CHAPTER 81.

3.5K 131 26
                                    

panay ang halik ng binata sa kanyang kaliwang kamay na hawak hawak nito. siya ay tahimik lang na nakaupo sa tabihan nito habang pareho nilang inaantay ang pagtawag ng flight ng binata. sinadya talaga nilang pumunta ng airport ng maaga dahil gusto nilang dalawang makapag-usap bago sila pansamantalang magkakanya kanya muna sa kani kanilang mga buhay. tila ayaw na nilang ulitin pa ang pagkakamali noon. ayaw na nilang maghiwalay ngayon na hindi napag-uusapan ang mga bagay bagay na dapat nilang mapag-usapan

"hindi ka na ba talaga muna babalik?" narinig niyang tanong ng binata habang pinaglalaruan nito ang kanyang kaliwang palad

"gusto ko tuloy tuloy na e" sagot niya "...para isahan na lang" dagdag pa niya

"tatlong buwan din yun..." usal ng binata "..tatlong buwan" mahinang ulit nito

naramdaman naman niya ang kalungkutan sa tinig ni Gerald. gustuhin man niyang sumunod sa binata pabalik sa Manila, pakiramdam niya ay kailangan niya pa rin ng sariling oras...malayo sa gulo, sa ibang tao....kahit sa binatang kaharap niya ngayon. natulungan naman siya kahit papaanu ng binata, na mahilom at buuin ang sarili niya, pero may ilang parte pa rin ng pagkatao niya na kailangan niyang pagtrabahuhan ng siya lang, ng walang tulong ng iba

tapos na siya sa pagiging si Sarah na lagi na lamang dumidepende sa iba. yung Sarah na kapag naguguluhan, tatakbo na lamang at iiwanan ang problema. yung Sarah na takot magkamali, takot mapuna, takot na mapagsabihan. ibang Sarah na ang gusto niyang maging...

si Sarah na matapang, may paninindigan, may sariling desisyon...si Sarah na nagkakamali, hindi perpekto, nagmamahal, nasasaktan...bumabangon at nagpapatawad

nakita niyang lumingon ang binata sa kanya. hinaplos naman niya ang mukha nito "pakawalan mo muna ko ngayon..." usal niya "...aayusin ko lang yung sarili ko, pero babalik ako sayo"

"mahihintay mo ba ko?" tanong niya sa binata 

hinawakan naman ng binata ang kanyang kamay na nakahawak sa pisngi nito at marahan itong hinalikan "sabay nating ayusin ang isa't isa. ayusin mo muna yung sarili mo, ako din. aayusin ko muna yung sarili ko"

"ikaw lang muna..." dagdag pa ng binata "...ako lang din muna"

"hintayin mo ko" wika ng binata sa kanya "...kasi maghihintay ako. hihintayin kita, Sarah"

JUST ONCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon