CHAPTER 59.

4.9K 139 31
                                    

"sinong nag-hahanap sakin, Kuya?" narinig niyang tanong ng isang boses ng babae na biglang nag-pakabog ng husto sa kanyang dibdib

bakas sa mukha ng babae ang pag-kagulat ng makita siya nito. tila hindi yata inaasahan ng dalaga ang kanyang presensya. hindi rin naman niya nabanggit na siya ay dadalaw sa location ng shooting nito na sa Tarlac pa

ngunit gusto na niyang makausap ang dalaga 

mahigit isang linggo na kasi silang hindi nagkikita't naguusap matapos ang naging pag-uusap nila sa loob ng kanyang kotse. tinatawagan niya ito, ngunit hindi naman tinatanggap nito ang kanyang mga tawag. pinuntahan niya na rin ito sa kanilang tahanan kahapon, ngunit ang sabi sa kanya ng mga tao duon ay nasa shooting daw ito at sa susunod na araw pa ang uwi

kaya talagang pinuntahan na niya ito, kahit gaano pa kalayo ang kinaroroonan ng dalaga

"anung ginagawa niya dito, Kuya?" mahinang bulong ni Maja sa handler

"dumayo siya dito para kausapin ka. kaya sana naman harapin mo siya" tugon ni Jerry sa alaga "..saka kailangan niyo rin yan. kailangan niyong mag-usap" dagdag nito

nakita niyang bumuntong hininga ang dalaga habang patuloy na pinapakinggan ang handler nitong si Jerry. panay din ang tungo nito sa bawat bulong ng lalaki na hindi naman niya marinig at maintindihan

binalingan siya ng tingin ni Jerry "Ge, maiwan ko muna kayo ha?" usal nito sa kanya 

nakangiti naman niyang tinanguan ito "sige Kuya. salamat"

"mag-usap kayo ha?" usal muli nito habang nakahawak na ang mga kamay sa door knob ng kanilang tent. tinuro pa nito ang alaga "ikaw ha?" at pinagbantaan ito bago sila tuluyang iniwanang dalawa nito. umupo ang dalaga sa sofang naruruon sa silid, siya naman ay umupo din sa tabihan nito 

ang huling ingay na narinig nilang dalawa ay ang pag-sarado ng pintuan. pagkatapos nun, tuluyan na silang sinakop ng katahimikang dalawa. kapwa, pareho silang nag-aalinlangang magsalita. kapwa, parehong nagpapakiramdaman. kapwa, parehong naghihintayan sa kung sino ang unang gagawa ng hakbang 

panay ang sulyap nila sa isa't isa, ngunit, panay din ang iwasan nila ng mata

lumunok siya sa kanyang unti unti ng nanunuyot na lalamunan bago siya tuluyang umimik "pumunta ako sa inyo kahapon...wala ka naman daw. tumatawag din ako sayo, kaya lang hindi mo naman sinasagot. pati text ko, hindi mo rin nirereplyan"

"okay pa ba tayo?" tanong niya sa dalaga na hindi naman nito sinagot. nakayuko lamang ito habang pinaglalaruan ang mga daliri

"sumagot ka naman o" usal niya 

"anu bang gusto mong maging sagot ko?" sa wakas, ay imik ng dalaga. binalingan siya ng tingin nito na siya namang ikinadurog ng kanyang puso. bakas na bakas ang sakit sa mga mata ng dalaga 

"...yung totoo na masakit o yung kasinungalingan na masakit din?" tanong muli nito sa kanya "...alin sa dalawa Ge? alin dun ang gusto mong sabihin ko?" naiiyak ng usal ng dalaga sa kanya 

"I'm so sorry..." wika niya. tila hindi na makayanan ng kanyang konsensya na makita na nasasaktan niya si Maja

"sorry for what, Ge?" tanong nito sa kanya 

"for hurting me??" 

"or for loving me??" 

"...alam mong hindi totoo yan. alam mong mahal kita. kaya nga nandito ako e, kasi gusto kong ayusin natin, tayo. gusto kong maayos natin kung anuman yung nangyayari sa relasyon nating dalawa"

"...hindi na kaya, Ge. hindi na natin kayang ayusin pa to" umiiyak na sabi ng dalaga sa kanya. hinawakan naman niya ang magkabilang pisngi nito

"Maj, kaya natin. kaya pa natin. mag-tutulungan tayong dalawa. gagawin natin lahat, gagawin ko lahat. diba? nangako na tayong dalawa sa isa't isa, na tayo na. na sabay tayong tatanda. nangako ako sayo, Maj. gusto kong tuparin lahat ng iyon. tutuparin ko lahat ng iyon---"

JUST ONCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon