CHAPTER 61.

4.3K 107 45
                                    

nakaupo siya sa may lapag habang nakalapat ang likuran sa may pader. ang kanyang mga mata ay nakatanaw sa kalmadong dagat sa kanyang gawing harapan

muli nanaman siyang nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga

tatlong araw na siyang naririto sa parola. nakaupo lang siya at nakatanaw ang mga mata sa kawalan. ni hindi nga niya pinapansin ang kanyang cellphone na panay ang tunog at kislap na nasa kanyang tabihan, wala siyang pakialam sa mga tawag at text na natanggap nito. ang tanging beses na hinawakan niya ito, ay nung nagtext siya sa kanyang ina upang ipaalam dito na nasa maayos siyang kalagayan at kung maari ay wag na itong mag-alala sa kanya. kailangan lang talaga niya ngayon ng sariling oras at espasyo malayo sa mga tao. kailangan talaga niya ngayon ng isang payapang lugar dala ng mga nangyaring mabibigat sa kanya nitong mga nakaraang araw at linggo

tila napakasakit para sa kanya na tanggapin na nakasakit siya ng ibang tao...

una, ang babaeng nagmamahal sa kanya 

pangalawa, ang babaeng minamahal niya 

yun na yata ang pinakahuling bagay na gusto niyang gawin sa kanyang buhay, ang makasakit ng puso't damdamin ng kanyang kapwa..higit ng taong pinahahalagahan niya. pero, sabi nga nila...imposibleng hindi mo masaktan ang taong nagmamahal sayo, higit mas imposibleng hindi mo masaktan ang taong minamahal mo. pain and love always come together...though it sucks to admit, but thats the truth we can't forbid

ipinikit niyang muli ang kanyang mga mata ng maalala nanaman niya ang naging paguusap nila ng dating kasintahan nuong binisita niya ito sa Tarlac. nasasaktan pa rin siya tuwing naalala niya ang mga sinabi nito sa kanya at sakit na nadarama nito na bakas na bakas sa mga luhang dumadaloy mula sa mga mata ni Maja

mas lalo niyang ipinikit ang kanyang mga mata ng maalala naman niya ang naging komprontasyahan nila ni Sarah nuong nasa Palawan sila. mas naramdaman niya ang pagkadurog ng kanyang kalooban ng magbalik sa kanyang isipan ang mga salitang binitawan nito sa kanya at ang luhang parang gripong patuloy ang pagdaloy sa walang kalaban laban na mukha nito 

namamasa masa nanaman ang kanyang mga mata. pakiramdam niya ay muli na namang bubuhos ang ulan sa kanyang kalooban ngunit ayaw na niyang umiyak pa. pagod na ang kanyang mga mata sa pagluha. pati na rin ang kanyang damdamin ay nanunuyot na. ngunit paano ba mapipigilan ang ulan sa pagbagsak, kung ang salop nito ay mabigat na?

akmang tutulo na talaga ang kanyang luha mula sa kanyang kanang mata ng bigla siyang may naramdaman na umupo sa kanyang tabihan. dali dali niyang iminulat ang mata at iginawi ang paningin sa kanyang kanan

ang kanyang puso ay atomatikong tumibok, sa pinakamabilis na paraan

"Sarah?"

hindi naman kaagad umimik ang dalaga. tulad niya kanina, ay nakatingin lang din ito sa may dagat habang ang likod ay nakalapat sa pader na sinasandalan din niya 

"paano mo nalamang nandito ako?" tanong niya na muling hindi kinibo ng dalaga

"bakit ka nandito?" tanong niyang muli na hindi pa rin sinagot ng dalaga. patuloy lang ito sa panunuod sa kalangitan. siya naman ay muling ibinalik ang paningin sa harapan at hinayaan na lang ang dalaga na hanggang sa ngayon ay tahimik pa rin at nananatili lang sa tabihan niya 

matapos ang ilang minuto ng katahimikan sa pagitan nila, sa wakas ay nagsalita na rin si Sarah "...ang tagal na din nating hindi nag-uusap tungkol satin" panimula nito na binalingan pa siya ng paningin. siya rin ay napabaling sa dalaga dahil sa narinig 

nilihis ng dalaga ang paningin sa kanya at muling idinako sa harap sabay yuko ng ulo nito "..nung nagkita tayo ulit, pagkatapos ng lahat lahat ng nangyari...para tayong mga estranghero na nag-papangap na hindi natin kilala yung isa't isa" muling bumaling paharap sa kanya ang dalaga "...na wala nangyari sating dalawa"

JUST ONCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon