CHAPTER 32.

5.8K 96 19
                                    

kapwa lahat sila ay maagaang nag-sigising, maagang nag-ayos at nagimpake ng mga kani kaniyang gamit. kapwa lahat ay maaga ding nagsiklos at nagsigayak

ito na ang pinakahuling araw nila sa Baguio. babalik na muli sila sa Maynila. babalik na muli sila sa mundo nilang magulo, sa mundo nilang mabilis ang oras, sa mundo nilang walang lugar ang katahimikan

"anung oras ba tayo aalis?" tanong niya sa handler na nag-aayos ng gamit niya 

"maya maya pa naman" sagot ni Nhila na hindi man lang siya tinignan, nakatuon lang ito sa mga tinitiklop niyang damit "bakit?" 

"may dadaanan lang ako saglit" sabi niya. umupo siya sa tabihan ni Nhila at tinulungan na ito sa ginagawa "..as in saglit lang"

"san ka naman pupunta?"

"diyan lang!" 

"sang diyan lang?"

tumayo siya sa pagkakaupo "basta!" 

"bahala ka!! pag ikaw naiwan, bahala kang umuwing mag-isa paMaynila!" banta ni Nhila sa kanya. natawa naman siya sa tono ng pagkakasabi nito sa kanya. animoy para siyang batang tinatakot nito

lumapit siya sa handler at mahigpit itong niyakap patalikod. pilit namang pumipiglas ni Nhila sa pagkakayakap niya dahil halos mahamag na niya ang handler 

"Ge!!! bitawan mo na ko!!" piglat ni Nhila ngunit mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakayakap dito "Gerald!! anu ba?!!" hinampas siya nito ng t-shirt "Gerald!!!!"

tawang tawa niyang binitawan ang handler. hinampas siyang muli nito ng t-shirt na hawak "umalis ka na nga!" sabi nito sa kanya. natawa naman siya ulit

ow no..Ms.Sungit strike again

"babalik rin ako agad" sabi niya sa handler. nilapitan niya ito at hinalikan sa noo "ewan ko sayo, bahala ka sa sarili mo" nakakunot noong sabi nito sa kanya 

hinalikan niya muli ito, sa pisngi naman. hinampas siyang muli ni Nhila ng t-shirt sa pagkakadiin ng pagkakahalik niya 

~~o~~o~~

"sorry!! sorry!!" paumahin niya kay Gerald. sa sobrang gulat niya kasi ng kilitiin siya nito patalikod, ay nahampas niya ito sa braso ng pagkalakas

natatawang hinihimas himas naman ng binata ang brasong hinampas niya

"nang gugulat ka kasi ayan" sabi niya sa binata. tumingin lang ang binata sa kanya na animoy nag papaawa sa pagkakatusok ng nguso nito "uy sorry...masakit ba?" tanong niya dito "ikaw naman kasi" 

si Gerald naman ay sige lang sa kakahagihik "ang pula o" sabi nito sa kanya 

hinimas niya na rin ang braso nito para aguyin ang binata "sorry!!" 

"bat ka ba nandito?" 

"yayain sana kita e" sagot ng binata sa kanya habang patuloy na hinihimas ang braso nito

napakunot naman ang noo niya "saan?"

"basta" nakangiting sagot nito sa kanya

"e aalis na tayo a"

"mamaya pa naman yun e" sagot nito sa kanya "nakaimpake ka na ba?"

"oo, kanina pa"

"o yun naman pala e. tara na"

"san ba tayo pupunta?"

hinawakan ng binata ang kanyang kaliwang braso at pilit siya pinatayo "basta!!!!"

"teka lang saglit" awat niya dito habang patuloy siyang hinihila "sandali..!!! uy Ge?!!! sandali lang?!!! teka si Ate---huy??!!!!"

"halika na!!" 

JUST ONCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon