GAME 11

92 13 1
                                    

Lahat kami ay napatayo at agad sumunod sa dalawa hanggang sa makarating kami sa first floor.

"A-ano yan?"sabi ni Ji. Sabagay bago pa lang sya dito kaya hindi pa nya alam ang nangyayare.

Lahat kami ay napaisip sa nakasulat sa dingding.

"Mukhang nakita nyo na ang clue na ginawa ko hihihihi" sabi ni Demonbear at lahat kami ay napatingin dito. Magtatanong pa sana kami pero bigla na lang syang nawala.

"Guys! I think we need to solve this. Baka it was a clue kung sino ba talaga ang nasa likod ng lahat ng ito"sabi ko at lahat sila ay sumang-ayon sa sinabi ko.

My life was perfect
Not until that eleven children appear.

They tortured and took them away
As exchange, I took away their cherished treasure

I sealed them in a box along with me and offer freedom
Despair will eventually swallow them

Until death knocks them
Then I have my revenge

Hindi ko namalayan na nadala na pala ako sa tulang nakasulat. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko na tila may part sa sarili ko na nagdadalumhati.

"Au... Ayos ka lang" nag-aalalang tanong ni Seren.

"Ah eh.. Oo.. Na-carried away lang" sagot ko at nagpaalam muna ako na pupunta lang ako saglit sa cr.

Agad akong pumasok sa loob at inilock ang pinto. Ang mga luhang kanina pang pumapatak ay tila di ko na napigilan.

"Bakit *sob* ka ba *sob* umiiyak?" tanong ko sa sarili ko habang nakayuko sa salamin

Mula sa salamin ay nakita ko ang aking repleksyon ngunit tila nagbabago ito at unti-unting napapalitan. Imbes na repleksyon ko ang nakikita ko sa salamin ay mukha ng isang babaeng kamukha ko pero may kulay asul at napakalamig na mga mata lang ito. Bigla itong ngumisi sa akin at tila nagtindigan ang mga balahibo ko sa katawan.

"Au??? Ayos ka lang ba dyan? Au, buksan mo ang pinto!!" narinig kong sabi ni Seren kaya naman napalingon ako sa may pinto.

"A-ayos lang ako Seren" sagot ko baka lalo pa syang mag-alala sakin. Muli kong ibinalik ang aking tingin sa salamin kung saan nakita ko yung babae ngunit wala na ito. Siguro namamalikmata lang ako.

Naghilamos muna ako ng mukha bago lumabas ng cr at sinalubong ang nag-aalalang kakambal ko.

"Bakit ang tagal mo sa cr?" tanong nya pero nginitian ko lang sya bilang tugon

"Oi kayong kambal! Tumulong muna kayo dito" sabi ni Franco

"Sunget!"sagot namin pareho kaya naman napatingin kami sa isa't isa at napatawa.

Pumunta na kami kung nasaan sila at tumulong sa pagsosolve.

SOMEONE POV

Mula ng magising ako sa isang kwarto ay agad akong lumabas ngunit nagtago ako ng makita ko ang teddy bear na yun.Naalala ko tuloy ang isang taong naging malapit sakin nung bata na paboritong-paborito yun at ang napakasayang araw na yun. Ang araw kung kelan pinatay namin ang napakabait na mag-asawang may-ari ng tinutuluyan kong ampunan. Hay naku, sariwa pa sakin ang mga iyak at pag-mamakaawa nila. Hindi ko alam na magulang nya pala yun hahaha...

"Guys! I think we need to solve this. Baka it was a clue kung sino ba talaga ang nasa likod ng lahat ng ito" napatingin ako sa babaeng nagsabi nun. Abalang-abala sila sa pagbabasa kaya lumapit ako ng konti mula sa kanila at tinignan din kung ano yung nakasulat ng hindi nila namamalayan. Napangiti na lang ako sa nabasa ko.

Revenge huh... Tss, I will find you. You can't hide until your bullshit game was done. It was a big mistake to bring me here along with others.. Now that I remember everything....

I will hunt you down,Skylar

****************************

Undas na guys sana wag nating kalimutan na ipagpray ang mga kaluluwa ng mga namayapa nating mahal sa buhay :)

Happy All Saints' Day!!

Guess the Killer [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon