CHAPTER 20: The Finale

109 11 0
                                    

Napatingin ako kay Seren ng sabihin nya iyon. Tinignan ko rin ang reaksyon ng iba at lahat sila ay mukhang seryoso.

"Tayo! Walang kasalanan si Ray dito! Ang tunay na kasama natin ng gabing iyon ay si ---"

"TUMIGIL KA SEREN!!!" lahat kami ay nagulat ng biglang bumagsak ang katawan ni Andie. May kutsilyong nakatusok sa dibdib nito at mukhang sobrang malalim ang pagkakabaon.

"SI RAY ANG MASTERMIND NG LAHAT! KAYA TUMIGIL KA!" galit na dagdag pa nito.

"Nababaliw ka na,Ate! Tigilan mo na ito! Maraming ng namatay ng dahil sayo"sabi naman ni Seren.

"Nasaan ang mga kapatid ko?" biglang sabat ni Ji kaya napatingin dito si Larra

"Huh? Si Ally at Jimin ba?? Andito lang sila,matagal mo na nga silang nakakasalamuha eh" nakangiting sagot ni Larra

"What do you mean?"nalilitong sabi ni Ji

"DB siblings open inner core system" sabi ni Larra at namatay ang ilaw sa mata nung dalawang bear na katabi nito.

Napaiyak bigla si Ji ng makitang wala ng ulo ang dalawa nyang kapatid at ang mga laman nito ay nakadikit sa katawang robot nina Deathbear at Demonbear.

Napasuka ako sa nasaksihan ko. Mas kalunos-lunos pala ang sinapit nung dalawa sa lahat ng namatay na kasama namin.

"BALIW KA NA LARRA!! HAYOP KA PAPATAYIN KITA!!" galit na galit na sabi ni Ji ngunit gustuhin nya mang lumapit ay hindi nya magawa dahil nakalock kami.

Kusang nagsara ang katawan ng dalawang robot.

"Wag kang mag-alala susunod ka naman sa kanila but not until I kill the mastermind" sabi ni Larra sabay tingin sa akin. Takot ang namutawi sa akin ,sa bawat ngiti at sulyap nya sa akin ay tila kumikitil na sa buhay.

"No... No... Im not the m-mastermind.." nangangatal kong sabi habang papalapit sa akin si Larra.

" Larra!!"

"Ate Larra!!"

Napapikit na lang ako ng malapit na sya sa akin at iniintay ko na lang ang pagtama sa akin ng kutsilyo na hawak-hawak nya pero..

"FRANCO!!" Napamulat ako ng makita kong nakahiga at naliligo na sa sariling dugo si Franco

Ang masungit at hindi masyadong namamansin, ang minsang kaaway ko ngayon ay iniligtas ako kapalit ng buhay nya.....

"Franco.... Bakit?" Naiiyak na sabi ni Larra. Nilapitan nya ang katawan ni Franco na naghihingalo. Niyakap nya ito at may kung ano na ibinulong dito si Franco at nagulat na lang ako ng bunutin nya iyong nakasaksak sa dibdib nya na kutsilyo at siyang isinaksak sa dibdib ni Larra

"Ate Larra!!" Sigaw ni Seren. Biglang nagbukas yung maliit na entablado at agad tumakbo si Seren sa katawan ng kapatid nito. Agad namang lumapit si Ji sa dalawang robot na kapatid niya na nakahiga sa sahig.

Ako, tulala lang ako na nakatitig sa naghihingalong si Franco. Nanlalambot ang mga tuhod ko habang papalapit dito.

"B-bakit... H-hindi mo na lang ako hinayaang mamatay..." naiiyak kong sabi dito ng makalapit ako sa kanya. Nginitian nya ako at inabot ang aking mukha, kahit nahihirapan sya ay sinagot nya pa rin ako

"D-dahil... M-mahal k-kita,Ray" sabi nito at lalo pa akong napaiyak ng napansin kong nawalan na ito ng buhay.

Hindi ko na kaya.. Ako ang may kasalanan ng lahat ng ito. Ako ang may kasalanan kong bakit sila namatay kung hindi sana ako naging gahaman katulad ng sinabi ni Larra ay hindi mangyayari ito.

" J-jay...." Sabi ni Seren at napatingin ako sa nakangiting lalaki na kapapasok lang sa kwarto

"Hi,everyone!" Sabi nito at biglang nabuhay yung dalawang robot at natulala na lang ako ng hatiin nilang dalawa ang kuya nila. Narinig kong napasigaw si Seren at sya naman ang pinuntahan nung dalawa at walang anu-ano ay pinugot nila ang ulo nito.

"Kamusta ka na mahal kong kakambal?" sabi ni Jay at lumapit sa akin. Gusto ko mang tumakbo at tumakas ay hindi ko magawa sapagkat tila nabato ako sa kinatatayuan ko.

"Maganda ka na nga nung mga bata pa tayo at mas lalo ka pang gumanda ngayon" sabi nito at hinaplos ang aking mukha.

Nararamdaman ko na naman ang takot na kanina ay akala ko ay wala na.

"Mabuti naman at namatay na lahat sila" sabi pa nito.

"B-bakit?" Yun lang ang tanging salita na nasabi ko.

"Bakit? Hmm~ sabihin na lang naten na lahat sila ay pinalitan ko ng mga memorya. Lahat ng sinabi ni Skylar ay pawang-gawa ko lamang dahil AKO, Allison Jay Miracle ang tunay na mastermind at pumatay sa mga magulang naten." Natatawang sabi nito sa akin. Isa lang ang nasa isip ko ngayon, nababaliw na sya.

"Bakit mo ginawa iyon,Jay? Paano mo nagawang patayin ang mga magulang at mga kaibigan naten?" naiiyak na sabi ko.

"Bakit? Dahil ayaw nila akong sumaya! Paano? Madali lang dahil iyon naman talaga ang nararapat sa mga hadlang na katulad nila! Mga wala silang kwenta!! Ayaw nilang pagbigyan ang hiling ko na ikasal sayo, Ray!! Gusto ko IKAW LANG ang babae para sa akin at wala ng iba pero anong ginawa nila? Inarranged marriage nila ako kay Skylar( Sky Larra) na hindi ko naman gusto!!" Galit na sabi nito.

"Baliw ka na!!" Sigaw ko dito at hinawakan nya ng mahigpit ang panga ko.

"OO BALIW NA AKO!! BALIW NA BALIW SAYO!! bakit ayaw mo bang pakasalan ang mahal mong kambal hah, Ray?" malungkot na sagot nito. Kahit na nasasaktan ako sa pagkakahawak nya sa panga ko ay nag-isip ako ng paraan para makatakas sa baliw na kakambal kong ito. Napansin ko iyong kutsilyo na inalis ni Seren sa katawan ng Ate Larra nya kanina. Pinilit kong abutin ito at nagtagumpay naman ako.

"Ayaw ko sayo!! Isang kang murderer!!" Sigaw ko dito at isinaksak yung kutsilyo. Nagulat sya sa ginawa ko at binitawan nya ako. Agad akong lumayo sa kanya pero hinawakan ako ng dalawang robot kaya wala rin.

"B-bakit? Hindi mo ba ako mahal aking kakambal?" malungkot na tanong nya at nginitian nya ako na tila malademonyo. Halos nagtindigan ang lahat ng balahibo ko sa katawan.

"Mamamatay na lang din naman ako edi magsama na lang tayo hanggang sa kabilang buhay." Sabi nya at sinaksak nya ako sa dibdib.

Bago ako tuluyang mawalanng malay ay nakitang sinaksak nya ang kanyang sarili...

**********************

"Ray!! Ray!! Gumising ka na dyan!" Napabangon ako sa sigaw ng aking Ate Skylie.

"Late ka na sa school mo!" Dagdag pa nito. Agad akong naghilamos ng mukha at dali-daling naligo at nagbihis. Matapos yun ay bumaba na ako.

Muling bumalik sa aking alaala yung panaginip ko kanina.

It feel so real yet so weird...

**************************

Atlast! Natapos din! Sorry for late UD. Thank you po sa lahat ng nagbasa,nagbabasa at magbabasa pa ng story na ito. Sa lahat ng readers ko at sa mga nagvote. I really appreciate it kahit alam kong masyadong may pagkaboring factor ang story na ito, you still vote for it.

Kamsahamnida & Saranghae :)

Guess the Killer [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon