ang fairy tale na nararanas ko. Naging cold na ang pakikitungo nya simula nung napunta kami dito sa bahay na ito at nung nakilala nya si Serenity. Nasa kanya na siguro lahat ng katangian na hinahangad ng isang lalaki, simple,maganda,mayaman at matalino.

"Ano pang tinutunga-tunganga mo dyan? Magsimula na tayo" sabi ni Gerby na syang nagbalik sa akin sa realidad.

Kinuha ko yung kutsilyo na kinuha ko sa kusina. Tinignan ko yung mga natutulog hanggang sa mapadako ang tingin ko sa taong sa gustong-gusto kong patayin, si Seren. Hindi ko lang pinapahalata kasi baka mabuking kami.

"Or maybe we should wait for them to wake up?" sabi ni Gerby at umupo sa isang upuan. Lumapit ako dito at umupo sa lap nya. Hinaplos ko ang mukha nya at hahalikan ko sana sya ngunit umiwas sya.

"Ano bang problema mo!!" inis kong tanong sa kanya. Pero hindi nya ako pinansin bagkus ay pinaalis nya ako sa lap nya at tumayo.

"SI SEREN NA BA ANG MAHAL MO!! AMININ MO!! KAYA GUSTO MONG MAMAYA PA NATEN PATAYIN SILA DAHIL AKO ANG PAPATAYIN MO HA GERBY!!" sigaw ko dito.

"What!!? Nababaliw ka na ba? Tumigil ka na nga dyan!" Sagot nya at pupunta sana sa pool ng saksakin ko sya sa likod.

"Ugh... B-bakit?" sabi nya at humarap sa akin. Napangiti na lang ako maramdaman ko yung dugo nya sa aking kamay. Mas lalo ko pang diniinan ang pagkakasaksak ko dito.

"Kung hindi ka mapapasakin pwes.. papatayin na lang kita para hindi ka na nya mapakinabangan" sabi ko. Ramdam ko ang paglaban nya pero mukhang naka-jackpot ako dahil malapit sa puso ang kutsilyo na nakatusok sa kanya.

"Paalam,mahal ko " sabi ko ng maramdaman ko na hindi na sya lumalaban at bumagsak na sya.

*****end of flashback*****

"So ayun nga ang kwento,so ironic diba? Hahaha" nababaliw na sabi ni Andie

"NAPAKASAMA MO!! HAYOP KA!!" galit na sabi ni Seren. Sinampal naman ito ni Andie sabay halakhak ng mala-demonyo

"Thank you, bitch" sabi nito saka inilapit yung kutsilyo sa mukha ni Seren.

"Wag mo syang sasaktan!!" Pagmamakaawa ko.

"Oh... Your such a good friend to me, you know but.... I am your opposite" she said while grinning..

"Let me tell you a little secret that I discovered" sabi nya. Binitawan nya si Seren at umupo sa harap naming lahat.

Itinuro nya kami isa-isa at napangiti.

"Did you know that we were all friends since we were child?" Lahat kami ay nagtataka sa sinabi nya

"You didn't know? Oh maybe hindi pa bumabalik ang mga alaala nyo but since naaalala ko na. Let me tell you this, WE ARE ALL KILLERS" nakangisi nitong sabi. Halos napatigil ang mundo ko ng marinig ko iyon. Killer?? Kami??

"Your lying!!" sigaw ni Ji. Oo tama... Pero...

"I'm not" sagot ni Andie. Napatahimik kami....

"And there's more.... Skylar is our..." Hindi natapos ni Andie ang kanyang sinasabi ng biglang namatay lahat ng ilaw kasabay nun ay ang paglabas ng usok na syang huli kong naalala bago ako muling kainin ng dilim.

******************************

The end is near... Sa wakas makakatapos ako ng isang story dito sa watty :)

Please support my story until the end.. Labyah ;)

Advance Happy New Year!!!


Guess the Killer [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon