Kinausap namin ang iba at sinabi ang bago naming natuklasan. Nagulat kami ng may biglang tumunog ang isang nakakatakot na alarm. Matapos ito ay biglang nagpakita si Deathbear.
"Time to sleep, yan ang ibig sabihin ng tunog na iyon" sabi nya at pinapunta na kami sa aming mga kwarto. Naligo muna ako bago humiga sa kama. Kailangan ko ng lakas para bukas. Pinatay ko na ang ilaw at ipinikit na aking mga mata.
******Nagising ako sa sunod-sunod na katok. Agad akong bumangon at pinagbuksan yung kumakatok. Nagulat ako ng sumalubong sa akin ang seryosong mukha ni Andie. Ngayon ko lang nakita ang ganitong side nya kaya naman ay dali-dali akong naghilamos at inaayos ang aking sarili.
Agad akong pumunta kung saan nagtipon ang iba. Wala man lang kahit isa sa kanila ang umiibo ng pagkain sa mesa. Lahat sila ay tila may malalim na iniisip at wala akong ideya kung ano yun.
"Ang lalim ata ng iniisip nyo ah" sabi ko sa kanila at lahat ay tinignan ako ng masama. Tinignan ko si Serenity upang tanungin kung bakit ganun sila makatingin. Kinabahan ako ng masama din ang tingin nya sakin. Natatakot ako sa mga tingin nila na tila nagsasabi na may malaki akong kasalanan na nagawa sa kanila.
"Guys.. bakit ganyan kayo makatingin? Natatakot ako" sabi ko. Tinignan ko si Ji at Franco pero hindi sila makatingin sakin.
"Bakit mo nagawa ito sa amin?" galit na sabi ni Gerby at nanginginig ako sa takot dahil sa nakakatakot na tono nito.
"A-anong i-ibig mong s-sabihin?"sabi ko. Tinignan ko sila ng may halong pagtataka. Agad lumapit sa akin si Serenity at sinamapal ako. Gulat na gulat ako sa ginawa nya at napahawak sa pisngi kong saan dumampi ang kamay nya.
"IKAW!! IKAW ANG MASTERMIND!WALANGYA KA!! IKAW ANG PAPATAY SA AMIN!!"galit na galit nyang sabi. Halos gumuho ang mundo ko ng marinig ko ang mga katagang yun. Paulit-ulit na nagplay sa utak ko ang sinabi nya.
Ikaw ang papatay sa amin
Ikaw ang papatay sa amin
IKAW ANG MASTERMIND!!"HINDI!!" napabangon ako. Pawis na pawis at hinahabol ang hininga. Isa lang pa lang bangungot ang lahat.... Akala ko totoo....
Nagulat ako sa sunod-sunod na katok sa pinto. Agad akong bumangon at pinagbuksan ito. Sumalubong sa akin ang seryosong mukha ni Serenity.
"May second clue na si Demonbear. Pumunta ka na lang sa sala" sabi nya at umalis. Dali-dali kong inayos ang aking sarili at pumunta na sa sala.
Habang papunta ako ay nakita ko ang isa na namang palaisipan ngunit nakasulat na ito sa isang malaking tv screen.
261926112625261226012618=DEMON
yun ang nakalagay. Nang makarating ako kung nasaan sila ay nakita ko ang maraming kalat na mga papel. Lahat sila ay busy sa pagsosolve ng nasa screen,wala ni isa ang umiibo pa ng kanilang mga pagkain.
Gising na ang lahat,ako na lang pala ang kulang hay naku..
"Guys! May kukunin lang ako sa 2nd floor"pagpapaalam ni Andie. Nagnod na lang kami bilang tugon at umalis na sya.
"Any idea?"tanong ni Gerby sakin. Tinignan ko yung papel kung saan nakasulat yung clue. Tinignan ko ito ng mabuti at may napansin ako"Inuulit lang ang 26 dyan" sabi naman ni Ji
"Maybe imaminus yung 26 sa ibang numbers" suwestiyon naman ni Franco.
"Maybe or maybe not" sabi ko at lahat ay napatingin sa akin
"Anong ibig mong sabihin?" Sabi ni Seren
"Maybe ang 26 ay bilang ng letters sa english alphabet tapos yung ibang number maybe yun yung komocorrespond sa mga letters." Sabi ko at isinolve ito. Ikinoross out ko lahat ng 26 at ang natitira ay 19 11 25 12 01 18..
19-S
11-K
25-Y
12-L
01-A
18-R"SKYLAR...sino yun?" tanong ni Gerby
"Wait di ba may kasunod pa yun?= DEMON.. Baka.." -Franco
"It was the mastermind's name"sabi ni Ji. Lahat kami ay napatakbo ng marinig namin ang sigaw ni Andie kaya dali-dali namin syang pinuntahan.
*****************************
Another boring chapter charXD hahahaXD peace yah!!;)
BINABASA MO ANG
Guess the Killer [Revising]
Mystery / ThrillerPlay my game and guess who's the killer