This chapter is dedicated to @r0denshyk124. Thanks sa comment mo ginanahan tuloy akong mag-update agad
*******************************As usual,nagising na naman ako sa same alarm. Ginawa ko yung morning routine at lumabas sa kwarto. Nagtataka lang ako kasi wala akong makita kahit isa na kasamahan ko maging si Serenity ay hindi ko rin makita.
Kinatok ko ang bawat kwarto ngunit bigo pa rin ako. Pumunta na lang ako sa kusina upang mag-almusal. Kukuha sana ako ng ham sa ref ng napansin ko yung nakadikit dito na note.
'Nagbukas na ang 2nd floor'
yun ang sabi sa note. Kaya pala hindi ko sila makita,iniwan pala akoat nagpunta na agad ng 2nd floor.
Tinapos ko agad ang kinakain ko at agad dumiretso sa 2nd floor.Napansin kong wala na yung harang na dati'y nakalagay doon.
"AUTUMN!!!!!" tawag sakin ni Andie at agad tumakbo papalapit.
"Kaya pala hindi ko kayo makita. Andito lang pala kayo"sabi ko na may tonong pagtatampo.
"Ayiiee.. Namiss mo agad kami"sabi naman ni Seren na bagong dating lang. Nagpout lang ako at tinawanan lang nila ako.
"Tara! Ang ganda dito,promise" sabi ni Andie at kinaladkad ako papasok. Napatigil ako,totoo nga ang sinabi ni Andie. Ang ganda nga! May chandelier na mukhang gawa sa ginto at meron ding mga mamahaling paintings na nakasabit sa mga dingding.
Ang mga bukas naman dito ay
✔theater room
✔studio
✔swimming poolAyos na sana pero parang may nakamasid,hindi ko alam kung ako lang ang nakapansin or talagang napaparanoid lang ako.
"Au!! Tara swimming tayo!!"tawag sakin ni Seren na nakatayo malapit sa swimming pool.
"Mamaya na lang" sagot ko at nagnod na lang sya. Nilibot ko ang buong 2nd floor,may mga pinto ding hindi mabuksan. Bumalik ako sa 1st floor para kumuha muna ng tubig ng mapansin ko na may bukas na isang pinto.Sa sobrang kakoryusidad ko ay pumasok ako sa loob. Napakadilim ng paligid at wala ako masyadong makita. Bumalik muna ako sa kusina at naghanap ng flashlight. Nang nagkita ako ay pumunta muli ako doon at pinasok muli ito.
Wala masyadong makikita dito puro mga sapot lang ng mga gagamba tapos mga sirang gamit.Naghanap ako ng makakapukaw ng aking atensyon pero nagulat ako ng may biglang nagtaklob ng aking bibig.
"Sino ka?" bulong nito saking tenga. Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa dahil nga tinakloban nya ang bibig ko
"Aalisin ko ang kamay ko pero wag kang sisigaw"sabi pa nya at nagnod lang ako. Dahan-dahan nyang inalis ang kamay nya at humarap ako sa kanya.
Inilawan ko ang mukha nya at nagulat ako ng makita ko si Franco.
"Argh! Yung ilaw please pakitanggal" inis na sabi nya
"I-ikaw lang pala yan" sabi ko at bumuntong-hininga.
"Tsk.. bakit ka napunta dito?" tanong nya. Tsk,sa una napaka-flirt pero ngayon ang sungit-sungit.. hmpf
"Curiosity kills,syempre bukas yung pinto duh" sabi ko at tinaasan lang nya ako ng kilay. Kung hindi lang ako mabait kanina ko pa itong tinawag na bading.
Lumakad ito at sinundan ko naman sya hanggang sa napunta kami sa isang mini library. May inibo syang book dun sa isang shelf at biglang may nagbukas na lagusan.
"WOW" yun na lang ang nasabi ko. Pumasok kami sa loob pero puro mga libro lang din ang nasa loob nito.
Nilibot ko ito at nagtingin-tingin sa mga shelf. May napansin akong isang diary pero laking gulat ko ng may larawan dito na nakasinggit. Isang batang babae na may hawak na dalawang teddy bear. Babasahin ko sana yung diary ng may biglang pumasok
"This area is not open for the two of you hihihi"sabi ni Deathbear at naipatak ko yung diary sa gulat.
"Please get out of here now" dagdag pa nito at wala kaming nagawa kundi ang sumunod.
Nasa labas na kami ng kwartong yun na napansin kong inilock yun ni Deathvbear gamit ang isang silver crest necklace.
Kinaladkad naman ako ni Franco hanggang sa nakita namin sina Andie at ang iba pa. Napansin ko na tila nakangisi sila kaya naman tinaasan ko sila ng kilay
"Ayiie.. kelan pa kayo natutong magholding hands?"panunukso ni Andie.
Napatingin naman ako sa kamay ko. Ngayon ko lang napansin na hawak pala ni Franco ang kamay ko. Agad ko namang kinuha yung kamay ko. Pareho kaming namula ni Franco ay nag-iwas ng tingin
"Kyaaah!! Kinikilig si sistah!!" sabi naman ni Seren
"Ehem pare,dumadamoves ka na kay Autumn ha"sabi naman ni Gerby.
Sa sobrang hiya ay nagwalk out na lang ako. Argh!! Ang tanga ko kasi!! Bakit hindi ko napansin yun!
SOMEONE'S POV
I can't wait.. Nangangati na ang mga kamay ko,gusto ko ng pumatay..
"Oi,pwede mo ba akong samahan sa 2nd floor may naiwan kasi ako" sabi niya.
Kapag sinuswerte ka nga naman hahaha...
"Sige wala naman akong gagawin" sagot ko at sinamahan sya paakyat.
Nasa swimming pool na kami at nagpaalam sya na intayin ko na lang daw sya sa bench at umoo na lang ako. Nang makaalis sya ay sinundan ko sya at kinuha yung isang bote ng beer na naiwan namin habang nagsasaya kanina.
Pumasok sya sa loob ng isang kwarto. Nagtataka ako kasi kanina ay nakalock yun pero hindi ko na lang pinansin coz all i need is to kill.
Tumigil sya sa isang cabinet at inihanda ko yung bote at agad na inihampas ito sa ulo nya pero laking gulat ko ng may humawak ng kamay ko at pumigil dito.
"Surprise hihihi" sabi ng may hawak sa kamay ko at nakita ko si Demonbear.
"i-ikaw a-ang m-mastermind??" tanong ko at humarap sya sakin
"Yup & it's your lucky day coz i am your killer" sabi nya. Halos maubos ang dugo ko sa kaba at naramdaman ko na lang na may sumakit sa bandang dibdib ko. Bago ako lamunin ng dilim ay nakita ko na hawak-hawak nya ang puso ko na tumtibok pa.
"Seeyah in hell hihihi" yun ang huli kong narinig at tuluyan na akong nilamon ng dilim....
BINABASA MO ANG
Guess the Killer [Revising]
Mystery / ThrillerPlay my game and guess who's the killer