CHAPTER 14.

5.9K 66 12
                                    

"Mommy, okay lang po ba si Bebe?" tanong ni Ana kay Mommy Divine. pinagmamasdan niya ang alagang nakabusangot habang nag-aayos ng gamit nito sa bag sa kanilang sala

"masama lang gising" sagot ni Mommy Divine sa kanya "alam mo naman yang si Sarah kapag sinusumpong ng migraine, pati mood naapektuhan"

"gusto mong kape Ana?" alok nito sa kanya

"ay hindi na po Mommy" pagtanggi niya 

ng matapos ang alaga sa pag-aayos sa gamit nito, lumapit ito sa ina at bumeso "o hindi ka na kakain?"

"hindi na po" tipid na sagot nito sa kanya

"e walang laman yang tiyan mo"

"sa set na po kakain" pumihit naman ng tingin ang alaga sa kanya "Ate, tara na"

"o di magbaon ka na lang" sabi ng ina kay Sarah

"hindi na po. sige My una na kami" muli namang bumeso si Sarah sa ina at lumabas na sa kanilang bahay

"sige po Mommy mauna na kami"

"ay Ana, sandali. sandali lang" sabi nito sa kanya. nagtungo si Mommy Divine sa may kusina. inintay naman niya ito sa may pinto

pagbalik ni Mommy Divine at may dala dala itong tupperware. ibinigay nito ang hawak sa kanya "baunin niyo"

"sige po Mommy, mauna na kami" paalam niya rito

"sige, mag-ingat a" bumeso ito sa kanya

lumabas na siya sa bahay ng alaga at dumeretcho na sa sasakyan. pagkasakay niya ay nandodoon na ang alaga. nakapikit ang mga mata nito at may nakasalampak na earphones sa tenga nito. hindi na lang niya pinansin pa ang alaga. alam niyang tinotopak ito dahil sa nararamdaman

JUST ONCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon