CHAPTER 45.

4.8K 88 25
                                    

seryosong seryoso silang dalawa ng kanyang pinsan sa panunuod ng dvd ng No Other Woman sa entertaiment room ng kanilang bahay. meron pa silang dalawang inihandang buttered popcorn na nakapwesto sa pagitan nila at isang malaking pitchel ng lemonade ice-tea na siya mismo ang nagtimpla

animo'y damang dama nilang dalawa ang bawat eksena. tila parang mga apektado sila sa bawat linyang binibitawan ng mga karakter at damang dama nila ang bawat emosyon ng mga bida sa palabas

si Peachy nga ay halos makaubos na ng isang roll ng tissue habang siya ay panay lang ang subo ng popcorn na ngayon ay nasa kadungan na niya nakalagay

"grabe lang talaga yung mga kabit no!!!" komento ni Peachy habang inaabot nito ang bowl ng popcorn na inalalayo naman niya dito "hoy ang damot mo" dagdag pa nito sa kanya "..pahingi lang e"

bahagya naman siyang natawa at inilapit din ang hawak na malaking bowl sa pinsan. kumuha naman ng malaking tipon si Peachy ng popcorn "ang dami naman niyan" komento niya "patay gutom lang ha?!!" natatawang dagdag pa niya 

"e kasi baka ipagdamot mo ulit sakin yang luto mo" sabi nito sa kanya na ikinatawa naman niya 

"..nanunuod ka ba nung My Husband's Lover?" tanong nito sa kanya. umilling naman siya bilang tugon "my gad a. so loyal to ABS ha?" komento ni Peachy 

mahinang binatukan naman niya ito "shongek!! may trabaho ako no, kaya hindi ako nakakanuod ng mga ganyan. palibhasa kasi nasa bahay ka lang lagi e" 

"ewan ko sayo. hindi kita papatulan, kasi hindi ako pumapatol sa bata" nang-aalaskang sabi nito sa kanya. binato naman niya ang pinsan ng apat na piraso ng popcorn

"ang yabang mo!!! sige ikaw na, ikaw na matangkad!!!" bwelta niya na ikinatawa naman ng kanyang pinsan

"bat kasi hindi ka nanunuod nun? e ang ganda ganda nun?" 

"may trabaho nga ako!" 

"araw-araw??" 

"oo. anu ka ba? para namang sandalian lang ang shooting" dipensa niya 

"ang ganda ganda pa naman nun" komento ni Peachy sabay subo ng tatlong piraso ng popcorn sa bibig "...lalaki yung kabit" dagdag pa nito sa sinasabi

"lalaki?"

"oo. bakit? anung akala mo? babae lang pwedeng maging kabit?" nakataas kilay na sabi ng pinsan sa kanya 

"talaga lalaki?" 

"oo nga" sagot ni Peachy sabay subo muli ng maliit na tumpok ng popcorn na nasa kanang kamay

"pero siyempre iba pa rin kapag babae" sabi pa ni Peachy "...kayong mga babae, makati e. ang haharot! ayaw pumirmi" dagdag pa nito

"alam ng may jowa yung lalaki, lalandiin pa rin. hindi na nahiya!!" muling dagdag nito. siya naman ay natatawa sa tono ng pananalita nito "...ang landi landi talaga!!! nako!! nakakainis!! sarap bigwasan sa lalamunan ng mategi agad!!!" walang prenong litanya ni Peachy na talaga namang ikinatatawa niya ng matindi

"...alam mo yang mga malalanding babae na yan, sila ang mahirap na karibal sa buong wide universe e" komento muli ng pinsan. bigla namang naglaho ang mga ngiti niya sa labi dahil sa sinabi ni Peachy

tila parang taliwas ang kanyang puso't isipan sa sinabi ng pinsan

"bakit?" tanong ng pinsan sa kanya ng mapansin nito ang pag-iiba ng kanyang reaksyon. isang walang buhay na ngiti ang umusbong sa kanyang mga labi

huminga siya ng malalim "alam mo kung sino talagang pinakamahirap na karibal sa taong mahal mo...." simula niya "...hindi naman yun mga malalanding babae e" dagdag pa nito "..hindi sila" at sinabayan pa niya ng iling ang kanyang salita

JUST ONCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon