CHAPTER 3.

6.9K 87 16
                                    

<1 message received>

"Sars,yung phone mo tumunog" 

"ha?"

"may nagtext yata sayo"

tumayo naman siya sa kinauupuan at lumapit sa lamesa kung nasaan nakapatong ang kanyang cellphone. napangiti siya ng makita kung kanino galing ang kanyang message

<ATE JUDAY>

"si Ate nagtext" sabi niya pa

told you magiging headline ka nanaman :)

napakunot noo naman siya sa text message sa kanya ni Juday "Ate meron ba tayong dyaryo diyan?" tanong niya sa assistant

tumayo naman ang kanyang assistant at naghanap ng dyaryo "sandali Bebe, hahanap ako"

~~o~~o~~

puno ng tawanan at kwentuhan habang sabay sabay silang tatlo na kumakain ng almusal malapit sa pool side

bigla namang dumating si Jalal na may hawak pa na dyaryo sa kamay at nakisalo rin sa kanila, ng kapatid at ng bestfriend niyang si Fred

"Manang pakikuha nga rin po ng plato si Jalal" pakisuyo ni Ken sa kasambahay dahil nakihati pa si Jalal sa pagkain niya sa plato. maselan kasi si Ken sa mga bagay na ginagamit niya, yun para bang ayaw niyang ipagamit sa iba yung mga bagay na ginamit na niya "pati na rin ho baso" hirit pa ng kapatid, ininuman kasi din ni Jalal yung baso ni Ken na may mango juice

natawa na lang siya at si Fred sa inakto ng kapatid. bumalik naman na si Manang dala dala ang mga pinasuyo ni Ken, iniaabot ito kay Jalal na siya namang nagpasalamat rin sa matanda

sumandok na si Jalal ng pagkain "nagbasa na ba kayo ng dyaryo?" 

"bakit anung meron?" tanong ni Fred

"so hindi pa nga?"

"anu ngang meron?" tanong muli ni Fred

inilabas ni Jalal ang dyaryong kanina'y hawak at pinakita ito sa kanilang tatlo 

POPSTAR PRINCESS, muling hinarana ang dating nalink sa kanya na si GERALD ANDERSON sa concert nito sa arena. 

pagkabasa sa nakasulat, kinuha niyang dali ang dyaryo at muling binasa ang nakaimprenta dito muling ....hinarana ang dating nalink sa kanya

page 5

nilipat nga niya sa ika-limang pahina ang dyaryo. tahimik niyang binasa ito habang ang mga kasama ay nakatingin lang sa kanya, hinihintay ang magiging reaksyon niya

...emosyonal niyang inawit ang kantang Muntik na kitang Minahal na siyang inalay niya pa sa dating nalink sa kanya na si Gerald Anderson

...sinabi pa ng Popstar Princess na masaya na siya para sa aktor at wala na raw sa kanya kung anuman ang nangyari sa pagitan nilang dalawa noon

napangiti siya sa nabasa. masaya siyang malaman na okay na nga si Sarah sa kabila ng pinagdaanan nito. masaya siyang malaman na naglaho na ang sakit na naidulot niya sa dalaga. masaya siyang malaman na masaya na ulit ito

"okay ka lang Kuya?"

"yeah"

"i'm happy she's happy"

"i'm happy that she's okay now" dagdag pa niya

"sabi ko naman kasi sayo diba Bro, magiging maayos din ang lahat" nakangiting sabi ni Fred sa kanya na tinapik pa siya sa kanang balikat niya 

isang malalim na paghinga naman ang pinakawalan niya. para siyang nabunutan ng tinik, parang nawala lahat ng mga bagay na nakabara sa daluyan ng kanyang oxygen

"tabi mo na nga yan, kumain na ulit tayo" sabi ni Ken sa kanya

tinabi naman na niya ang dyaryong hawak. pasubo na sana siya ng kanin ng biglang tumunog ang kanyang cellphone na nakapaloob sa kanyang bulsa

<1 message received>

binuksan niya ang message at walang salita itong binasa

Ate Nhila: 

tomorrow meeting. 9am

don't be late!!

nakakunot noo naman niyang ibinalik muli ang cellphone sa kanyang bulsa

"bakit?" tanong ni Ken sa kanya ng makita nito ang pagkunot ng kanyang noo

"may meeting daw bukas"

"tungkol saan?"

"walang sinabi e"

"baka naman pag-uusapan niyo na papano yung magiging promotion ng On the Job" pag-singit ni Fred

"kailangan pa ba nun? e diba klaro naman na sa mga tao na kayo na talaga ni Maj, o bat kailangan pang prumomo?" singit naman ni Jalal "saka unti unti na rin naman kayong natatanggap ng tao diba?!" dagdag pa ni Jalal

"grabe lang yung pinagdaanan niyo ni Maj no?!!! parang buong Pilipinas hadlang sa inyong dalawa nung umpisa e, mapatwitter, tabloid, forums, lahat sinisiraan kayong dalawa" may kasama pang iling na wika ni Jalal "ang hirap nun no" dagdag pa nito

naaliw naman na pinakikinggan lang ni Fred at Ken si Jalal. natural na madaldal talaga tong si Jalal. yun bang kapag binuka na yung bibig, wala ng tigil, sunod sunod na yung birada, hindi na magpapaawat sa pagkwento

"pero alam mo Bro, mas komplikado pa rin yung sa inyo ni Sarah dati e" sabi pa nito habang nginunguya ang kasusubo lang niyang pagkain "yung sa inyo ni Sarah iba e, kasi kayong dalawa tanggap nga kayo halos ng buong Pilipinas.....

.....pwera na lang ng mga tao sa paligid ninyong dalawa" 

balasubas naman niyang sinubuan ng tinapay si Jalal sa bunganga "kumain ka na lang. masyado ka talagang madaldal" 

~~o~~o~~

ibinababa naman niya ang dyaryong hawak ng matapos itong basahin. malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya

"ikaw naman kasi Sars, bat mo nga naman kasi ginawa yun?" tanong ni Ana sa kanya. ito ay ang kanyang personal assistant

"wala namang masama sa ginawa ko a, saka okay na rin yun diba? para alam na ng mga tao na okay na talaga ako"

"naku!!! if i know, iniisip lang nila promo promo mo lang yun"

"e bahala na sila sa kung anung gusto nilang isipin. basta ako, gusto ko na lang mas maging better kaysa maging bitter. saka ayokong gawan pa nila ng issue yung nangyari dati, e dati na nga yun. saka para na rin, alam niya na okay na talaga ako, na hindi na ko galit sa kanya, na--na okay na talaga lahat"

"okay ka na ba talaga?ha?"

"okay na nga ako Ate, anu ba?!! bat ba ayaw niyong maniwala sakin?"

"hindi naman sa hindi  ako naniniwala sayo. kaya lang sigurado ka ba talaga na okay ka na? mamaya pag nagsimula na kayong---"

hinawakan naman niya sa magkabilang braso si Ana "Ate, okay na nga ako. okay na okay na okay na nga ako"

"sure?"

"very sure. 100 % sure"

"iniisip lang kasi kita. lalo pa, itutuloy na yung napost-pone niyong movie last year"

---------

nabasa ko yung mga comments niyo sa previous chapter

and I'm so sorry....hahaha...sa mga sumakit ang puso, ulo pati na rin bangs!!

i'll make bawi na lang sa mga susunod na chapters 

so...you know what to do

comments/votes

salamuch ">

Happy Thursday Guys!!

#522

JUST ONCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon